Mga Larawan: Maalab na protesta ng Gabriela, sa sentenaryo ng Marso 8

Nakiisa ang mga kabataang kalalakihan sa pagkilos para sa karapatan at interes ng ng kababaihan at mga mamamayan. (Ilang-Ilang Quijano)

Ipinarada ng mga militante ang effigy ni Pangulong Arroyo. Nakasulat sa effigy ang legacy diumano ni Arroyo ng "pandaraya, korupsiyon, pandarahas at pagsisinungaling" sa taumbayan. (Ilang-Ilang Quijano)

Isa sa militanteng kababaihang may hawak ng bulaklak, sa martsa patungong Mendiola. (KR Guda)

Sinunog ng mga militante ang effigy bilang protesta sa siyam-na-taong panunungkulan ni Pang. Arroyo. (King Catoy)

Hinayaan ng militanteng kababaihan na magliyab ang pangalan ni Pang. Arroyo sa ibaba ng effigy. Ipinakita nito ang labis na pagkasuklam umano ng kababaihan sa siyam-na-taong panunungkulan ni Arroyo. (KR Guda)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=6521













