Pinoy Weekly

Dalawang eksperto hinggil sa posibleng dayaan noong halalan

Rick Bahague
Computer Professionals’ Union at Kontra-Daya
Votereport-Philippines (votereportph.org)

Kung nagkaroon ng malawakang dayaan noong Mayo 10, 2010, paano itong ginawa?

Rick Bahague ng CPU at Kontra-Daya

Dun sa mga nakuha nating reports sa Kontra-Daya, iba-ibang lebel ang dayaan. Nagsimula sila sa pre-shading ng mga balota, mga ganun. May mga tradisyunal na pandaraya.

Pero kung large-scale talaga, ano ang pinakamadaling dayaan? Una, puwede kasing sa programa sa PCOS machine. Ibig sabihin, yung makina na nagbibilang ng boto. Halimbawa, may code na nagsasabing yung boto ni ganitong kandidato, ibigay mo sa ganyang kandidato. Bago man ipamahagi ang PCOS machines, in-imbed na nila yung mga programa. Hindi yun (PCOS machines) madaling bawiin. Pagdeliber ng mga makinang iyun mula sa China, may programa na iyan. May firmware nang nakalagay.

Pagdating dito, mayroon pa silang costumization na ginawa diyan. Ibig sabihin, ipinasok (ang codes) kung paano magbasa ito ng balota, at iba pa. Baka dun sa Cabuyao, Laguna na planta, dun nila ginawa iyun. Ibig sabihin (kung may dayaan), dun pa lang sa produksiyon ng mga makina may kakutsaba na sila.

Mahirap itong mapatunayan. Technically, puwede itong gawin, pero mahirap patunayan.

Pangalawa, di ba nag-recall ng CF cards? Dun sa CF cards, ang laman ay yung designation ng PCOS machine sa kung saang presinto (sa bansa) gagamitin. ‘Yung PCOS machines, paglabas niyan sa Cabuyao, may ka-match agad iyang CF card na nagsasabing “Ikaw na PCOS ka, para rito ka sa presintong ito.” Nakalagay din sa kanya, kung paano niya babasahin ang balota. Iba-iba yun sa bawat munisipyo. Dun din sine­-save lahat ng election results. Tapos kapag nabilang niya, yung ang pini-print niyang resulta.

So kung may dadayaan, puwedeng may naka-save nang resulta bago pa man ang eleksiyon. Puwedeng sine-save niya ang images ng balota, pero kung magbibilang siya, yung boto nang naka-pre-program ang bibilangin niya.

So yun siguro ang magiging dahilan kung papaano nasi-zero ang isang kandidato sa isang lugar na siguradong may bumoto sa kanya?

Ang posibleng explanation dun, yung CF card na ginamit, baka wala talaga siyang data para sa kandidatong na-zero, kundi may data para sa kalaban niya. Puwede rin nilang gawin, okey naman ang pagbibilang sa PCOS, pero may ibang PCOS machine na nagta-transmit ng resulta, hindi iyung opisyal. Parang tulad ng alegasyon ng tinaguriang “Koala Boy.” Pero ang sabi ng Comelec, yung canvassing machinelaptop computer lang iyun – kapag may nag-transmit nang naunang resulta, hindi na tatanggapin ang iba pang transmission.

May dalawang lebel dapat ng security (para hindi mangyari ang pekeng transmission). Una, yung digital signature ng PCOS machine (parang code na hinihingi ng canvassing machine bago tanggapin ang resulta). Pangalawa, yung digital signature mula sa Board of Election Inspectors – na hindi ginawa ng Comelec. Kaya sa PCOS machines na lang may digital signature. Pero puwedeng gawin ang dayaan. Mayroon kang PCOS machine, may data kang peke, transmit ka lang ng transmit.

Pero sabi nila, puwede namang mapatunayang may dayaan sa transmission. Sa election returns ng presinto, ikumpara mo lang sa na-transmit sa municipal o city board of canvassers. Madali lang iyan i-prove.

Madali lang ba yun patunayan? O sa canvassing, nagpapatung-patong kaya mahirap nang masundan kung tama nga ang pinadala mula sa mga presinto?

Kung sa munisipyo na antas, ang paraan mo lang na matsek kung tama ang transmission, ay kung makukuha mo lang ang printed results ng mga presinto. Sa munisipyo kasi, kapag nag-canvass iyun, canvass lahat. Hindi na sinasabi kung saan galing na presinto. Sa Maynila yata, nagawa nilang ipakita ang breakdown ng mga boto sa precint level, pero hindi ito nagawa sa ibang munisipyo, sa mga probinsiya. Sa canvassing kasi, yung mga canvassers, hindi naman nila alam kung ano ang gagawin nila sa makina. Kung ano lang ang sinabi sa kanila ng Smartmatic na iklik, yun na yun.  Dito lang sa Maynila, may mga abogado (ang mga kandidato) na nag-motion nang nag-motion sa Board of Canvassers na ilabas ang breakdown per precint, kaya naipalabas ito.

Pero ang problema pa rin doon, mabilis. Dapat, pag-transmit ng bilang mula sa mga presinto, yung pollwatchers ng mga kandidato sa mga presinto, mabilis ding maita-transmit ang mga resulta sa canvassing sa panahong kinakanbas ang boto sa presintong ito. Dati, sa manual, nagagawang habulin iyon, kasi mas mabagal. Makukumpara mo kung may discrepancy sa canvass.

Ngayon, kahit makita mong may discrepancy sa transmission, hindi mo rin mapigil ang canvassing. Dun sa rules ng Comelec, walang pre-proclamation protest. Dati  puwede kang magreklamo na hindi muna puwedeng bilangin kung may discrepancy. Gina-grant iyan. Ngayon sa rules, wala iyon. Election protest lamang ang puwede mong gawin. Ibig sabihin, magpoproklama muna sila. Kapag naproklama na, pahirapan na ang protesta, aabutin ka ng taon bago madesisyunan.

Ang mga dayaang ito, sa PCOS machines pa. Pero puwede namang dito na sa canvassing ang dayaan. Yung canvassers, kunwari, natatanggap nila ang election results, pero may sarili nang pekeng results. Pero mahirap nga iyang patunayan, dahil automated na nga.

1 2 3

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7785

Posted by on Jun 15 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Dalawang eksperto hinggil sa posibleng dayaan noong halalan”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by CP-Union.com, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Dalawang eksperto hinggil sa posibleng dayaan noong halalan http://bit.ly/9o7GhU [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes