Pinoy Weekly

Eleksiyon 2010: Diskarte sa panlipunang serbisyo ng susunod na pangulo

Moratoryo at debt relief

Protesta sa Philippine General Hospital: protesta kontra sa pakikialam ng administrasyon at pagtapyas sa badyet sa edukasyon at kalusugan. (Arkibong Bayan)

Protesta sa Philippine General Hospital: protesta kontra sa pakikialam ng administrasyon at pagtapyas sa badyet sa edukasyon at kalusugan. (Arkibong Bayan)

Tila sikat naman ngayon sa dalawang kandidato ang pagpanawagan ng isang “moratoryo” (o pansamantalang pagtigil) sa pagbayad ng utang panlabas.

Inihahayag ni Sen. Richard Gordon ang pagsang-ayon umano niya sa moratoryo sa pagbayad sa utang panlabas para pondohan ang batayang mga serbisyong panlipunan. Ngunit para kay Gordon, hindi dapat ma-downgrade ng moratoryong ito ang credit rating natin sa mga dayuhang ahensiyang pampinansiya.

Moratoryo rin ang hiling ni Eddie Villanueva. Pero bukod dito, nais umano niya ng mas episyenteng koleksiyon ng buwis para mas malaki ang pondong maaaring gamitin sa serbisyong panlipunan.

Dating pinangasiwaan ni Sen. Manny Villar ang pagbuo ng badyet ng gobyerno na awtomatikong naglalaan ng pinakamalaking pondo sa pambayad sa utang panlabas noong senate president siya. Pero sa pagtakbo niya sa pagkapangulo, sinasabi niyang nais niyang itulak ang debt relief (o hindi na pagbayad) sa malalaking dayuhang ahensiyang nagpapautang sa atin. Sa pamamaraaang ito umano makakapaglaan ng mas malaking pondo para sa serbisyong panlipunan.

Nais naman ni Sen. Jamby Madrigal na iinstitusyonalisa ang pagpaprayoritisa sa mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, kalusugan at pabahay. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbasura sa awtomatikong paglalaan ng pondo sa pambayad-utang. Sang-ayon din si Madrigal sa pagpawi sa mga di-pantay at “onerous” o ilehitimong mga utang panlabas para ilaan sa pagtatayo ng mga klasrum at iba pang pasilidad pang-edukasyon.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=6974

Posted by on Apr 12 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Eleksiyon 2010: Diskarte sa panlipunang serbisyo ng susunod na pangulo”

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes