Pinoy Weekly

Eleksiyong 2010: Hamon ng obrero

JC delos Reyes: Naghahanap ng solusyon sa salot ng kontraktuwalisasyon.

JC delos Reyes: Naghahanap ng solusyon sa salot ng kontraktuwalisasyon.

Samantala, bagamat “Erap para sa Mahirap” ang kanyang islogan, hindi pinagbigyan ni Joseph Estrada ang panawagan para sa pagtaas ng minimum wage sa kanyang panunungkulan bilang presidente. Katwiran niya, baka umano matakot ang mga mamumuhunan. Nang siya pa ang presidente, nagpatuloy lamang ang kontraktuwalisasyon at ang pagluwas ng lakas paggawa. Sa panahon rin niya naganap ang pagbuwag sa mga mayor na welga ng mga manggagawa tulad sa Philippine Airlines, LRT at Manila Hotel.

Nangangako naman si Richard Gordon na lilikha siya ng trabaho sa bansa para hindi na mangibang-bayan pa ang mga Filipino. Kaya lang ang dayuhang mga mamumuhunan naman ang dadalhin niya sa Pilipinas. Bilang dating kalihim ng turismo, naniniwala siyang turismo ang pinakamagandang paraan para makalikha ng trabaho.

Tinding nila sa kontraktuwalisasyon, dagdag-sahod

Samantala, nais naman ni JC delos Reyes na repasuhin ang labor code ng bansa para masagot ang problema sa malalang kontraktuwalisasyon. Kung papalaring manalo, lilikha siya ng mga trabaho sa pamamagitan ng pagpapasigla sa mga maliliit hanggang katamtamang empresa kabilang na ang mga kooperatiba. Naniniwala rin siya na malaki ang panlipunang epekto ng labor export policy kaya dapat bigyan ng kabuhayan at negosyo ang mga migranteng Pilipino para mahikayat silang bumalik sa bansa.

Sa lahat ng mga kumakandidato, si Sen. Jamby Madrigal lamang ang sumusuporta sa P125 na dagdag-na-sahod ng mga manggagawa sa buong bansa. Naniniwala rin siya na isang tunay at maka-Pilipinong industriyalisasyon ang makakatiyak ng sapat at disenteng trabaho para hindi na maitulak sa pangingibang-bayan ang mga Pilipino. Laban din sa kontraktuwalisasyon si Madrigal at dapat na protektahan ang mga manggagawa sa pamamagitan ng nakabubuhay na sahod at kasiguruhan sa trabaho.

Para naman kay Nicanor Perlas, ang makabuluhang trabaho para sa mga mahihirap ay malilikha sa pagtataas ng rekurso ng gobyerno para sa agrikultura at pangisdaan at pagpaprayoratisa sa mga programa at polisiyang papawi sa kahirapan.

Kagaya ni Gordon, sang-ayon din si Gilbert Teodoro na nakasandig sa pagpapasok ng dayuhang mamumuhunan ang paglikha ng trabaho sa halip na palakasin ang lokal na industriya.

Pinaghalong lokal at dayuhang pamumuhunan ang tugon ni Bro. Eddie Villanueva sa paglikha ng trabaho sa bansa. Sa paraam ding ito, naniniwala siyang magiging opsiyonal na lamang ang pangingibang-bayan ng mga Pilipino. Suportado rin niya ang panawagan para sa mataas na suweldo at disenteng pamumuhay para sa mga manggagawa. Tutol rin siya sa kontraktuwalisasyon.

Opsiyon para kay Sen. Manny Villar ang katanggap-tanggap at isinabatas na pagtataas ng sahod kaalinsabay ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards sa pagtugon sa panawagan ng pagtaas ng sahod. Naniniwala siyang dapat magbigay ng stimulus package ang gobyerno para agad na matugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa at employer para sa makatwiran at disenteng sahod.  Pabor din si Villar sa pag-akit sa mga dayuhang mamumuhunan para makalikha ng trabaho.

Bilang nangungunang sentrong union sa Pilipinas, nagbabala ang KMU sa mga nais na maging presidente ng bansa: Huwag ulitin ang pagkabigo ng adminsitrasyong Arroyo.

Kabilang dito ang mataas na kawalan ng trabaho, mababang sahod at malalang pag-abuso sa karapatan ng mga manggagawa. Ang hamon pa nila, baliktarin ng sususnod na manunungkulan ang ganitong kondisyon.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7194

Posted by on May 1 2010. Filed under Istorya ng Linggo, Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Eleksiyong 2010: Hamon ng obrero”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by Tonyo Cruz and Antonov Dominik Cruz, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Eleksiyong 2010: Hamon ng obrero http://bit.ly/a2cYMy [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes