Pinoy Weekly
Archive for: July, 2010

Face to Face, Juicy, Ben 10, Talentadong Pinoy: Para Sa ‘Yo, Kapatid?

Gusto namin ng mga pamangkin ko sa TV 5 (Para Sa ‘Yo, Kapatid) ang cartoons at shows-made-for-children. Dati, enjoy na enjoy kami sa “Jimmy Neutron,” pero wala na ito ngayon sa Singko. “Makiba-Oh,” “Ben 10,” “High Five,” “Yo Gabba Gabba” at “Thomas and Friends” na ang sinusubaybayan namin sa Channel 5. Bukod sa “Jimmy Neutron,” dati naming sinusubaybayan sa Singko ang “Dora the Explorer” at “Spongebob Squarepants,” na ngayon ay “pinirata” na ng dakilang union buster at monolitikong tagapamandila ng unfair labor practices, ang ABS-CBN Channel 2 ng mga Lopez.

Mga Larawan: Panawagang hustisya sa Ampatuan massacre buhay pa rin

Share

3 magsasaka, pinaslang sa Timog Katagalugan

Tatlong magsasakang miyembro ng isang progresibong party-list ang pinatay noong Hulyo 19 sa Rodriguez, Rizal, ayon sa ulat ng Karapatan-Southern Tagalog. Sa isang paghayag, sinabi ni Glen Malabanan, pangkalahatang kalihim sa Karapatan-ST, biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sina Galvan Navarte, Demilita Largo at Benita San Jose. Miyembro ang tatlo ng Katribu Party-list, organisasyon ng mga [...]

Maralitang lungsod: matinong serbisyong tubig, nasaan?

Sumugod ang mga maralitang lungsod sa opisina ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Quezon City ngayong araw para ipanawagan ang pagsasabansa sa industriya ng tubig bilang pinakawasto umanong solusyon sa “krisis sa tubig” sa malaking bahagi ng Kamaynilaan. “Matapos ang isang dekada ng pribatisasyon, nasaan na ang ipinangakong mas matinong serbisyo?” ayon kay [...]

(Update) Cafgu na menor-de-edad, nabawi mula sa kustodiya ng AFP

Nabawi nang muli mula sa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Juvi Latiban, menor-de-edad na kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o Cafgu. Ito ay matapos maalarma ang mga grupong nagsusulong ng karapatang pambata sa muling pagkustodiya ng militar sa bata na pinalaya ng New People’s Army (NPA) noong Hulyo 16 [...]

Meryll Soriano at Lovi Poe, wagi sa 2010 Cinemalaya

Gabi nina Meryll Soriano at Lovi Poe ang ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival awards night na ginanap sa Main Theater o ang Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines noong Linggo. Pareho silang Pinakamahusay na Aktres sa magkahiwalay na kategorya ng labanan. Best Actress si Meryll para sa pelikulang “Donor” ni Mark [...]

Aba Naman, Tama Na: Dasal at Subersyon

Ang relihiyosong Romano Katolikong panitikan tulad ng mga dasal ay naging epektibong instrumento ng mga sistemang kolonyalismo at pyudalismo ng mga Kastila. Ang akto ng pagsasalin ng mga dasal at akto ng pagpapamemorya sa mga dasal ay pagsasalin rin ng kumbersyon o pagsasa-kolonya ng mga katutubo. Ang akto ng pagpapatanggap sa mga dasal at sa epistemolohikal na katunayan nito ay pagpapatanggap sa hirarkiya ng kapangyarihan ng kolonyal na kaayusan ng mga Kastila, na nagmumula pa sa monarkiya ng Espanya.

Masarap na pagkain, mabahong pangalan

Sarap na sarap ang mga kostumer sa pagkaing inorder nila sa kainan na ito ng Japanese food. Di nila alintana ang mabantot na pangalan ng kainan. Pero, nakakatuwa o nakakaintriga naman, diba? (Kuha ni Tom Estrera III sa National Road, Poblacion, Muntinlupa).

Sa mata ng sigwa

Rebyu ng pelikulang “Sigwa” (2010), dinirehe ni Joel Lamangan, mula sa iskrip ni Bonifacio P. Ilagan

Sa dapithapon ng kanyang pakikibaka

Matanda na si Tatay Pascual, pero nakibaka siya para sa kanyang karapatan sa lupa. Nais lang niya na manatili sa kanila ang kanilang sakahan para may maipamana sa kanyang mga apo. Pero dahil dito, pinag-initan umano siya ng militar. Si Tatay Pascual Guevarra ang isa sa unang mga biktima ng extra-judicial killings sa ilalim ng gobyernong Aquino.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes