Istorya ng Linggo

Ano’ng maaasahan sa unang 100 araw ng administrasyong Aquino?


Tinanong ng Pinoy Weekly Online ang 13 personahe, mula sa progresibong mga lider hanggang sa mga mamamahayag at akademiko, at mga artista’t musikero, kung ano ang inaasahan nila sa unang 100 araw ng panunungkulan sa pagka-presidente ni Benigno “Noynoy” Aquino III.

Fr. Joe Dizon ng Kontra Daya (Arkibong Bayan)
Fr. Joe Dizon ng Kontra Daya (Arkibong Bayan)

Fr. Joe Dizon
Convenor, Kontra Daya

Una, dapat harapin niya ang isyu ng accountability ni Gloria Macapagal-Arroyo, dahil sa pagtingin namin yung pagboto ng mga mamamayan at kanilang pagtitiyaga to make the elections happen ay dahil sa sentimyentong anti-GMA. Dapat din niyang tugunan ang basic demands ng mga mamamayan hinggil sa relief from poverty, gaya ng P125 dagdag-sahod, land reform. Dapat niyang itigil ang human rights violations at pakawalan ang lahat ng political prisoners, both ‘yung mula sa people’s organizations at ‘yung military rebels. Malinaw dapat ang kanyang tindig sa counter-insurgency program—ipagpapatuloy ba niya ito o aalisin? Gayundin ‘yung stand niya noon sa Senado na review sa Visiting Forces Agreement—titindigan ba niya ito? Dapat malinaw ang kanyang tindig, or else wala siyang pinagkaiba sa naunang mga administrasyon. Isa pa, dapat inclusive ang kanyang policy, at hindi exclusive.

[Huwag na isama sa gobyerno] ang mga has-been, recycled politicians, at mga kamag-anak. Dapat ang mga tauhan niya nagre-represent sa broad range ng political spectrum. Ang personal request ko sa kanya, dapat i-tap niya ‘yung mga bata, na nasa edad 35 hanggang 50, para may new blood.

Recah Trinidad (philboxing.com)
Recah Trinidad (philboxing.com)

Recah Trinidad
Kolumnista, mamamahayag pang-sports


He will inject a simple straight strong sincere personality into the presidency. There wil be monumental challenges, and those 100 days promise to be an ordeal but he should be able to set into motion his projects and crusades mainly against corruption. His biggest weapons should be humility and fortitude.

Garry Martinez ng Migrante (Soliman Santos/PW File Photo)
Garry Martinez ng Migrante (Soliman Santos/PW File Photo)

Garry Martinez
Tagapangulo, Migrante International

Nabasa ko yung agenda niya para sa OFWs (overseas Filipino workers), parang suntok sa buwan. Hindi niya sinagot yung usapin ng labor export program, hindi niya sinabi kung ano yung gagawin niya sa OWWA Omnibus Policies. Sisiguruhin daw niya yung proteksiyon ng mga OFW at job generation, pero hanggang ganoon lang, napaka-general ng sagot. Walang sinabi kung ano yung gagawin sa pabayang government officials sa ibang bansa, kung papauwiin ba niya ang libu-libong OFW na gusto nang umuwi. Ito yung basic na mga tanong na ibinato namin sa kanya noong panahon ng kampanya, pero hindi naman niya sinagot. Kaya wala kami masyadong inaasahan mula sa kanya.

Bianca Gonzalez
Bianca Gonzalez

Bianca Gonzalez
Aktres at media personality

Gusto ko makita ng mga taong totoong may mananagot because they’re corrupt. To see the corruption cases resolved.