Pinoy Weekly
Archive for: February, 2010

Eleksiyon, telebisyon at pakiusap sa nangungunang mga istasyon

Sa pagbaha ng walang-katuturang patalastas sa pagsisimula ng kampanya sa Pebrero 9, mainam na magkaroon ng sariling pagkukusa ang ABS-CBN at GMA na maghatid ng makabuluhang political ads. Pero may malaking magagawa rin ang mga tagasubaybay para pakiusapan silang bigyan tayong lahat ng political ads na direktang naglalahad ng paninindigan ng mga kandidato sa mga importanteng isyu.

Kung bakit dapat magparami sa UPLB

Gusto ni Chancellor Luis Velasco ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños (UPLB) na ipatupad ang pagkakaroon ng malalaking klase para sa lahat ng foundation at general education courses sa susunod na semestre na magsisimula sa Hunyo 2010. Kung noon ay umaabot lang sa 25 hanggang 40 ang bilang ng mga estudyante bawat klase, ngayon ay magiging 160 hanggang 250 na.

Paninindigan sa gitna ng bangayan

Anumang layuning paglingkuran ang interes ng publiko sa pamamagitan ng imbestigasyon sa pagkakasangkot diumano ni Sen. Manny Villar sa kontrobersiyal na konstruksiyon ng C-5 ­extension project, tila naglaho na sa pulitikal na mga pagdinig sa Senado.

Pahirap hanggang sa pag-uwi

Pinapirma ng mga opisyal ng gobyerno ang mga inabusong caregiver sa isang settlement na nagsasabing hindi sila maaaring makapaghabol sa kanilang mga reklamo. Kapalit nito ang tiket sa eroplanong gagamitin nila para makauwi.

Automated Elections: Nanganganib?

Mabigat ang hatol sa Commission on Elections ng mga grupong inaral nang independiyente ang Automated Elections System na gagamitin sa Mayo. Umano’y “hindi handa” ang Comelec at “nanganganib” ang halalan na pinapangarap ng lahat na maging malinis at kapani-paniwala ang resulta.

Si Alfred Vargas ang Andres Bonifacio sa pelikula ni Mario O’Hara

NAGSASAYA na ngayon si Alfred Vargas dahil siya ang pinal na pinili nina Robbie Tan ng Seiko Films at direktor Mario O’Hara para gampanan ang mabusisi at maalingasngas na katauhan ni Andres Bonifacio sa opisyal na lahok ni Mario sa Open Category ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines. [...]

Mga Aeta mangangampanya laban kay GMA

Para sa sinumang nakakaaalam ng rekord ni Pangulong Arroyo, ang pagboto o pagkampanya para sa sinumang tatakbo laban sa kanya ay halos kasing dali lang ng pagbasa ng ABKD. Ito ang naging pahayag ng mga katutubong Aeta sa pagtakbo ni Pangulong Arroyo sa ikalawang distrito ng Pampanga. “Tanong pa ba kung sino ang iboboto ng [...]

Mandatoryong singil sa Pag-Ibig, napaatras ng OFW sa Hong Kong

Matagumpay na napaatras ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong ang mandatoryong membership at paniningil ng Pag-Ibig, na tinitingnang isang pabigat sa mga migranteng Pilipino. Inihayag ni Cynthia Abdon-Tellez, tagapangulo ng Gabriela-Hong Kong, na pansamantalang iniatras na ng gobyerno ang panukalang gawing mandatoryo ang pagiging kasapi ng Pag-Ibig para sa mga OFW sa [...]

Reklamo sa kuwestiyunableng bayarin sa eskuwelahan, dagsa

Dumagsa ang mga reklamo mula sa mga estudyante at magulang ng mga estudyante laban sa umano’y “kuwestiyunable” at “matataas” na singil sa mga eskuwelahan, bunsod ng pagbukas ng mga grupong pangkabataan ng hotline kaugnay ng  polisiyang “No Permit, No Exam” ng Commission on Higher Education (Ched). Kamakailan, inilabas ng Ched ang Memorandum Order No. 02-2010, [...]

Pagtaas ng presyo ng asukal, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ni Gabriela Rep. Liza Maza ang pagtaas ng presyo ng asukal bunga ng umano’y “artipisyal” na kakulangan sa suplay nito. Sa isang pahayag, sinabi ni Maza na dapat ipaliwanag ng Department of Agriculture (DA) kung bakit inirerekomenda nito ang National Food Authority na mag-angkat ng 15,000 metriko tonelada ng asukal para maging istable umano [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes