Pinoy Weekly

Eleksiyong 2010: Sining at kultura sa mata ng mga kalahok sa pagkapangulo

Paglinag sa agham

Nicanor Perlas

Nicanor Perlas

Para kay JC delos Reyes mahalaga ang edukasyon sa paglinang sa agham, matematika, enhinyero ngunit nakapaling ang kanyang pagpili ng wika sa Ingles. Bagaman, naniniwala siyang kailangang pahalagahan at bigyan ng insentiba ang mga lumilikha ng pelikula sa “historcal fields” na magtuturo ng patriyotismo at nasyonalismo.

Malinaw man ang plataporma ng transformational leadership ni Noynoy Aquino at ang kanyang tinig ukol sa mga isyu na kinasasaklawan ng pambansang interes. Kabilang dito ang mga usapin sa korupsiyon, kapayapaan sa Mindanaw, pangkalusugan at edukasyon, maliban pa sa iba.

Pero hindi naman malinaw ang kanyang tindig at kahit pananaw ukol sa pambansang sining at kultura. Hindi maaaninag sa kanyang mga tindig at aksiyon laluna sa usapin ng kapayapaan sa Mindanaw at edukasyon ang kahalagahan ng kultura sa pagkamit ng ilang hakbang tungo sa tagumpay ng kanyang mga plataporma.

Kahit na nagmula sa industriya ng pelikula, walang klarong tindig ang kampo ni Joseph Estrada sa usapin ng wika. Pero maaaninag sa kanyang binitiwang plataporma na bibigyan niya ng mas malaking budgetary allocation ang programang panlipunan kasama ang mga artista.

Hindi rin malinaw ang tindig ng plataporma ni Nicanor Perlas bagaman nagpahayag ng pag-endorso sa kanyang tiket sina Joey Ayala at Cynthia Alexander, mga mang-aawit na kilala sa kanilang paggamit ng likas na tunog ng lokal na musika.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7079

Posted by on Apr 22 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes