Mga larawan: Paglapit ng Lakbayan sa Maynila, sa kabila ng panghaharang

Para hindi marinig ang programa ng mga demonstrador, nagpatugtog ng malakas na musika ang mga sundalo. Pero lalo naman itong ikinagalit ng mga magsasaka. (King Catoy/May Day Productions)

Natagpuan naman umaaligid sa delegasyon ang ilang hinihinalang di-unimpormadong mga sundalong naniniktik. (King Catoy/May Day Productions)

Engrandeng salubong sa Calamba Crossing, Laguna ng halos 1,000 magsasaka, manggagawa, at maralitang lungsod mula sa iba't ibang probinsya ng Timog Katagalugan. Nagkaroon ng mga pangkulturang pagtatanghal. (King Catoy/May Day Productions)

Nagkaroon din ng fireworks at iba pang gimik para idramatisa ang paglalakbay ng mga magsasaka mula sa iba't ibang panig ng bansa. (King Catoy/May Day Productions)

Hamon nila, dapat maging adyenda ng mga tumatakbo para sa halalan ang tunay na reporma sa lupa, na pinagkait umano sa ilalim ng gobyernong Arroyo. (King Catoy/May Day Productions)
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5825















