Konteksto

Kung bakit dapat magparami sa UPLB

Gusto ni Chancellor Luis Velasco ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños (UPLB) na ipatupad ang pagkakaroon ng malalaking klase para sa lahat ng foundation at general education courses sa susunod na semestre na magsisimula sa Hunyo 2010. Kung noon ay umaabot lang sa 25 hanggang 40 ang bilang ng mga estudyante bawat klase, ngayon ay magiging 160 hanggang 250 na.

Kung bakit dapat magparami sa UPLB
Mas marami, mas masaya. Malaking klase, malaking kita.

Kung pakikinggan ang kanyang panayam sa LBFM 97.4 noong Enero 22, binanggit niyang makabubuti ito dahil gusto niyang paramihin ang bilang ng mga estudyante sa UPLB. ”We want to increase the capacity of UPLB to accept more students. We are targeting to increase our intake by 500 by June 2010. Next year, our target is to increase the population from 10,000 to 15,000 students at any given time.”
Para patunayang hindi biglaan ang polisiyang ito, sinabi niyang pinag-usapan ang pagkakaroon ng malalaking klase sa mga faculty conference at Executive Committee na binubuo ng mga dekano. ”This is not a decision of mine. I only execute the collegial decision.”
May pag-aaral diumano tungkol sa isyung ito: ”Some three years back, we started doing some large classes and the Institute of Mathematical Sciences and Physics took it as a challenge. They have done it for the last three years. They are satisfied and they feel happy. They take it as a better way of doing things because they have more time to do research, write papers and do reports.”
Kung paniniwalaan si Velasco, may praktikal na pakinabang ang mga propesor sa nasabing institute: ”They argue that `Why should I repeat my lecture if I’m handling four sections of the same subject four times a day? (By having large classes) I could only do it once, and the three hours I can devote correcting papers, doing creative work.’ So they have more free time to reflect on how they can improve their teaching methodology and approaches; and the research agenda they want to pursue.”
Hindi naman talaga bago ang pagkakaroon ng malalaking klase sa ilang kurso. Kahit noong estudyante pa ako sa UP Diliman, natatandaan kong ang mga klase sa STS (Science, Technology and Society) ay kailangang gawin sa auditorium ng College of Science dahil mahigit 150 kami noon.
Ano ba ang nangyayari kapag mas malaki ang isang klase? Una, mas malaking oras ang nagugugol sa pag-tsek lang ng attendance at iba pang bagay na walang kaugnayan sa paksa tulad ng pagpapatahimik sa ilang maiingay. Ikalawa, nahihirapan ang propesor na makilala ang lahat ng mga estudyante niya. Ikatlo, limitado ang interaksyon ng propesor at estudyante, at madalas na ang nakapagtatanong lang ay ang mga nakaupo sa harap. Ikaapat, ang atensiyon ng mga estudyante at papaliit nang papaliit habang papalayo nang papalayo ang kanilang distansiya sa propesor. Siguro’y hindi na kailangang ipaliwanag kung may natututuhan ba ang mga estudyanteng piniling maupo sa likuran ng napakalaking auditorium.
Sa kabila ng pagkakaroon ng malaking klase, masasabi kong may natutuhan naman ako. Pero ito ay dahil lang sa binasa ko nang maigi ang makakapal na readings sa kursong ito. Naging malaking problema sa akin ang kalidad ng pagtuturo na kung saan tila mga sekretarya kaming kumukuha lang ng diktasyon mula sa superbisor. Ang inaasahan kong pagkakataon para makapagtanong at makipag-debate sa kapwa estudyante (o mismong propesor) ay nawawala. Sa loob-loob ko noon, mas makabuluhan sana ang STS kung maliit lang ang klase namin.
Gaano ba dapat kaliit ang isang klase? Para sa mga nagtuturo sa kindergarten hanggang ikatlong grado, lumalabas sa isang pag-aaral sa Estados Unidos na mas mainam ang pagkakaroon ng maliit na klase na binubuo ng 13 hanggang 17 estudyante: ”(S)mall classes led to statistically significant improvements in reading and mathematics, and benefits were greatest for students who started in small classes early.”
Sa kaso ng mga estudyante sa kolehiyo, totoo namang mahirap na itakda ang eksaktong bilang para sa lahat ng mga kurso’t disiplina. Ang bilang ng mga estudyante sa isang klase ay depende sa katangian ng kurso, pasilidad ng departamento’t kolehiyo at kahit ang laki o liit ng silid-aralan.
Pero alam nating lahat na bukod sa mga ito, pangunahing salik sa pagtuturo ang interaksiyon sa pagitan ng mga guro’t estudyante. Para epektibo ang edukasyon sa apat na sulok ng paaralan, kailangang magbigay ng pagkakataon sa mga estudyanteng magbahagi ng kanilang opinyon.
