Pinoy Weekly

Mga Larawan: Pagdiriwang, panawagan at paninindigan, sa pag-upo ni P-Noy

Samantala, sa footbridge na karatig ng Mendiola Bridge, nagladlad ang mga militante sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan ng mural na nagpapakita kay Arroyo na inaaresto at ikinukulong ng mga mamamayan. (Darius Galang)

Samantala, sa footbridge na karatig ng Mendiola Bridge, nagladlad ang mga militante sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan ng mural na nagpapakita kay Arroyo na inaaresto at ikinukulong ng mga mamamayan. (Ilang-Ilang Quijano)

Nagmartsa ang mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas mula sa Espana St. patungong Mendiola Bridge para igiit ang panawagan ng mga magsasaka ngayong may bago nang pangulo. (Ilang-Ilang Quijano)

Kabilang sa mga nagmartsa ang mga magsasaka mula sa Hacienda Luisita, nananawagan sa pamilya Cojuangco (pamilya ni Pang. Aquino, mga panginoong maylupa sa naturang asyenda) na ipamahagi na sa kanila ang lupang dating tubuhan. (Ilang-Ilang Quijano)

Bitbit ni Daning Ramos, tagapangulo ng KMP, ang dokumentong nais nila ibigay sa bagong pangulo. Nakasaad sa dokumentong ito ang tampok na mga isyu ng mga magsasaka, at panawagan nila para tugunan ng bagong administrasyon. (Ilang-Ilang Quijano)

Bitbit ni Daning Ramos, tagapangulo ng KMP, ang dokumentong nais nila ibigay sa bagong pangulo. Nakasaad sa dokumentong ito ang tampok na mga isyu ng mga magsasaka, at panawagan nila para tugunan ng bagong administrasyon. (Darius Galang)

Sa Mendiola, nanumpa rin ang mga magsasaka na ipagpapatuloy nila ang paglaban para karapatan ng anakpawis, sa ilalim ng bagong rehimen. (Ilang-Ilang Quijano)

Sinikap ng mga lider-magsasaka na makaraan ng Mendiola para ibigay ang mga panawagan ng mga magsasaka, ngunit hinarang sila ng mga pulis. (Ilang-Ilang Quijano)

Takipsilim na nang hinarap ang mga magsasaka ni Jig Abella, istap ni Noynoy Aquino noong nasa Senado, para kunin ang nakasulat na panawagan ng mga magsasaka. Kapalit ng pagtanggap niya, hiniling ni Abella na magdispers na ang mga magsasaka. Pero nanindigan sila na manatili sa Mendiola. (KR Guda)

Nanindigan ang mga magsasaka sa karapatang manatili sa Mendiola hangga't hindi natutupad ang makatarungang kahilingan nila. (KR Guda)

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8022

Posted by on Jul 1 2010. Filed under Lathalain, Multimedia, Photo Essays. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes