Mga larawan: Papaigting na panghaharas sa Pambansang Lakbayan

Sa isang pahayag mula sa Quezon City, sinabi ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano na "napapraning" ang mga sundalo sa karaban. Sa kabila nito, umano'y determinado ang mga magsasaka na makarating sa Maynila para igiit ang kanilang panawagan para sa tunay na reporma sa lupa na nabigong ipatupad ng gobyernong Arroyo. (King Catoy/May Day Productions)

Bandang alas-dose ng tanghali, nakarating din sa Legazpi City ang mga magsasaka. (King Catoy/May Day Productions)

Nagpiket ang mga magsasaka sa harap ng Camp Simeon Ola ng Philippine National Police. (King Catoy/May Day Productions)

Sinubukan ng pulisya na pigilan ang mga magsasaka, ngunit hindi sila nagtagumpay. (King Catoy/May Day Productions)

Mababa ang lipad ng isang Huey helicopter at pinagsususpetsahang idinispatsa para manmanan ang karaban. (King Catoy/May Day Productions)

Lantaran ding kumukuha ng bidyo ang isang di-unipormadong pulis. Binatikos ng mga magsasaka ang ganitong panghaharas. Posible ring banta sa kanilang buhay ang paniniktik na ito, dahil may 561 magsasaka na ang pinatay ng pinaghihinalaang mga ahente ng Estado simula 2001. (King Catoy/May Day Productions)

Gayunpaman, hindi nagtagumpay ang mga pulisya sa paninindak sa mga magsasaka, na masiglang binabati ang lahat ng nagdaraang mga sasakyan. (King Catoy/May Day Productions)

Kinagabihan, nakarating sa Naga City ang mga magsasaka. Umikot sila sa siyudad bago muling pansamantalang magpahinga. (King Catoy/May Day Productions)
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5755
















[...] This post was mentioned on Twitter by gly gotiangco, hilway dato. hilway dato said: mga larawan sa Lakbayan ng mga magsasaka na nasa Cam Norte Na. http://ow.ly/XhR3 @tonyocruz [...]