Pinoy Weekly

E-passport: Anomalyang ngayon pinagbabayaran

Protesta ng mga migrante sa Hong Kong kontra sa "e-passport."

Protesta ng mga migrante sa Hong Kong kontra sa "e-passport."

Korap sa gabinete ni P-Noy?

Tila ibinaon na sa limot ng publiko ang isang anomalyang may kinalaman sa inirereklamong singil sa e-passport ngayon. Katunayan, isa sa unang itinalaga ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang gabineteng diumano’y “walang korap” ay si Kal. Alberto Romulo, na pangunahing sangkot sa maanomalyang P857 Milyong kontrata ng DFA para sa e-passport. Si Romulo ang pinakauna sa gabinete ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Aquino, ang sinasabing dahilan kung bakit siya ibinalik ni Aquino sa puwesto.

Noong 2007, sinampahan si Romulo ng kasong graft and corruption sa Office of the Ombudsman ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), organisasyon ng mga mamamahayag pangkampus. Gaya ng iba pang anomalyang kinasangkutan ng mga opisyal ng gobyernong Arroyo na sina Jocelyn “Joc-Joc” Bolante ng Department of Agriculture o Winston Garcia ng Government Service Insurance System, hindi pa rin ito umuusad.

Matagal nang inirereklamo ng mga OFW at Migrante International ang mamahalin, mabagal ang releasing, at maanomalyang "e-passport."

Matagal nang inirereklamo ng mga OFW at Migrante International ang mamahalin, mabagal ang releasing, at maanomalyang "e-passport."

Pero hindi na makakapayag dito ang mga OFW, lalo’t sila ang pangunahing apektado sa epekto ng nasabing anomalya. “Nananawagan kami ng panibagong imbestigasyon at resolusyon sa korupsiyon sa e-passport. Imbes na pasanin ng mga OFW ang bigat, dapat managot ang korap na mga opisyal,” sabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante, sa isang press conference kamakailan.

Noong 2001, nagkaroon ng kasunduang Build-Operate-Transfer sa pagitan ng DFA at BCA International Corp. para sa pagbili ng mga pasaporteng machine-readable. Pero noong 2005, umano’y ilegal na kinansela ni Romulo ang nasabing kontrata at pumasok sa isang P857-M kontrata sa kompanyang Pranses na Oberthure.

Ibinenta ng Oberthure ang laminates para sa e-passport sa halagang 0.87 Euros bawat isa. Pero kumpara sa passport laminates na ibinebenta ng ibang kompanya (halimbawa, ang Trautwein Security Corp. na inaalok ito sa 0.11 Euros), lumalabas na overpriced ang bawat isa ng halos P50.  “Sa tatlong milyong pasaporte na inaasahang ipapagawa ng DFA kada taon, P120-M ang ‘tongpats. Wala pa rito ang tinatayang overpricing sa electronic chips, papel, at iba pang materyales,” ani Martinez.

Ipinunto pa ng Migrante na sangkot ang Oberthure sa kaparehong USD 34-M anomalya sa pasaporte sa Kenya. Ang nasabing kompanya rin ang nagpaimprenta ng kontrobersiyal na P100 “Arrovo” bills ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Bukod kay Romulo, sangkot sa anomalya si DFA Assistant Secretary Domingo Lucenario, na umano’y nagpunta sa Europa kasama ang lokal na representante ng Oberthure na si Fai Chua sa panahon ng bidding, isang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at batas sa ethical conduct at government procurement.

Sa gitna ng pagdagsa ng mga reklamo sa singil sa e-passport, nanawagan ang mga grupong migrante kay Aquino na bawiin ang pagtatalaga kay Romulo, na tinitingnan nilang isang paglihis sa ipinagmamalaking ‘daang matuwid’ ng bagong pangulo.

Para kay Siony, nakakalungkot na imbes na pagserbisyuhan ng gobyerno ang mga OFW, tila ginagatasan pa sila sa pamamagitan ng matataas na singil sa iba’t ibang rekisitos sa pangingibang-bansa. “Ano ang malaking pinagkaiba ng bagong gobyernong ito kung pinahihirapan pa rin kami?” aniya.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8473

Posted by on Jul 28 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

2 Comments for “E-passport: Anomalyang ngayon pinagbabayaran”

  1. rodel andrada

    Maaari bang paki-confirm kung US$100-135 ang new passport application galing sa US? Kakapa-renew ko lang this year (sa NY) at ang binayad ko lang $60, at sa pagkaka-alam ko, $60 rin ang application ng bagong passport (di ko lang sure kung iba ang singil ng Machine Readable sa ePassport). http://www.pcgny.net/2009/passport.html
    Baka ang tinutukoy nyo na $135 ay cost ng US Passport na parehas lang ang cost maski mag-apply ka sa US or abroad. Incidentally, nung nag-apply dati ang 2yr old anak ko ng US passport, aabutin rin daw ng 6-8weeks bago ma-proseso ang application, kaya nagpa-expedite kami para matapos nang 2weeks (I remember paying an additional $50)

    Nakapag-parenew rin ako dati ng Phil passport sa TWN (5yrs ago), at ang binayad ko katumbas ng US$50 nung panahong iyon–around 4x ng singil sa atin. So naniniwala akong around $50-$100 nga ang presyo ng [hil passport sa ibang bansa…so, big deal! at least di na kailangang maghintay, pumila sa init, etc. pwede pang ipa-mail na lang sa address mo after mo mag-personal appearance.

    Sa aking palagay, ang cost ng passport renewals/application sa ibang bansa ay tama lang. Kung sakaling mas mahal nga, ayos lang sa akin kasi iniisip ko na lng na mahal ang shipping ng passports galing sa Pinas, at baka nakakatulong pa akong ma-offset ang cost ng passport ng ibang nag-apply mula sa Pilipinas. Base rin sa epassports ng ibang bansa, ang presyong kulang-kulang US$25 ay sobrang mura na (granted na walang ‘parity’ sa purchasing power ng simpleng mamamayang Pilipino). Magkano ba sa tingin ninyo ang cost ng paggawa ng epassport?

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes