Pinoy Weekly

Kalupitan sa Kapamilya: Pang-aapi sa loob ng ABS-CBN?

Pagsindi ng kandila: Tradisyunal na porma ng protesta sa loob ng ABS-CBN. (Darius Galang)

Pagsindi ng kandila: Tradisyunal na porma ng protesta sa loob ng ABS-CBN. (Darius Galang)

‘Rebelyon’ daw at tanggalan pa rin

Simple lamang ang hiling ng mga manggagawang natanggal sa trabaho: “status quo muna.” Saad ni Russel Galima, sound manager at miyembro ng unyon, hindi pa muling nakakapag-usap ang manedsment at ang unyon nang harapan, bukod sa “Chat With The Chairman” at sa direkta o di-direktang pakikipag-usap nila sa manedsment at mga superyor. Hindi aniya malinaw kung ano ang estado ng 25 empleyado. Kung terminated na nga sila, bakit hindi sila napaabutan ng memo? Di pa rin umano dumadaan sa iba pang protocol sa pagtatanggal ng empleyado ang sinasabing utos.

“Gusto rin naming malaman kung ano ang mangyayari sa aming sahod noong dumating ang cut-off. Kung sakaling tanggal na nga kami, paano kami kukuha ng clearance kung hindi na kami makapasok dahil tinanggal na ang access namin sa database ng kompanya? At kung may clearance nga kami, ano ang rason sa aming pagkakatanggal: Hindi kami pumirma ng kontrata?” tanong ni Galima.

Sa kanilang pagkakatanggal sa trabaho, wala na ang kanilang access sa loob ng kompanya. Bukod sa ID nila na nasa database ng kompanya, kasama pang natanggal nang biglaan ang kanilang benepisyong medikal, dahil kasama ito sa access. Isang miyembro ng unyon ang nagpa-check-up matapos ang tanggalan dahilan sa lubhang pagkabahala sa pagkawala ng trabaho. Ngunit ang sagot sa kanya ng medical staff nang subukang gamitin ang kanyang card, “Sir, hindi na po valid ang inyong card. Wala na pong bisa ito.”

Ilang kumakalat na tsismis sa loob ng kompanya na kakasuhan umano ng manedsment ng “rebelyon” ang 26 na nakitang nagpiket sa harapan ng DOLE-NCR sa Malate, Manila noong Abril 2010. Ang ilan sa mga miyembro, pinagkatuwaan na lamang ang tsismis na ito. “Mag-DOLE-o rebels” umano silang 26 na miyembro, mula sa dating mga sundalong Magdalo na nagrebelde.

Samantala, hindi pa umano tapos ang tanggalan sa loob ng ABS-CBN, ayon sa unyon. Nakaamba pa ang tanggalan sa mahigit 100 empleyadong rank-and-file at iba pang manggagawa.

Suporta at hiling

Bukod sa status quo sa istatus ng mga empleyado, kasama sa hiling ng unyon ang pagtigil sa pananakot sa mga manggagawa para pumirma sa kontrata ng manedsment. Ito na ang magdadaan sa pagpapatigil ng union busting na ginagawa ng kompanya. Isa pa rito, nais ng unyon ng ABS-CBN IJN na magpatuloy ang pag-uusap nila ng manedsment.

Samantala, ipinapakita naman ng kanilang mga kapwa-manggagagawa sa ABS-CBN ang suporta sa laban. Nagsuot ang mga ito ng itim na laso sa kanilang braso. Nagsuot din sila pins na naghihiling ng pagpapabalik sa trabaho ng naunang 25 na tinanggal sa trabaho. Naganap ito sa kabila ng patuloy na pagtanggap ng direkta at hindi-direktang mga pananakot umano ng manedsment sa kanilang mga trabaho kung itutuloy nila ang suporta sa natanggal na mga manggagawa.

Gusto rin nilang ilapit ang kaso sa bagong pangulong si Benigo “Noynoy” Aquino III, kahit na nababalitang sinuportahan ng naturang network ang kampanya ni Aquino. Gusto ng grupo na lapitan si Aquino upang masawata ang kontraktuwalisasyon sa loob ng ABS-CBN.

Ani Perez, “Kung more jobs ang gusto niya, sana kasama kami sa magkaroon ng trabaho at magandang buhay, at hindi mamayani ang korupsiyon sa pamamagitan ng pagsira ng unyon.”

1 2 3

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7941

Posted by on Jun 28 2010. Filed under Istorya ng Linggo, Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

6 Comments for “Kalupitan sa Kapamilya: Pang-aapi sa loob ng ABS-CBN?”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by Wade Loss, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Kalupitan sa Kapamilya: Pang-aapi sa loob ng ABS-CBN? http://bit.ly/b6ctl2 [...]

  2. janna santos

    duh rin, its not about making a dent on abs’ operations. its about doing whats right and fighting what is unjust.

  3. jenny ybut

    sa isang knikilalang nangungunang istasyon sa ng telebisyon at isa sa may pinakamalaking kita sa bansa..mrahil ay mkatarungan lmang na ibigay ang nararapat na benepisyo para sa mga kwani ng telebisyon….ito ay alinsunod na rin sa batas na pinaiiral sa labor code…it sad to know that you bring the latest news and yet your also hiding something in the eyes of the FILIPINO people…kung tlgang kpamilya kayo…patunayan nyo..

  4. tasyo

    Isang halimbawa ito na malaki ang pangangailangan na magorganisa sa hanay ng mga manggagawa.
    Maaaring ilapit nila ang kanilang hinaing sa bagong halal na pangulo subalit malaking katanungan pa rin kung ito ba ay tutugunan o titignan na lamang para masawata ang kanilang damdamin?
    Sa totoo lamang, wala silang maaasahan sa isang pangulo na bahagi ng mga malalaking pamilyang asendero at siya mismo ay ayaw ipamahagi ang kanilang lupain para sa mga manggagawang bukid.
    Tunay nga na siya ay isang “Kapamilya” ng mga naghaharing uri at kailanman ay hindi siya “Kapuso” ng uring manggagawa.

  5. tasyo

    naman!!!!!!!!!!!!!……….. lugi na kasi ang ABS kia ganyan ang strategy jajajaja…………… akalain nio 1B ang nalugi sa kanila………….

    kng ganyan rin lng……… try their luck at other stations bka medyo mlaki ang sahod try TV5 and GMA sure they have a position for them

  6. buti pa gma davao regular ang mga cameraman and reporters with medical benefits etc…
    dapat ganun din sa inyo…malaking network naman ang abs!

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes