Unyon sa ABS-CBN, dinudurog?
Tinanggal sa trabaho noong nakaraang Miyerkules ang 22 unyonista ng higanteng TV network na ABS-CBN sa isang umano’y “walang pusong” tangka na durugin ang unyon at hadlangan ang matagal nang hiling ng mga manggagawa na maregularisa sa trabaho.
Sa isang pahayag sa midya, sinabi ni Antonio Perez, tagapangulo ng ABS-CBN Internal Job Market Union, na hindi na sila pinapasok sa compound ng ABS-CBN at kinansela ang kanilang mga iskedyul simula Hunyo 16, na umano’y katumbas ng pagtanggal sa kanila sa trabaho.
Noong Hunyo 15 ng tanghali, nakipag-online chat si Eugenio “Gabby” Lopez III, chairman ng ABS-CBN, sa mga manggagawa. Dito, umano’y sinabi niyang matatanggal sa trabaho ang mga manggagawang hindi tatanggap ng kanilang “regular status” bago mag-hatinggabi kinabukasan.
Pero ayon sa unyon, “bogus” ang naturang alok ni Lopez dahil nangangahulugan itong kinikilala nilang hindi sila regular na mga manggagawa. Noong nakaraang Nobyembre 2009, naghain ng petisyon ang ABS-CBN IJM Workers Union na kilalanin bilang isang yunit na may karapatang pumasok sa collective bargaining agreement, pero hinarang ito ng manedsment.
Bago pa man ang dedlayn ni Lopez, nakatanggap na umano ang ilang manggagawa ng advisory na nagkakansela sa kanilang iskedyul sa trabaho. Noong Huwebes, isang memorandum ang inilabas ng manedsment. “As mandated by management, please do not schedule the following workers immediately,” ayon dito.
May 1,400 miyembro ang unyon ng ABS-CBN IJM sa National Capital Region na nagpapatakbo ng mga kamera, ilaw, at iba ang kagamitan ng TV network.
“Behind the compassionate and pleasing image ABS-CBN projects to the viewing public everyday, its management are really ruthless people who do not recognize basic workers’ rights and who are capable of destroying the jobs and livelihood of its employees in the name of profiteering,” ayon kay Perez.
Inulat pa ng unyon na nagsimula na ang ABS-CBN na mag-outsource ng mga manggagawa mula sa HRH Agency Personnel.
Samantala, sinuportahan ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang mga manggagawa ng ABS-CBN.
“It is ironic that one of the bastions of press freedom is repressing its own employees. It seems as if the owners do not remember how it is to have their rights violated, which happened during the Martial Law. The owners should realize that the right to form a union is also covered by freedom of expression,” sabi ni Trina Federis, pambansang tagapangulo ng CEGP.
Hinamon ng CEGP si president-elect Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi lamang aksiyunan ang pagpaslang sa mga miyembro ng midya, kundi siguruhin ang kanilang pang-ekonomikong mga karapatan.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7879














Hmm. E-ere kaya to sa Local News? Pano kaya reaksyon ng mga tao?
Hindi dapat binabalewala at sinusupil ng ABS-CBN management ang batayang karapatan ng mga manggagawa nito na mag-unyon o sumapi dito. Ang gawaing ito’y may pahintulot ng ating saligang batas at dahil dito’y karapatan ng mga manggagawa na pumasok sa isang “Kasunduan sa Kolektibong Pakikipagtawaran o Collective Bargaining Agreement”. Kung hindi babawiin ng CEO ng naturang network ang naging pahayag nito laban sa mga manggagawa, magiging hudyat ito ng kanilang unti-unting bagbagsak sa kanilang industriya. Matatandaan na ang nasabing network ay muling sumigla at tuluy-tuloy na umunlad dahil sa pagkakataong ibinigay ng rehimeng Corazon C. Aquino kung saa’y muling binuhay at pinasigla ang pagpapalaganap ng demokrasya kasama na ang pag-uunyon ng mga manggagawa sa pribadong sektor maging sa mga kawani ng gubyerno. Aminin man natin o hindi, ang kumpanya ng ABS-CBN ang pinaka-namamayagpag sa larangan ng media. Nagmimistula itong kaaya-aya at kahanga-hanga sa paghahatid ng balita sa publiko. Balitang dapat ay inihahatid ng walang kiling o katotohanan lamang. Subalit paano’ng ang isang ganitong uri ng kumpanya ay dapat manatili sa kaniyang paghahatid-balita lalo na sa isyu ng batayang karapatan kung ang mismong management nito ay sumusupil sa karapatan ng mga manggagawa nito? Samakatuwid, ang kumpanyang ito ay nagbabalat-kayo lamang sa paghahatid-serbisyo sa taumbayan. Kung magkagayon, nakapanghihinayahang sapagkat ako mismo ay isa sa pangunahing humahanga sa mga media practitioner ng kumpanyang ito.
Kung hindi magbabago ng desisyon ana management ng ABS-CBN, marahil ito na ang magiging dahilan upang tuluyan ko nang hindi tangkilikin ang kanilang paghahatid-balita.
Bilang Union Leader, hindi ko gusto ang anumang uri ng gawain ng mga nasa management na ang lyunin ay durugin ang lehitimong unyon (union busting) ng mga manggagawa at kawani saanman sa pribado at gubyerno. Aming nilabanan ang ganitong uri ng gawain ng pasistang lider at opisyales ng aming ahensiya, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna. Hindi kami nagmamatigas, hindi rin kami nagyayabang, lalong hindi kami umaabuso sa paggamit ng mga batayang karapatang ipinagkaloob sa amin upang mag-unyon. Ang sa amin lang, dapat ay kilalanin ang karapatang mag-unyon na ginagarantiyahan ng batas at ibigay ang anumang benepisyong hindi naman kawalan sa ahensiya/kumpanya.
Mabuhay ang mga kawani/manggagawa ng ABS-CBN!
Mabuhay ang mga Militante, Progresibo at Makabayang Unyonista!
JONEL C. OSIO
President, SANDIGAN-COURAGE/
Chairman, COURAGE-Laguna
[...] Federis, president of the College Editors Guild of the Philippines, has expressed disappointment over the [...]
Duh, subukan nyong iboykot ang ABS-CBN, I doubt if you’ll ever leave a dent on its operations.