Sana hindi ito lumipas katulad ng karaniwang balita. Mahalagang pangyayari ang pag-atake ng gobyernong Israeli sa “Marvi Marmara,” barkong naglalaman ng mga di-armadong delegado mula iba’t ibang bansa at ng mga tulong sa mga mamamayan ng Gaza, kasama ang mahahalagang kagamitang medikal. Ayon sa balita, siyam na katao ang napatay, at nahadlangan ang pagdaong ng kinakailangang tulong.
Ang isang pelikula ay binubuo ng maraming elemento kabilang ang musika o tunog na nagpapalutang sa damdamin, kaisipan o ideya na nais maipahayag ng isang obra. Kaya nga sa pelikulang “Emir” ng Film Development Council of the Philippines at Cultural Center of the Philippines, mahalaga ang musika dahil una’y musikal ang isang ito. Sa pagbabando [...]
Jun 8 2010 | Posted in
Showbiz |
Read More »
Hiniling ng Pinoy Weekly ang mga pananaw at pagsusuri ni Prop. Jose Maria Sison, nangungunang progresibong lider at chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP, hinggil sa pag-upo sa poder ng bagong pangulong si Benigno “Noynoy” Aquino III.
Matapos ang pagkabigo laban kay Manny Pacquiao, umakyat ng timbang at nagwagi pa si Miguel Cotto ng korona sa proseso. Bituwal na ninakaw ni Cotto ang Wold Boxing Association light middleweight title kay Yuri Foreman sa laban nila sa Yankee Stadium, New York nitong Sabado ng gabi sa US. Ngunit hindi madali kay Cotto ang [...]
Jun 7 2010 | Posted in
Sports |
Read More »
Sa pamamagitan ng opisyal na estadistika, ang masama’y napapaganda o hindi nahahalata. Nakakayang lunurin ng mga numero’t teknikal na termino ang mga argumentong sumasalungat sa mga pahayag ng gobyerno.
Jun 6 2010 | Posted in
(Kolum),
Konteksto |
Read More »
Matagal na rin akong naninigarilyo, simula pa fourth year high school. Natagpuan namin ng matalik kong kaibigan noon ang halina ng sigarilyo, ilang buwan bago kami opisyal na magtapos ng high school: bonding moment, ideya ng pagiging cool, sense of freedom, at sense of maturity. Pinaso pa nga namin ang bahagi ng aming braso bilang simbolo ng wagas na pagkakaibigan (pero ngayon, kahit sa Facebook, hindi na kami nagpapansinan).
Jun 6 2010 | Posted in
(Kolum),
Zineulat |
Read More »
Inimbitahan ako ng mga kaibigan sa Pinoy Weekly, progresibong publikasyong online sa wikang Filipino, na magkolum sa kanila. Mahirap silang tanggihan. Una sa lahat, karangalang maimbitahan ng masigasig na staff ng Pinoy, na naglalabas ng mga impormasyon at komentaryong hindi inilalabas ng midyang mainstream. Sa panig ko, na nagsusulat ng komentaryong pinipilit kong maging progresibo, magandang pagkakataon ito na umabot sa mas maraming mambabasa. Gusto ko ring mag-ambag, sa abot ng makakaya, sa pagsisikap na magpundar ng isang sentro ng progresibong midya sa wikang Filipino.
Isang lider-unyon ang pinatay at isang komunidad ng mga magsasaka ang dinemolish sa Timog Katagalugan simula kahapon, mga magkakasunod na insidenteng kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (Bayan-ST) bilang “matinding atake” laban sa mga progresibo matapos ang eleksiyon. Bandang ala-sais ng gabi noong Hunyo 2, binaril at pinatay si Edward Panganiban ng hindi pa nakikilalang kalalakihan [...]
Jun 3 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Idiniin ni Philip Alston, United Nations Special Rapporteur on extrajudicial, summary or arbitrary executions na dapat bigyang-halaga ang pagpaparusa ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao, para matigil ang culture of impunity sa bansa na kanyang unang inihayag noong 2007. “It is very important, in [...]
Jun 3 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Nilusob kahapon ng 236 na Pinoy nars at clinic workers ang konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, Saudi Arabia para itulak ang gobyerno na aksiyunan ang kanilang employer na kalahating taon nang hindi nagpapasahod. Sa isang pahayag, sinabi ni John Leonard Monterona, coordinator ng Migrante-Middle East, na walang ginawa si Labor Attache Vicente Cabe nang lapitan [...]
Jun 2 2010 | Posted in
OFW |
Read More »