Pinoy Weekly

Kalupitan sa Kapamilya: Pang-aapi sa loob ng ABS-CBN?

Pinakakagyat na hiling ng mga manggagawa ang status quo sa trabaho. (Darius Galang)

Pinakakagyat na hiling ng mga manggagawa ang status quo sa trabaho. (Darius Galang)

Pinakatampok sa hinihiling nilang ilinaw ay ang katayuan nila sa empleyo. “Sinasabi nilang hindi nila kami empleyado ngunit sino ang pumipirma ng aming payslips?” tanong ni Perez. Sa kanilang pagtatrabaho, kontrolado ng ABS-CBN ang kanilang pay slips, income tax return, at iba pang pruweba ng empleyo.

Dagdag pa nila, wala sa listahan ng Securities and Exchange Commission ang “ABS-CBN IJN” kindi ang kompanyang ABS-CBN lamang.

Para kina Perez, malinaw na union busting ang lumalabas na kilos ng manedsment ng network. “Malinaw na may kutsabahan sa pagitan ng DOLE at ng manedsement ng ABS-CBN na harangin ang aming unyon para makilala bilang isang organisasyon at bargaing unit sa paggiit ng aming mga karapatan bilang mga manggagawa. Hindi kami kinilalang manggagawa ng kompanya para durugin ang aming unyon,” paliwanag ni Perez.

Iskemang kontraktuwalisasyon

Bukod sa pag-apela ng ABS-CBN manedsment sa DOLE na huwag kilalanin ng huli ang unyon, gumagamit din ang manedsment ng iba’t ibang estilo para mabago ang istatus ng empleyo sa kompanya. Sa ganitong paraan, mabawasan umano ang mga empleyadong maaaring sumapi sa unyon.

Hiling ng manedsment na pirmahan ng mga manggagawa ang isang kontrata na diumano’y magreregularisa sa kanila. Ngunit may ilan umanong hindi malinaw na bagay sa kontratang ito. Una na rito, magsisimula muli ang tenure ng isang manggagawa matapos mapirmahan ito. Ibig sabihin, mababalewala ang maraming taon nilang pagseserbisyo sa ABS-CBN.

Regular man ang turing ng manedsment sa isang manggagawa kapag pinirmahan nila ang kontrata, isa pang nakaambang panganib sa kaseguruhan sa trabaho ng manggagawa: gagawing co-terminus ang isang manggagawa sa isang programang pang-telebisyon.

Eugenio "Gabby" Lopez III, tagapangulo at CEO ng ABS-CBN

Eugenio "Gabby" Lopez III, tagapangulo at CEO ng ABS-CBN

Lumalabas na kahit nasa tila magandang kompanya sila, hindi pa rin pala tiyak ang kanilang kaseguruhan sa trabaho. “Akala namin ay hindi namin daranasin ang pagiging kontraktuwal dahil nasa loob kami ng ABS-CBN,” malungkot na hayag ni Perez.

Sa nasabing pulong ng manedsment at mga manggagawa noong Hunyo 17, hindi itinanggi ni Lopez na malaki ang ikinikita ng kompanya. Ayon sa datos ng Securities and Exchange Commission, umabot sa P1.11 Bilyon ang gross revenue ng ABS-CBN sa unang kuwarto ng kasalukuyang taon. Tumaas ito ng 481 porsiyento mula sa P191-M na kita nito sa unang kuwarto ng 2009. Hindi pa kasama diyan ang revenues mula sa mga patalastas (kabilang ang political ads) sa panahon ng eleksiyon na aabot sa mahigit P4-B.

Ngunit hindi pa kuntento rito ang manedsment. Kung ikukumpara kasi sa mga telecommunications company (tulad ng PLDT, Globe at iba pa), maliit pa rin ito. “’Yun [telcos] ang mga kalaban natin talaga eh,” ani Lopez. “Because in five years, ABS will be a very different company from what it is today. And we need to prepare ourselves for that coming future.”

Sabi pa ni Lopez naghahanda ang ABS-CBN sa maraming pagbabago. Kabilang dito ang paglaganap ng digital TV, at mas malawak na paggamit at presensiya ng kompanya sa internet. These are all new technologies for which we need new skills, which will require very significant amounts of capital expenditure. So we need every last cent.”

Kilalang lider sa industriya ang ABS-CBN, at maaaring maging bagong modelo ang malawakang kontraktuwalisasyon para gayahin ng iba pang TV networks sa kanilang mga manggagawa. Dahil sa kagustuhan ng manedsment na lalong magkamal ng kita, mas gugustuhin nilang tipirin ang suweldo at mga benepisyo ng mga manggagawa nito.

1 2 3

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7941

Posted by on Jun 28 2010. Filed under Istorya ng Linggo, Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

6 Comments for “Kalupitan sa Kapamilya: Pang-aapi sa loob ng ABS-CBN?”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by Wade Loss, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Kalupitan sa Kapamilya: Pang-aapi sa loob ng ABS-CBN? http://bit.ly/b6ctl2 [...]

  2. janna santos

    duh rin, its not about making a dent on abs’ operations. its about doing whats right and fighting what is unjust.

  3. jenny ybut

    sa isang knikilalang nangungunang istasyon sa ng telebisyon at isa sa may pinakamalaking kita sa bansa..mrahil ay mkatarungan lmang na ibigay ang nararapat na benepisyo para sa mga kwani ng telebisyon….ito ay alinsunod na rin sa batas na pinaiiral sa labor code…it sad to know that you bring the latest news and yet your also hiding something in the eyes of the FILIPINO people…kung tlgang kpamilya kayo…patunayan nyo..

  4. tasyo

    Isang halimbawa ito na malaki ang pangangailangan na magorganisa sa hanay ng mga manggagawa.
    Maaaring ilapit nila ang kanilang hinaing sa bagong halal na pangulo subalit malaking katanungan pa rin kung ito ba ay tutugunan o titignan na lamang para masawata ang kanilang damdamin?
    Sa totoo lamang, wala silang maaasahan sa isang pangulo na bahagi ng mga malalaking pamilyang asendero at siya mismo ay ayaw ipamahagi ang kanilang lupain para sa mga manggagawang bukid.
    Tunay nga na siya ay isang “Kapamilya” ng mga naghaharing uri at kailanman ay hindi siya “Kapuso” ng uring manggagawa.

  5. tasyo

    naman!!!!!!!!!!!!!……….. lugi na kasi ang ABS kia ganyan ang strategy jajajaja…………… akalain nio 1B ang nalugi sa kanila………….

    kng ganyan rin lng……… try their luck at other stations bka medyo mlaki ang sahod try TV5 and GMA sure they have a position for them

  6. buti pa gma davao regular ang mga cameraman and reporters with medical benefits etc…
    dapat ganun din sa inyo…malaking network naman ang abs!

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes