Pinoy Weekly

Opisyal ng DFA, naniningil para mapauwi ang bangkay ng pinatay sa Jordan

Mahigit dalawang buwan na ang nakakalipas mula nang mamatay ang Pinay na domestic helper sa Jordan na si Analyn de Pena, 23, pero wala pa ring linaw kung kalian maiuuwi sa Pilipinas ang kanyang bangkay.

Agosto 2009 nang umalis papuntang Jordan si de Pena, tubong North Cotabato, para maging domestic helper.

“Noong mga unang buwan ay wala naman siyang sinasabing problema niya sa kanyang trabaho at nakakapagpadala din siya ng pera dito sa Pilipinas. Kaya naman nag-alala kami ng husto nang sinabi niya na sinasaktan na siya ng kanyang among babae at tinatakot na papatayin siya. Kaya hindi kami makapaniwala noong ibalita sa amin na nagpakamatay daw ang aking kapatid noong Nobyembre 10, 2009,” ani Grace Molo, kapatid ni Analyn de Pena.

Agad na dumulog sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs noong November 18, 2009 si Molo upang humingi ng tulong sa pag-uwi ng bangkay ni Analyn.

Kanyang nakausap niya si Case Officer Bert Manayao. “May pinasagutan sa aming form si Mr. Manayao tungkol sa aming request. Nang makita ko na may nakalagay na kinakailangan naming magbayad ng US$5,497 ay hindi ko pinirmahan ang form at sinabi ko sa kanya na wala naman kaming ganoong kalaking halaga. Nagalit si Mr. Manayao at nilamukos sa harap ko ang papel,” salaysay ni Grace.

Disyembre 11, 2009 nang muling bumalik sa DFA si Grace ngunit sinabi ni Manayao na kung wala silang pera ay lumapit na lamang sila sa mga pulitiko upang manghingi ng tulong. Nang manghingi ng kopya ng mga dokumentong may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang kapatid si Grace ay sinabi ni Manayao na confidential daw ang mga papeles na ito at walang karapatan ang pamilya na magkaroon ng sariling kopya.

Ayon sa Migrante International, marami na umano silang natatanggap na reklamo tungkol sa “kagaspangan” ni Manayao sa mga kaanak na dumudulog sa kanila.

“Napakaraming beses na rin naming ipinagbigay alam sa OUMWA (Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs) ang tungkol sa case officer nilang ito. Hindi na namin maintindihan kung saan pa nanghihiram ng hiya ang isang Bert Manayao na sumasahod dahil sa sakripisyo ng mga kagaya ni Analyn de Pena pero ganito makitungo sa pamilya ng mga humihingi ng tulong sa kanya”, pahayag ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante.

Sinabi pa ni Martinez na hindi nakapagtataka ang abang kinasasapitan ng mga migranteng Pinoy sa ibayong dagat “kung ganitong klase ang mga case officer ng OUMWA.”

“Maliban kay Analyn de Pena, napakarami pang kaso ng mysterious deaths ng mga OFW lalo na sa Middle East. Hindi na nga pinag-aksayahan ng panahon ng DFA na paimbestigahan ang tunay na sanhi ng kamatayan ay wala pang aksiyon upang kagyat na maiuwi sa bansa ang kanilang mga bangkay”, dagdag pa ni Martinez.

Maraming beses na umanong ipinagbigay-alam ng Migrante kay Usec. Esteban Conejos ang hinggil sa asal ng ilang abusadong case officers ng OUMWA, pero walang aksiyon o sagot man lamang ang kanyang tanggapan.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=6007

Posted by on Jan 25 2010. Filed under OFW. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

2 Comments for “Opisyal ng DFA, naniningil para mapauwi ang bangkay ng pinatay sa Jordan”

  1. Ruben Montillano

    Putang Ina mo! Bert Manayao!!!!

  2. torret

    kayong mga demonyong nasa DFA talagang mga wala kayong puso ipanalangin nyo sa amo nyo na si satanas na di ako maging amo nyo jn. sa DFA dahil kapag ako ang naging amo ninyo ibabaon ko kayong buhay kasama ng lahat ng miembro ng pamilya nyo para hindi na kakalat ang mga lahi nyong demonyo akoy isa ring OFW..at marami rin akong paghihirap na nararanasan dati akong nag trabaho dyan sa middle east na mga kagaya rin ninyong mga demonyo ang mga tao dyan buti nalang pinalad akong maka punta rito sa canada… meron sana akong plano na hikayatin ang mga OFW. na magkaroon ng funding tapos ay nag buo tayo ng mga mercenaris at ipapapatay ang mga lahat na mga nangaka upo sa pamahalaan simula presidinte hanggang tanod…at meron sana akong i suggest sa pamahalaan kung talagang gusto nilang pagmamalasakitan ang mga OFW lalo na sa mga kababaehan para mamonitor sila bawat employer ay kukunin ang tel. number tapos iforward ang num. sa embahada o cunsol tatawagan ang employer at kumustahin ang OFW higit sa lahat ang mga DH. kausapin o imonitor kada tatlong buwan para matiyak ang kanilang kaligtasa.. ang sino mang aayaw dito sa suggestion kung ito ay hindi maka tao kundi siya ay demonyo rin..

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes