Dapat nang pagbawalang mag-rekrut ng migranteng Filipino ang Annasban Co., ayon sa Migrante International.
Ito ang naging reaksiyon ng tagapangulo ng grupo matapos makatanggap ng balitang sisimulan na ng embahada ng Pilipinas sa Riyadh ngayong Enero 17, 2010 ang pagpapauwi sa 88 Pinay na nag-hunger strike dahil sa patuloy na paglabag sa kontrata ng Annasban Co.
Ayon kay Martinez, ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumugon ang gobyerno sa katulad na isyu.
Noong Oktubre 2009, tatlong magkakahiwalay na grupo ng mga OFW (overseas Filipino workers) na nagtatrabaho sa Annasban Co. ang huminto sa pagtatrabaho bilang protesta sa malubhang paglabag sa kanilang kontrata. Kabilang dito ang mas maliit na suweldo, mas mahabang oras ng paggawa, at kakulangan ng iba pang benepisyo.
“Simula noon, ikinulong na sila ng kompanya sa masikip na akomodasyon na ibinigay ng Annasban. Nagsimula ang negosasyon sa OWWA (Ovearseas Workers Welfare Adminitration) noong Nobyembre pero ngayon lamang gumawa ng hakbang ang DFA (Department of Foreign Affairs) para mapauwi ang mga OFW,” ani Martinez.
Bagamat natuwa ang mga OFW, nagpahayag din umano ng pangamba ang mga ito sa pangako ng gobyerno ng Pilipinas.
“Masaya sila nang makausap natin, pero sinabi rin nila na hindi sila titigil sa pagha-hunger strike hanggang hindi ibinabahagi ni Ambassador Villamor sa kanila ang opisyal na resulta ng pakikipag-usap sa Annasban,” sabi ni Martinez nang makausap niya sa telepono si Eppie Bellarma, tagapagsalita ng mga naturang OFW.
“Nakahanda silang ituloy ang hunger strike kapag hindi natuloy sa Enero 17, 2010 ang pagpapauwi sa kanila,” dagdag niya pa.
Sinabi pa ni Martinez na ganito rin ang saloobin ng mga pamilya ng mga OFW. “Nakahanda silang magprotesta sa harap ng DFA at kasuhan hindi lamang ang Annasban, kundi pati na rin ang mga arogante at iresponsableng opisyal ng gobyerno na sangkot sa mga ganitong kaso,” aniya pa.
Related posts:
(1) Sa hanay ng mga kapanalig ni Presidente Noynoy Aquino, may isang paraan para mapag-iba ang mga sagad-sagarin sa mga kahit paano’y kritikal kung magsuri, iyung may katapatan pangunahin sa pangulo at iyung pangunahin sa bayan: Paano nila hinuhusgahan ang unang State of the Nation Address ni Noynoy? Kung puro papuri, nakahanay sila sa nauna; kung kahit paano’y may papitik-pitik na pagpuna, sa ikalawa.
sa totoo,,, bakit nmn kayo ganyan paano nmn kami dito na 3500 staff na annasban puro pilipino na nagtatrabaho ng maayos sa company dito din umaasa pamilya namin,,, sa totoo lang puro lng nmn kasinungalingan ang mga sinasabi ng ilang mga babae na pinaniniwalaan ninyo ,, dapat alamin naman ninyo ng mabuti bago kayo magbalita ng puro nmn mali,,,, hindi nmn po 88 kudi 43 lang,,,at dapat alamin muna ninyo kung sinu ang mali,,,kaya nmn po ako ang isa sa mga nagtatrabaho sa company na ito na tigilang na ninyo ang paninira dahil marami kami naapektuhan,,, alamin muna ninyo kung totoo ang binabalita ninyo o hide,, salamat po,,,