Kailan sila magkakaroon ng disenteng pabahay?
Pagtaboy sa mga maralitang nakatira sa isang tenement building sa Brgy. Tejeros, Makati, noong Hunyo 2009. Iniutos ng noo'y Makati Mayor Jejomar Binay ang pagtaboy sa mga maralita. (PW File Photo / Danny Pata)
Binay bilang HUDCC Hair
Samantala, matapos magdalawang-isip ng Bise-Pres. Jejomar Binay na tumanggap ng posisyon sa gabinete, tinanggap din niya ang iniaalok ni Pang. Aquino na maging tagapangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Nakapailalim sa kamay ng bagong tagapangulo ang mga ahensiyang may direktang kaugnayan sa isyu ng pabahay tulad ng National Housing Authority, Home Guaranty Corporation, National Home Mortgage Finance Corp., at Housing and Land Use Regulatory Board. Nasa kontrol na rin ni Binay ang mga programang dati nang nagagamit para mapagkakitaan ang mga maralitang komunidad at itaboy sila sa kanilang mga tahanan at komunidad kung hindi nakakapagbayad.
Bago naging bise-presidente, nanungkulan si Binay bilang alkalde ng Makati City sa matagal na panahon. Sa islogang “Ganito Kami sa Makati,” kanyang ipinagmalaki ni Binay ang mga programa umano niya para sa mahihirap, laluna ang pagkalinga sa mga matatanda o senior citizen.
Hinaing ng mga maralita sa Makati, noong Hunyo 2009. (PW File Photo / Danny Pata)
Pero kahit ang mga maralitang tagalungsod sa Makati ay may mapait na karanasan sa ilalim ni Binay. Batid ng mga maralita sa naturang lungsod ang paggamit ni Binay ng kamay-na-bakal laban sa mga itinuturing niyang ilegal na tumitira sa mga lupain at lugar ng Makati.
Pinakahuli na rito ang marahas na pagdemolis ng kapulisan ng Makati, sa utos ni Binay, sa isang tenement building sa Brgy. Tejeros, Makati noong Hunyo 2009. Umabot sa 68 pamilya ang naitaboy; marami ang nasaktan at inaresto. (Tunghayan ang photo essay dito.)
Sinuportahan ng Gabriela at Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang mga maralita ng Brgy. Tejeros sa kanilang laban para sa disenteng pabahay. Ngayon, pinangungunahan din nila ang paghaom kay Binay na pakinggan naman ang hinaing ng mga maralita at ituon sa kanilang kagalingan ang mga programa ng HUDCC.
Kongkretong panukala

Sumuporta din ang mga organisasyong nagatataguyod sa karapatan ng mga bata sa piket ng kababaihan. (Macky Macaspac)
Noong Hulyo 20, 2010, sa “People’s Challenge” na na inorganisa ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, inilahad ng Kadamay ang mga kahilingan ng maralita sa bagong administrasyon. Inilahad ng grupo ang kahilingan nila hinggil sa pabahay at kagyat na pagtigil sa maga demolisyon. Nakapaloob sa mga kahilingan ng grupo ang mga sumusunod:
- Amnestiya sa amortisasyon sa lahat ng pabahay ng gobyerno, kabilang ang iba’t ibang anyo ng socialized housing, relokasyon, community mortgage program at housing loans;
- Pagrepaso sa malalaking “urban development projects” sa panahon ng administrasyong Arroyo. Itigil ang demolisyon ng mga kabahayan sa mga komunidad na apektado nito, tulad ng South Manila Commuters Rail Project o Southrail project, Payatas Estate Area Development , Port Modernization Program, Manila-Clark Rapid Railway System Project o Northrail Project at iba pa;
- Pagrepaso sa Republic Act 7279 o ang Urban Housing Development Act. Partikular na itinukoy ng grupo ang kawalan ng deklarsayon sa polisiya ng gobyerno na ang paninirahan ay isang karapatang tao;
- Moratoryo sa lahat ng demolisyon at ebiksiyon, samanatalang nagpapatuloy ang pagrepaso sa nabanggit na batas;
- Patuloy na rehabilitasyon ng mga komunidad na sinalanta ng mga bagyong Ondoy at Pepeng, at ang ng nakaraang El Nino;
- Agarang pull-out sa lahat ng yunit ng Armed Forces of the Philippines na nasa mga maralitang komunidad sa kalunsuran.
Bukod dito, kung seryoso ang administrasyong Aquino sa kanyang pangako na bigyan ng sapat at karapat-dapat na batayang serbisyo ang mga mamamayan, nanawagan ang Gabriela sa alokasyon ng malaking bahagi ng pambansang badyet mula sa pagababayad ng utang at gastos-militar tungong serbisyong panlipunan.
“Hinahamon namin si Bise Pres. Binay na manindigan, na ang gobyerno ay dapat na maging responsable sa kapakanan ng mga mamamayan. Dapat niyang iwasan ang mga katulad ni (dating Bise-Pres. Noli) de Castro na pabor sa pribadong mga debeloper at kunsintidor sa korupsiyon na lalong nagpapala sa kalagayan ng mga programang pabahay,” hamon ni Linaban.
Para naman kay Rebecca, na nakaranas maalis sa kanyang komunidad at ilipat sa relocation site, “Hindi nila kami dapat kunin sa aming mga komunidad at itapon sa basurahan tulad ng ginawa ni Gloria Arroyo.”
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8370














ang KAPAL naman ng VICE President nyo na c BINAY na pang hawakan pa ang PABAHAY. numero uno syang nag papalayas ng mga mamamayan sa MAKATI na kung saan kami isinilang at nakaisip la TEJEROS TENEMENT na PABAHAY para sa MARALITANG MAMAYAN NG LUNGSOD NG MAKATI> wala siyang KONSENSYA… BAKIT PA BINOTO NG MGA TAO YAN eh puro KURAKOT lang ang GINAWA nya sa MAKATI.