Pinoy Weekly

Dalawang eksperto hinggil sa posibleng dayaan noong halalan

PCOS machine: madaling dayain ng may akses dito. (Ilang-Ilang Quijano)

PCOS machine: madaling dayain ng may akses dito. (Ilang-Ilang Quijano)

Umani ng reaksiyon mula sa kampo ng pamilya Aquino at administrasyong Arroyo ang huling top story ng Pinoy Weekly na panayam sa nangungunang lider-rebolusyonaryo na si Prop. Jose Maria Sison.

Mariing itinanggi ni Pinky Aquino-Abellada, nakakatandang kapatid ni President-elect Benigno “Noynoy” Aquino III, ang pahayag ni Sison na nakipag-usap siya sa isang kinatawan ng Central Intelligence Agency (CIA) ng US at ng gobyernong Arroyo para dayain ang nakaraang halalan.

Itinanggi naman ng Malakanyang na naganap ang pangyayaring ito. Ani Press Secretary Rogelio Peyuan, “Hindi namin alam kung may sarili sila (sina Sison) na instrumento para imonitor ang kilos ng bawat Pilipino sa Pilipinas habang nasa The Hague sila.” Nakabase si Sison, na punong konsultant pampulitika ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), sa Utrecht, The Netherlands.

Sa sumunod na pahayag ni Sison sa Pinoy Weekly, isiniwalat niyang isang impormanteng personal na nakakaalam sa naganap umanong pre-programming pabor kay Aquino ang pinagmulan ng naturang impormasyon. Natatakot umano ang impormante na matulad kina Gregan Cardeno at iba pang biktima diumano ng paglabag sa karapatang pantao ng gobyernong US.  Gayunman, handa umano ang impormante na isiwalat ang lugar at petsa ng nasabing pag-uusap.

Bago mailabas ang artikulong ito, kinapanayam ng Pinoy Weekly ang dalawang eksperto sa information technology (IT) para hilingin ang kanilang pagtingin sa posiblidad ng dayaan noong nakaraang automated elections noong Mayo 10, 2010. Pareho silang nagsabing malaki ang posibilidad nito, pero mahirap mapatunayan.

Kung nagkaroon nga ng dayaan, ang tanging paraang maisiwalat ito sa publiko ay kung lumantad ang mga taong mula sa loob ng mga operasyong ito na tulad ng impormante ni Sison.

Narito ang ilang bahagi ng panayam ng Pinoy Weekly sa dalawang IT experts na sina Gus Lagman at Rick Bahague:

1 2 3

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7785

Posted by on Jun 15 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Dalawang eksperto hinggil sa posibleng dayaan noong halalan”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by CP-Union.com, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Dalawang eksperto hinggil sa posibleng dayaan noong halalan http://bit.ly/9o7GhU [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes