Pinoy Weekly

Araw ng Kalayaan at paggamit ng wikang Filipino

Hindi ko akalaing 112 taon na pala ang lumipas mula nang lumaya diumano ang Pilipinas sa dayuhang pananakop. Madali kasing makalimutang may binasa palang proklamasyon ng kalayaan mula sa mga Kastila si Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898, na siyang ipinagdiriwang ng bansa taun-taon. Pero ano ba ang nangyari sa mga sumunod na taon? Ano na ba ang sitwasyon ngayon?

Kapwa Pilipino man ang mga opisyal ng gobyerno, halata naman ang pagiging utak-dayuhan nila. Huwag na nating suriin ang mga polisiya’t programang alam naman nating nagsisilbi sa interes ng dayuhang kalakal at pamumuhunan. Sa puntong ito, pansinin lang natin ang isang madalas na nakakaligtaang indikasyon ng kawalan ng pambansang identidad – ang mababang pagtingin sa sariling wika at ang pagtataguyod ng malawakang paggamit ng wikang Ingles.

Sa mga eskuwelahan, ang Filipino ay isa lang sa maraming kursong kinukuha ng mga estudyante at ang midyum ng pagtuturo para sa iba pang kurso ay Ingles. Patuloy ang pagpapatupad ng mga “English-speaking zone” sa maraming paaralan para diumano masanay ang mga estudyante sa paggamit ng dayuhang wika.

Para kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, may ibang interpretasyon sa Art. XIV, Sek. 6 ng Konstitusyon hinggil sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo. Sa isang talumpati noong 2003, malinaw ang kanyang mensahe sa wikang Ingles: “We must continue our English literacy, which we are losing fast…After all, I was studying the constitution – yes, it specifies the use of Filipino as language of instruction, but it also specifies that this is subject to provisions of law and as Congress may deem appropriate. Therefore, until Congress enacts a law mandating Filipino as the sole language of instruction, I am directing the Department of Education to return English as primary medium of instruction. Some subjects, of course, will still be taught in Filipino, but we must recognize the demands of competitiveness.

May direktang kinalaman ang wikang Ingles sa klase ng pag-unlad na nais ng pamahalaan. Para mapahusay ang pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa, nararapat lamang na matuto silang gumamit ng wikang Ingles, lalo na kung ang kanilang destinasyon ay Estados Unidos. At kung magtatrabaho naman sa loob ng Pilipinas, kailangan pa rin ang kaalaman sa wikang Ingles kung magsisilbi sa dayuhang amo o magtatrabaho sa larangan ng business process outsourcing (BPO) na tinaguriang sunshine industry sa kasalukuyan.

Huwag ka nang magulat kung sa mismong Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12, ipinagmalaki ni Macapagal-Arroyo ang pag-usbong ng BPO, lalo na ng mga call center, dahil nagresulta ito sa pagiging sikat ng Pilipinas sa buong mundo. “We put the Philippines on the map when the call center and business process outsourcing sector changed Manila’s skyline with modern skyscrapers.”

Hindi ito pagkondena sa mga nagtatrabaho sa mga call center dahil malinaw namang naghahanap lang ng legal na ikabubuhay ang maraming Pilipino. Pero may dangal ba ang trabahong kadalasang nagsisimula sa panahong tulog ang karamihan sa populasyon at natatapos sa panahong gising na ang iba pa?

Marami pang tanong na pumapasok sa isip hinggil sa klase ng trabaho sa BPO: Masaya kaya ang mga call center agent kapag nakakatanggap ng mga walang-batayang panlalait at malulutong na mura mula sa mga dayuhang kliyenteng tumatawag sa kanila? Nawawala kaya ang kanilang identidad tuwing gumagamit sila ng wikang Ingles at pinapalitan ang kanilang accent para hindi sila tunog-Asyano? Nakokonsensiya kaya sila sa kanilang pagsunod sa mahigpit na patakarang hindi nila dapat sabihin kung ano ang kanilang nasyonalidad at kung saang bansa sila nagtatrabaho?

Kahit na sila ay nananatiling Pilipino, ang araw-araw nilang pagtatrabaho ay nagreresulta sa unti-unting pagkawala ng kanilang pagkatao. Katanggap-tanggap bang sitwasyon ito kapalit ng kanilang matataas na suweldo? Puwede mo ba ngang sabihing hindi naman talaga “mataas” ang suweldo ng mga call center agent sa Pilipinas dahil hindi hamak na mas mababa ang nakukuha nila kumpara sa iba pang call center agent na nagtatrabaho sa mauunlad na bansa tulad ng Estados Unidos. Bukod sa kaalaman ng maraming Pilipino sa wikang Ingles, kailangang tandaang ang pangunahing dahilan ng pagpasok ng dayuhang mamumuhunan sa bansa ay ang murang lakas-paggawa.

Tunay na ang pangunahing layunin ng pamahalaan ay patibayin ang mga patakarang may kaugnayan sa globalisasyon. Para sa mga nasa kapangyarihan, ang susi sa pag-unlad ng bayan ay ang pagpapapasok ng dayuhang kalakal at pamumuhunan at pagpapalabas ng ating murang lakas-paggawa. Sa kontekstong ito, mahalaga ang wikang Ingles para makipag-ugnayan sa mga dayuhan.

Kung sabagay, ano nga ba naman ang silbi ng wikang Filipino? Kakaunti lang namang dayuhan ang may interes na matutuhan ito. Ang tanging silbi lang nito ay ang epektibong komunikasyon sa lahat ng mamamayan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Sa madaling salita, epektibong magkakaintindihan tayong lahat sa pamamagitan ng wikang Filipino!

Maraming nagsasabing puwede naman daw gamitin ang wikang Ingles para magkaintindihan ang lahat. Hindi naisasaalang-alang sa argumentong ito ang kultural na dimensiyon ng paggamit ng wikang Filipino. Mas malapit kasi ang huli sa ating pinagdaanan dahil masasabing atin ito. Kung gagamit tayo ng wikang Ingles, may tendensiya itong maghatid ng impluwensiya ng Kanluran.

Ang simpleng paggamit ng mga Ingles na kataga ay nagpapakita ng repleksiyon sa Kanluraning kultura. Basahin ang sumusunod na halimbawa na may kinalaman sa ilang elementong hindi katutubo sa atin: Writing is my bread and butter. When I compete next week, I promise to bring home the bacon. Squatters are a dime a dozen in Manila. A penny for your thoughts, a nickel for your kiss.

Ito ang dahilan kung bakit tinututulan ng Chamber of Herbal Industries of the Philippines, Inc. (CHIPI) ang plano ng Department of Health (DOH) na isalin sa wikang Filipino ang katagang “No Therapeutic Claims” na makikita sa mga herbal product. Hindi nga ba’t mas malinaw ang mensahe sa mga Pilipino kung mababasa ang sumusunod? “Mahalagang Paalala: Ang __________ ay hindi gamot at hindi dapat gamiting panggamot sa anumang uri ng sakit.” Malinaw na kung malulugi ang mga negosyanteng miyembro ng CHIP dahil sa plano ng DOH, ito ay dahil mas naiintindihan na ng mga konsumer ang kahulugan at implikasyon ng isang Ingles na babala.

Sa okasyon ng Araw ng Kalayaan, mahalagang tandaang ang pagkakaisa ay makakamit kung ang lahat ay nagkakaintindihan, at mahalagang salik sa epektibong komunikasyon ang paggamit ng sariling wika. Kung pag-uusapan ang prayoridad, hindi ba’t mas mahalagang magkaintindihan muna ang lahat ng tao sa ating bansa?

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7762

Posted by on Jun 13 2010. Filed under (Kolum), Konteksto. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

4 Comments for “Araw ng Kalayaan at paggamit ng wikang Filipino”

  1. Rob Evangelista

    I don’t understand why you have to use the qualifier “diumano” to refer to the Philippine Independence of 1898. It’s a fact and is backed by historical evidence. If you just want to be cynical about it with a blanket justification of foreign control/interest in the current system, oh, get a life. That argument can be used virtually in all countries, you can always tweak it to suit a certain ideology.

    Also, hope you realize how insensitive and condescending this paragraph is: “Pero may dangal ba ang trabahong kadalasang nagsisimula sa panahong tulog ang karamihan sa populasyon at natatapos sa panahong gising na ang iba pa.” What’s wrong with graveyard shift? Security guards, doctors, nurses, etc, do have night shifts. What’s wrong with that? Does work schedule debase your morals?

    It is also illogical to compare salaries in the Philippines and the US. So you want this call center agents to receive at least $9/hr (which is the minimum wage in most states)? I thought you studied economics. A very simple calculation of cost of living will show you what the salary level should be in the Philippines. If call center agents receive $9/hour, talo pa nila mga executives at baka pati ikaw at karamihan sa mga propesor ay maging call center agent na rin.

    Dun naman sa pagmumura, ganun talaga ang irate customers. Di ba yan nangyayari sa Pinas? Kung mumurahin ka sa Tagalog, anu pagkakaiba pag minura ka sa English?

    Ah, I can’t stand this article. Napakaraming points na baseless, irrational. so narrow-minded. Sana ma-post to. Napansin ko kasi na pinipili lang ng moderator ang comments na i-a-approve e. Yung mga critical comments, di na nila pinapublish. Pero sila, super critical sa maramig bagay and want to be hear. Hayz, life.

  2. pinoyweekly

    G. Evangelista, hindi po inaapruba ang marami sa mga komentong nag-aalimura, namemersonal o malinaw na naninira lamang. Gayunman, marami pa rin sa mga kritikal na komento ay naaaprubahan. Kaya magkomento ka lang kung may di ka sinasang-ayunan, o kahit may sinasang-ayunan ka.

    Binukas din namin kay G. Arao ang pagsagot sa iyong komento. Maraming salamat. — Patnugot

  3. Mr. Evangelista

    The use of the qualifier “alleged” (or “diumano” in Filipino) is not a subjective decision but is, in fact, based on an interpretation of historical events before and after June 12, 1898. While it is true that the declaration of independence was done in 1898, there are certain circumstances that put into question the powers-that-be’s sincerity and commitment to genuine independence in the country – e.g., the Pact of Biak na Bato of 1897 and the Battle of Manila Bay of 1898 (both of which happened before June 12, 1898); not to mention the Philippine Rehabilitation Act, Bell Trade Act, Mutual Defense Treaty, Military Assistance Agreement, Military Bases Agreement (eventually repealed in 1991), Visiting Forces Agreement, Mutual Logistics and Support Agreement, the list goes on. You’re right about foreign interest in the country. Its mere presence, however, is not the one being criticized but the ill-effects of economic, political and cultural dependence on foreign investments and trade.

    As regards the dignity (“dangal”) of a graveyard shift, we should accept the fact that this can hardly be called a normal lifestyle, particularly for workers who want to be with their loved ones. That this situation is not exclusive to the BPO sector does not mean that the practice becomes acceptable for as long as the workers agree to it. Most of the time, workers agree to unjust working conditions for the simple reason that they are left with no choice, given the country’s limited employment opportunities.

    Comparing salaries across borders is a valid exercise, considering that they are computed not only on the basis of cost of living in the particular country but also the nature of work regardless of where they are. Outsourcing in Third World countries happens because of lower wages in the latter, which I think should be duly exposed considering that the work (compared to the First World counterparts) is practically the same.

    As regards being cursed by irate customers, the fact that it happens in many professions does not mean that it should be taken as a given. Whether we like it or not, there is an effect on people who are at the receiving end of such curses, whether done in Filipino or English. Call center agents should not be made to just simply live with it. There has to be a way to give some support to them by way of more company benefits (guidance counseling comes to mind, for example), but this is almost impossible given their contractual status.

    You’re entitled to your opinion if you can’t stand this article and if you find my analysis narrow-minded. But I sincerely hope that you would look at the context of my arguments, and not simply dismiss them as a product of a cynical mind.

    Thank you for your comment and I wish you all the best.

    Danilo A. Arao

  4. pproletaryado

    hindi yata matanggap ni Mr. evangelista na kinikritiko ang kanyang idolong imperyalistang estados unidos, kaya ganun ganun na lamang ang kanyang nais na magkomento,imbis sana na naiintindihan niya ang tunay na kalagayan ng lipunan bilang mala-kolonyal, at mala-pyudal, hindi eh,,, kanyang naiintindihan ang pagkontrol sa atin ng impeng U.S

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes