Pinoy Weekly

Matumal na pagboto ng OFW, saan maisisisi?

Interes sa pagboto

Inaamin ng mga lider-migrante na marami ring OFW ang nawalan na ng interes sa pagboto.

“Walang interes bumoto ang maraming kababayan dahil nawalan na ng kumpiyansa sa Comelec at sa electoral process (na kinakikitaan ng) lantarang dayaan at korupsiyon,” sabi ni Mondelo.

“Ang isang malaking salik sa pagdadalawang-isip ng marami sa pagboto ay yung tingin nila na ilang eleksiyon na pero wala pa ring pagbabago sa sistema. Totoo naman ito. Dagdagan mo pa ng mga nakaraang eskandalo tulad ng Hello Garci at ang election-related violence, talagang manghihinawa nag marami sa pagboto,” sabi ni Balladares.

Ayon naman kay Monterona, “It is a given fact na nag-abroad ang isang OFW para bigyan ng maayos ng buhay ang kanilang pamilya. Ibig sabihin, ang pang-ekonomiyang pangangailangan ang mas nagtutulak sa ating mga OFW. Then, here comes the OAV, which is a political exercise. Talagang magdadalawang-isip ang OFW na ipagpalit ang kanyang trabaho, kahit isa o dalawang araw, para makapagrehistro o makaboto.”

Mas agresibo

Gayunpaman, tuluy-tuloy ang mga grupong migrante sa pampulitikang edukasyon sa hanay ng mga OFW.

Boto ng OFW, mahalaga sa pagsusulong ng interes ng mahigit 10 milyong migrante, ayon sa Migrante International. (Rey Asis)

Boto ng OFW, mahalaga sa pagsusulong ng interes ng mahigit 10 milyong migrante, ayon sa Migrante International. (Rey Asis)

Marami silang mga iminungkahi sa Comelec na alternatibong mga paraan para paramihin ang bilang ng mga botanteng migrante. Kabilang dito ang pagpaparehistro sa mga botante bago pa man makaalis ng bansa, sa Philippine Overseas Employment Agency, o kahit maging sa airport.

Pagdating naman sa ibang bansa, ayon kay Balladares, “Hindi pupuwede na sentralisado lamang sa iisang lugar ang pagpaparehistro. Ito mismo ang itinulak ng mga grupong OFW sa Hong Kong, kaya nga tumaas ang registration dito. Dapat din na magtayo ng satellite voting centers laluna sa mga bansa na malayo sa tipunan ng OFWs ang mga konsulado.”

Naniniwala silang susi sa tagumpay ng OAV ang sapat na makinarya at pondo ng gobyerno, bagay na hindi umano nito naibigay.

“Sa halip na mga overpriced na kagamitan ang pinagkaabalahan ng Comelec, inuna sana nito ang pagbuhos ng rekurso sa malawakang voters’ education campaign,” ani Mondelo.

Kamakailan, pinirmahan ng Migrante International at ilang tumatakbong senador ang Sevent-Point Covenant, na naglalaman ng kahilingan ng mga OFW, gaya ng pagbasura sa polisiyang labor export at paglikha ng trabaho sa sariling bansa.

“Habang paparami ang mga migranteng Pilipino at aming mga problema, lalong nagiging mahalaga ang aming boto,” pahayag ng grupo.

Walang mas nakaiintindi ng kahalagang ito kundi mismong mga OFW. Kaya naman ang pinakamulat sa kanila na rin ang pinaka-agresibong nagsusulong ng OAV.

Dalawang linggo bago matapos ang botohan, umano’y lipas na ang panahon na pwede pang umaksiyon ang gobyerno, bukod sa paglalabas ng mga press release. “Sa huli, nasa kamay na lamang ng mga organisasyon ng OFW ang tagumpay ng OAV ngayong 2010,” ayon kay Balladares.

1 2 3

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7128

Posted by on Apr 24 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes