Mga Larawan: Huling sabak sa kampanya ng mga progresibo, Nacionalista Party

Ayon kay Maza, higit na kailangan ng kababaihang Pilipino na magkaisa sa gitna ng papatinding krisis pang-ekonomiya. Isusulong umano niya ang mga panukalang batas, gaya ng dagdag-na-sahod, na maaaring maging panangga laban sa krisis. (Rogelio Tubije)

Mainit na tinanggap ng odyens ang talumpati nina Maza at Ocampo. (Rogelio Tubije)

Nagbigay-aliw ang host ng Wowowee na si Willie Revillame, at ang King of Comedy na si Dolphy, mga tagasuporta ni Nacionalista Party standard bearer Manny Villar. (Rogelio Tubije)

- Isinama ni Villar sa stage ang ilang mga batang Tondo habang nagtatalumpati. Naging sentro ng kanyang kampanya ang istoryang “rags to riches” bilang isang dating taga-Tondo. Kinanta ni Villar ang kanyang sariling jingle na “Hindi Bawal Mangarap,” na naging popular sa mga bata. (Rogelio Tubije)

Taas-kamay ang buong line-up ng Nacionalista Party, maliban kay Col. Ariel Querubin at gurst candidate na si Sen. Bong Revilla Jr. Tinatayang may 30,000 katao ang dumalo sa miting de avance, isang araw bago ang opisyal na pagtatapos ng kampanya. (Rogelio Tubije)
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7296














[...] This post was mentioned on Twitter by pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Mga Larawan: Huling sabak sa kampanya ng mga progresibo, Nacionalista Party http://bit.ly/cTsvuQ [...]