Bihira akong magbasa ng fiction at hindi ko alam kung “katha” nga ang tamang salin nito. Pero itinuro ni Fredric Jameson, Marxistang akademiko, ang mga nobela ni E. L. Doctorow na halimbawa ng postmodernong pagkabigo ng kasalukuyan na bigyang-representasyon ang kasaysayan. Sa mga nobela ni Doctorow sa BookSale, isa lang ang natipuhan ko agad – ang The Book of Daniel [1971], na batay sa tunay na nangyari sa mag-asawang Komunistang Hudyo-Amerikanong sina Julius at Ethel Rosenberg.
Maaaring naging matagumpay ang isang unyon na makamit ang isang benepisyo sa pamagitan ng sama-samang tawaran (collective bargaining). Ngunit kahit ang isang benepisyo ay nakalagay na sa collective bargaining agreement (CBA), kailangan pa rin ang masusing pagbabantay ng unyon para matiyak ang lubusang pagtupad ng manedsment sa benepisyong ito. Ang anumang kapabayaan sa panig ng [...]
k~h1+ n 1$4n6 p3n0m’3n0n 4n6 j3j3m’0n, nD1 q n00n 1+0 p1n6-4k$4y4h4n n6 p’nh0n. (Kahit na isang penomenon ang jejemon, hindi ko noon ito pinag-aksayahan ng panahon.) Ano ba naman ang pakialam ko sa kodang ginagamit ng kabataan na alam kong mahihirapan akong maintindihan? Kung ang text lingo ay hindi ko ginagamit (at wala akong planong [...]
Jun 21 2010 | Posted in
(Kolum),
Konteksto |
Read More »
Isang madaling araw, sa isang “plurk” o status message ko sa http://plurk.com, sinabi ko na “kagigising lang! J”. At may isang makatang estudyante na nag-reply ng “baliktad na ang mundo!” Sumagot ako ng simpleng “body clock ko!
” bagama’t may kurot sa akin ang witty na comment ng naturang kaibigang makatang estudyante. Sobrang liberal na nga siguro ako na ang kaharap ko nang magdamag, at ang ilang oras kong kausap, ay ang birtwal na mundong naa-access ko sa laptop at sa “wawawa” o world wide web. Kinocomputer ko ang mga bagay at iniinternet ko ang aking isip at damdamin, sa madaling araw na halos lahat ng kakilala ko ay tulog na at iilan na lang sa mga kakilala ko sa Pilipinas ang namamaybay sa birtwal na reyalidad ng Facebook at iba pang nilikha ng hypertextual language.
Jun 21 2010 | Posted in
(Kolum),
Zineulat |
Read More »
Tinanggal sa trabaho noong nakaraang Miyerkules ang 22 unyonista ng higanteng TV network na ABS-CBN sa isang umano’y “walang pusong” tangka na durugin ang unyon at hadlangan ang matagal nang hiling ng mga manggagawa na maregularisa sa trabaho. Sa isang pahayag sa midya, sinabi ni Antonio Perez, tagapangulo ng ABS-CBN Internal Job Market Union, na hindi [...]
Jun 20 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Nananawagan ang iba’t ibang sektor ng bayan: Kagyat na tugunan ang mga problemang matagal na nilang pinagdurusahan.
Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang mga kasalanan sa taumbayan, at tunay na humingi ng tawad. (Spoof na panayam ni Joe Clang sa isa sa pinakamumuhiang pangulo sa kasaysayan ng bansa)
Jun 18 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Pormal na sinampahan ng reklamo ng isang Pinay caregiver ang isang opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Riyadh, Saudi Arabia matapos siyang payuhan na tumalon na lamang mula sa ikatlong palapag ng gusali, sa halip na isaklolo mula sa pang-aabuso ng employer. Sinamahan ng mga manggagawa ng Annasban Group of Companies ang kanilang [...]
Jun 18 2010 | Posted in
OFW |
Read More »
Nagpiket ngayong umaga sa bahay ni president-elect Benigno “Noynoy” Aquino III sa Times St., Quezon City ang militanteng mga tsuper sa ilalim ng Piston (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide) at hinamon si Aquino na tuparin ang pangakong uusigin si Pangulong Arroyo. Isang liham ang kanilang isinumite sa uupong pangulo. Naglalaman ito [...]
Jun 18 2010 | Posted in
Balita |
Read More »