Itim na propaganda, itim na laso

Nakatanggap din ng sulat at itim na laso si Arthur Allad-iw, dating mamamahayag at tumatakbong konsehal sa Baguio City sa ilalim ng partidong Makabayan. (Contributed Photo)
Ayon kay Allad-iw, nakatanggap ng ganitong sulat si Atty. Jose Molintas, tumatakbong alkade ng Baguio City, at si Pinky Rondez, tumatakbo ring konsehal. “They were also disturbed by it. Pero hindi naman nila pinaniniwalaan ito o natatakot. Nagkakaroon lang kami ng precautionary measures, gaya ng kapag nangangampanya sa gabi, kailangang laging may buddy,” aniya.
Ayon sa Makabayan, malinaw na Armed Forces of the Philippines (AFP) lamang ang may kakayahang maglunsad ng ganoong kalawak na kampanyang paninira. Umano’y may bagong puntirya ang AFP: ang alyado ng mga progresibo na tumatakbo sa lokal na mga posisyon sa gobyerno.
“Natatakot sila na sa paglawak n gaming allies ay magtatagumpay an gaming layunin na makapagpaupo ng dalawang kinatawan sa Senado, at makapaghalal ng mga alyadong progresibo sa provincial at municipal level…Alam nilang hindi kami naaapektuhan ng ganyan kaya ang target nila ngayon ay either yung openly na lumalantad na alyado namin, o ‘di kaya aming potential allies,” sabi ni Ocampo.
Dahil sa tuluy-tuloy na paglawak ng base ng mga bumoboto para progresibong mga party-list simula 2001, nagpatakbo sila ngayong eleksiyon ay dalawang kandidato sa Senado at nakipag-alyansa sa isang mayor na partidong pampulitika (Nacionalista Party) at kandidato sa pagkapangulo (Manuel Villar).
Giit nina Ocampo at Maza, mga luma at malisyosong akusasyon ang mga laman ng sulat, na “hindi kailanman napatunayan o pinaniwalaan ng taumbayan.”
Ipinaalala nilang mismong ang Korte Suprema ang nagdesisyon noong 2007 na walang batayan ang kasong rebelyon-na isinampa laban kina Ocampo, Maza, at apat pang progresibong kongresista na nakilala bilang ‘Batasan 6.’ Walang pinagkaiba ang mga paratang sa itim na propaganda sa laman ng nasabing kasong rebelyon.
Epekto ng pagdedemonyo
Bukod sa mga sulat at itim na laso, ipinakita rin ng Makabayan ang mga larawan ng nagkalat ng na mga materyales sa iba’t ibang bahagi sa Luzon, Visayas, at Mindanao na maituturing itim na propaganda. Sa mga materyales na ito–kabilang ang isang poster kung saan ipinapakitang nakabihis-demonyo sina Ocampo at Maza–iniuugnay ang dalawang kandidato at progresibong mga party-list sa CPP-NPA.
Nagsasagawa rin ng kampanyang house-to-house at film showing ang mga sundalong militar para siraan ang mga progresibo sa mga komunidad at paaralan.
Pinangangambahan nina Ocampo at Maza na posibleng lumundo ang red-baiting sa direktang pagpatay at pagpaslang sa kanilang mga kampanyador at tagasuporta, sa panahon bago at matapos ang eleksiyon. Noong Marso 19 lamang, isang grenada ang itinapon sa bahay ni Fernando Baldomero, tumatakbong konsehal ng Kalibo, Aklan at coordinator ng Bayan Muna sa lugar.
“Ang net effect nito (paninira at panghaharas) ay kanilang (gobyernong Arroyo) binabara ang malayang kapasyahan ng mga nais maglingkod sa bayan at makipag-ugnayan sa progresibong mga organisasyon, na makipagkaisa sa isang plataporma ng pagbabago,” sabi ni Ocampo.
Sentral sa plataporma ng Makabayan ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, pagtaguyod sa demokratikong mga karapatan, people’s empowerment sa pamamagitan ng pag-oorganisa sa komunidad, at mga pakikibakang masa laban sa iba’t ibang uri ng pagsasamantala.
Dahil sa paniniwalang “kailangan sa Senado” ng mga gaya nina Ocampo at Maza na magdadala ng mga tunay na isyu ng bayan, umano’y hindi natatakot si Allad-iw na mangampanya para sa kanila–kahit pa isang itim na laso ang isukli ng mga puwersang desidido na huwag makaupo ang sinumang progresibo sa gobyerno.
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7159














lahat na mga kandidato, including incumbent governors, congressmen, and mayors sa panay na kaalyado ng Makabayan ay pinadalhan ng black letters at black ribbons na nanakot na patayin. talagang disperado na ang mga pasistang aso ng gobyerno