Mga larawan: Pagtulak mula Mindanao ng mga magsasaka, sa unang 2 araw ng Pambansang Lakbayan

Inanunsiyo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Anakpawis Party-list ang simula noong Enero 22 ang 10-araw na karaban ng mga magsasaka, na pinamagatang Pambansang Lakbayan para sa Lupa at Katarungan. Paliwanag ni Pedro Armado ng Anakpawis-Southern Mindanao Region (itaas), layon nilang makarating sa Mendiola Bridge sa Maynila sa Enero 22, ika-23 na anibersaryo ng Mendiola Massacre. (King Catoy/May Day Productions)

Nagtipun-tipon sa Freedom Park sa Davao City ang mga magsasaka at kanilang mga tagasuporta. Kabilang sa kanilang mga panawagan ang pagbasura sa batas na Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms o Carper. (King Catoy/May Day Productions)

Ayon kay Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng KMP, nabigo ang CARP na ipamahagi ang lupa sa kalakhan ng mga magsasaka. (King Catoy/May Day Productions)

Mula sa Freedom Park, nagtungo ang mahigit-kumulang 500 katao sa bahay ni House Espiker Prospero Nograles, bitbit ang mga sulo. Binuhay ni Nograles ang panukalang Charter Change, na tinututulan ng mga magsasaka dahil papayagan umano nito ang ibayong dayuhang pagmamay-ari ng lupa. (King Catoy/May Day Productions)

Sinunog ng mga magsasaka ang kopya ng Carper sa harap ng bahay ni Nograles. (King Catoy/May Day Productions)

Bandang alas-singko ng madaling araw noong Enero 13, tumulak mula Davao City ang tinataguriang mga "lakbayani," patungo sa Butuan City, Surigao del Sur. (King Catoy/May Day Productions)

Sa tsekpoint sa Butuan City, kinuha ng pulisya ang mga plate no. ng 26 na dyip at trak na kalahok sa karaban. (King Catoy/May Day Productions)

Habang naglalakbay, di alintana ng mga "lakbayani" ang init ng sikat ng araw. Nagdaos ng press conference at maikling programa sa Butuan City, kung saan tinagpo sila ng mahigit 100 pang magsasaka. Inaasahang makakarating sa Surigao City ang karaban ngayong hapon, para salubungin ng mga magsasakang nagmula sa Cagayan de Oro City. (King Catoy/May Day Productions)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5679














[...] This post was mentioned on Twitter by makabayan coalition and rafael antonio dulce, pia montalban. pia montalban said: RT @antondulce: Pictures of 1st 2 days of Mindanao leg of historical #Lakbayan against #chacha and #carper http://ping.fm/W5rUe [...]