Sa aking personal na karanasan, ang isang kursong nangangailangan ng palihan (workshop) para suriin ang mga isinulat ng mga estudyante (at maraming ganitong kurso sa Peryodismo) ay epektibo kung ang mga estudyante ay 12 hanggang 15 lang. Para naman sa mga kursong ang layunin ay magbigay ng lektyur, ang bilang ng mga estudyante ay hindi dapat lumampas sa 25.
Bukod sa kinakailangang interaksiyon sa bawat isa sa kanila, malaking bentahe sa guro ang maliit na klase para mas malalimang masuri ang mga papel at iba pang isinusumite ng mga estudyante. Ano kaya ang pakiramdam ng isang estudyante kung nakakuha siya ng mababang grado sa isang papel na pinaghirapan niyang tapusin pero hindi niya sigurado kung binasa nang mabuti ng propesor? Maaasahan ba ang propesor na basahin ang lahat ng mga papel na kailangang markahan kung ang bilang ng mga estudyante ay umaabot na sa 250, kung masusunod ang mga nasa kapangyarihan ng UPLB? Kahit na sabihin ni Velasco na may mga teaching assistant na handang tumulong sa propesor, iba pa rin kung siya mismo ang magbibigay ng marka.
Napag-uusapan na rin lang ang mga pang-akademikong papel, mahirap para sa isang malaking klaseng magkaroon ng mga essay examination dahil mangangailangan ito ng masusing pagbabasa. Sa aking karanasan sa STS noong estudyante pa ako, puro mga objective-type lang ang ibinigay sa amin dahil mas mabilis markahan ang mga ito: Ang problema nga lang, puwedeng manghula ang estudyante at may posibilidad ng tsambang pagpasa. Kahit na sabihing puwede ring mambola ang estudyante sa isang sanaysay, mahihirapan siyang makalusot kung maingat magbasa ang kanyang propesor, isang bagay na magagawa niya kung kakaunti lang ang kanyang estudyante.
Tungkol naman sa feedback ng ibang propesor sa Institute of Mathematical Sciences and Physics na hindi praktikal na ulit-ulitin nang maraming beses isang araw ang iisang lektyur, kailangan nating tandaang ang 12 yunit na teaching load bawat semestre ay napakagaan na kumpara sa ibang unibersidad na nagtatakda ng mas maraming yunit at walang dahilan para pagsamahin sa isang malaking grupo ang iba’t ibang klase.
Sa kabila ng nakasaad sa faculty manual na kailangang magbigay ng 40 oras na serbisyo ang mga propesor bawat linggo, hindi strikto ang mga kolehiyo sa office hours para sa atin at marami tayong panahon para sa pananaliksik o iba pang gawain. Totoong nariyan ang tukso para pagsamahin ang iba’t ibang klase para sa isahang pagbibigay ng partikular na lektyur, pero sa aking palagay ay sobra-sobra na itong pang-aabuso sa maluwag na nating oras. Bagama’t nasa bentahe ng propesor ang pagtitipid sa oras sa pamamagitan ng isahang pagbibigay ng lektyur sa mas malaking grupo, hindi natin dapat isakripisyo ang kinakailangang pakikipag-ugnayan sa mga estudyante.
Puwede ikatwirang magiging trabaho ng mga ”nakabababang” instruktor na maging katuwang sa pagtuturo, dahil sila ang tutulong sa pagmamarka ng mga papel, magtse-tsek ng attendance at magsasagawa ng recitation batay sa itinuro ng ”nakatataas” na propesor.
Nasaan kaya ang collegiality sa ganitong sitwasyon? Alam kaya ng mga responsableng opisyal ng UPLB, lalo na ang Chancellor, na ang mga instruktor ay may pantay na karapatan sa mga ganap na propesor (full professors)? Ang sinumang pumasok para magturo sa UP ay binibigyan ng kaukulang respeto batay sa kanyang pagtuturo at pag-aambag sa kaalaman ng piniling disiplina. Ang kanilang ranggo ay hindi nagiging isyu dahil mas dapat pinapakinggan ang laman ng kanilang argumento. Kung tutuusin, malaki nga ang posibilidad na mas magaling magturo ang isang batang instruktor na may nais patunayan kumpara sa isang tumatanda nang propesor na tamad nang magbasa’t magsuri.
Sa gitna ng kontrobersiyang ito, lubos talagang kinakailangan sa UPLB ang kakaibang porma ng pagpaparami – ang patuloy na pagkilos tulad ng ginawang walk-out noong Enero 29 para ipakita ang kolektibong pagtutol sa nasabing polisiya. Sadyang wala kang maaasahan mula sa mga opisyal na walang ideya ng epektibong pagtuturo at ang iniisip lang ay kung paano magpapalaki ng kita.
Sa huling pagsusuri, kailangan lang nating tanungin kung sino ba ang pangunahing makikinabang sa pagkakaroon ng malalaking klase. Ito ba ay ang mga estudyanteng nais na matuto? Ito ba ay ang mga instruktor na mababa na nga ang posisyon ay lalo pang bababa ang kanilang katayuan sa unibersidad? Ito ba ay ang mga propesor na ang hangarin ay magpalalim ng kaalaman sa pamamagitan ng epektibong pakikipag-ugnayan sa mga estudyante?
Mas maraming estudyante, mas maraming kita. Sino sa tingin mo ang magiging masaya?
Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.