Pinoy Weekly

Mga larawan: Disgusto at militansiya sa pintuan ng OWWA

caption

Kinukuwestiyon ng mga manggagawa ang labor export policy ng gobyernong Arroyo, o ang agresibong pagtutulak nito sa mga Pilipino na mangibang-bansa sa halip na siguruhin ang trabaho sa sariling bansa. Hindi rin naman umano mapangalagaan ng gobyerno ang kapakanan ng mahigit 10 milyong OFW.

caption

Matapos ang human chain na umabot hanggang Gil Puyat Ave., bumalik sa kampo para mananghalian ang mga taga-Annasban at kanilang mga tagasuporta.

caption

Nagpapaliwanag sila ng kanilang sitwasyon sa mga kabataan ng Gabriela (kanan), na tumungo sa kampo para sumuporta.

caption

Human chain sa tapat mismo ng OWWA

caption

Nagpunta rin sa kampo ang mga asawa't iba pang kaanak ng mga manggagawa. Nananatili namang nakahiwalay sa kani-kanilang mga pamilya ang mga nagmula pa sa malalayong probinsya.

caption

Napaiyak si Bironggoy (gitna) nang magbigay ng testimonya ang isang dating OFW na nakaranas din ng pang-aabuso sa ibang bansa at katulad nilang "walang pera nang umuwi sa Pilipinas." Pinapatahan siya ng kanyang mga kasamahan. Nanawagan ang Migrante International sa lahat ng mga OFW na pinabayaan ng OWWA na sumama sa kampo.

caption

Sa galit at pagkainip, inokupahan na ng mga OFW ang harap mismo ng mga pintuan ng OWWA. Bago isara ng isang guwardiya ang pinto, binatukan niya mula sa likod at tinapakan sa daliri si Flancia.

caption

Nagkagulo ang mga OFW dahil sa ginawang ito ng guwardiya. Hinampas nila ang nakasaradong pintuan ng OWWA at hindi napigilang magmura. "Kami ang nagpapalamon sa (mga nagtatrabaho sa) OWWA! Wala kayong karapatan na gawin ito sa amin!" sigaw ni Flancia.

caption

Hindi mapigilan ang bugso ng damdamin, nagyakapan at nag-iyakan ang dalawang manggagawang ito.

caption

Idinikit nila ang mga plakard sa pintuan ng OWWA para mabasa ng mga empleyado at OFW sa loob.

caption

Maya-maya, dumating ang isang sasakyan ng pulisya at isang firetruck, tila nagbabanta ng dispersal. Inihanda ng mga OFW ang kanilang mga sarili, iniligpit ang mga kagamitan at iniligay sa mga supot ang mahahalagang ari-arian. Giit nila, hindi sila aalis hangga't hindi natutugunan ang kanilang mga kahilingan.

caption

Muling bumaba si Dir. Valenciano ng OWWA. Inalok ang P10,000 financial assistance, na umano'y makukuha nila sa susunod na araw. Tumanggi pa rin ang ahensiya na ibigay ang airfare, dahil pananagutan daw ito ng mga recruitment agency na sinampahan nila ng kaso sa POEA. Pinag-usapan ng mga manggagawa kung tatanggapin ang panibagong alok ng OWWA.

caption

Tumanggi silang magdesisyon hangga't hindi nakakaharap si Dimzon. Sampung representante ang sumama sa negosasyon, na tumagal hanggang alas-otso ng gabi. Naghintay sa labas ang ibang manggagawa.

caption

Sa huli, bumigay ang OWWA. Ibinigay ang financial assistance sa 43 manggagawa at anim pa nilang kasamahan, medical assistance, burial compensation kay Pelayo, at pamasahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsya. Hindi man nila nakuha mula sa ahensiya ang gastos sa repatriation, hahabulin nila ang mga recruitment agency para dito. Idineklara nilang tagumpay ang kampo. Pero ayon kay Flancia, "Dapat mahiya ang gobyernong Arroyo na kinailangan pa naming gutumin ang aming mga sarili at matulog sa kalsada bago namin nakuha ang kakarampot na benepisyo. Iginigiit ng OWWA na sa ilalim ng Omnibus Policy ay hindi kami saklaw ng Repatriation Fund, kaya't lalo namin itong kinasusuklaman at naniniwalang dapat itong ibasura. Umpisa pa lamang ito ng aming laban para sa hustisya."

Mga kuha ni Ilang-Ilang Quijano

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=6466

Posted by on Mar 6 2010. Filed under Lathalain, Multimedia, Photo Essays. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

2 Comments for “Mga larawan: Disgusto at militansiya sa pintuan ng OWWA”

  1. migrante po

    This anasban group are seems gigantic enough that the small president cant even make any resolutions. OFW victims of this heartless recruitment agency cried many years ago, while our government governed by this small president, boast for jobs overseas, is a manifestation of human commercialization, not only labor exploitation!

  2. lalaine nava

    patunay lang… na kapag mag kaisa… may tagumpay na matatamo..
    patuloy pa din ang panawagan sa pag basura sa OWWA Omnibus Policy…

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes