Kalayaan mula sa gutom at lason

Mga palay ng IRRI: dinisenyo para sa malalaking agrokemikal na mga korporasyon. (Mula sa Flickr account ng IRRI)
Ayon naman kay Chito Medina, pambansang tagapag-ugnay ng Masipag, napatunayan nang mapanira at di-produktibo ang chemical farming na ipinalalaganap ng IRRI at mga TNC. “Kaya mahalaga na malaya ang mga magsasaka sa kanilang binhi at teknolohiya”, aniya pa.
Ang Masipag ay nagtataguyod ng agrikulturang pinangungunahan ng mga magsasaka mismo at sustenableng pagsasaka na umaayon sa kapasidad ng maliliit na magsasaka sa Pilipinas. Nakapagsimula na ng sarili nilang breeding program ang Masipag simula pa noong 1987.
Bagong kliyente?
Samantala, binabago na umano ng IRRI ang polisiya nito para makipagtulungan sa bago nitong kliyente – ang mga korporasyon.
Ayon sa KMP, nangangailangan ng mamahaling pataba at iba pang agro-chemical ang mga klase ng palay na mula sa IRRI. Dahil dito, malaki ang kinikita ng mga transnasyunal na mga korporasyon habang nagugutom ang mga mamamayan.
Isinisi rin ng mga magsasaka ang pagkawala ng mga tradisyunal na klase ng palay sa buong mundo. Habang pinoprotektahan umano ng iba ang kalikasan at biodiversity, pinapawi naman ng IRRI sa tulong bilyong dolyar na pondo nito ang mga natural na klase ng katutubong palay sa iba’t ibang bansa.
Naniniwala ang mga magsasaka na ang mundong walang IRRI ay isang mundo na malaya sa monopolyo sa mga klase ng palay, gayundin sa kamatayan at mga sakit na dulot ng agro-chemical na itinataguyod ng IRRI.
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=6979













