Pinoy Weekly
Archive for: July, 2010

Kailan pa mapaparusahan ang may malubhang sala sa bayan?

Malabong may “milagrong” malilikha ang Truth Commission na itinatag ni Pang. Aquino para imbestigahan ang mga katiwalian ni dating pangulong Arroyo. Kailangang magmatyag ang taumbayan, at gamitin ang lahat ng paraan at larangan para mapasailalim na sa hustisya ang isang pangulong tiranikal at korap na namuno sa ating bansa.

Walkout

Kagyat na freeze sa matrikula ng mga paaralan sa buong bansa. Pag-rolbak at pag-refund sa mga nagtaas na matrikula iba pang bayarin ngayong taon. Pagdagdag sa badyet ng edukasyon batay sa rekomendasyon ng United Nations. Pagrespeto sa kalayaan ng mga konseho ng mag-aaral at student publications. Ilan lamang ito sa tinatawag na education agenda na balak ilatag sa bagong administrasyon ng mga grupo ng kabataan tulad ng Anakbayan, National Union of Students in the Philippines, at Kabataan Party-list.

Guro

Masuwerte ako na marami akong naging progresibong mga guro, bilang estudyante sa isang state university. Marami sa kanila ay nagtuturo ng sosyolohiya, pantikan, at pagpapaunlad ng pamayanan (oo, may ganun sa amin!) Yung isa, sa sobrang pagka-‘kaliwete’ ay pinagtulungan ng mga maka-administrasyon sa kanyang departamento at pilit na tinatanggal mula sa pagtuturo.

Halina’t saksihan ang 2010 Cinemalaya Independent Film Festival

Labanan ng matitindi ang ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival na idinadaos sa Cultural Center of the Philippines. Dangan nga lamang at hindi nakahabol ang mahusay ding direktor na si Arnel Mardoquio para sa pelikulang “Sheika” na disin sana’y lalo pang magpapaigting ng labanan. Pero hindi bale. Marami pa silang natitira. At sa simula pa [...]

Para kay Etta Rosales

Hindi mo ako kilala. Hindi ka na bahagi ng pambansa-demokratikong Kaliwa noong namulat ako. Pero natatandaan kita kahit noon dahil naging lider-masa ka ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Pero mas nakilala na kitang lider ng Akbayan.

Pattern ng Politikal na Pamamaslang

Nakakabahala itong sunud-sunod na politikal na pamamaslang sa mga aktibista. Apat na aktibista na nitong Hulyo 12, halos dalawang linggo pa lamang matapos ang inaugurasyon ni Noynoy Aquino, ang marahas na inutangan ng buhay. Isang taga-Bayan Muna, isang taga-Anakpawis, isang taga-ACT Teachers Partylist, at isang taga-Alliance of Concerned Teachers (ACT). Ipinapaalala nito ang madugong rehimen ni Gloria Arroyo, na halos araw-araw ay may aktibistang kinikitlan ng buhay. Dapat na itong tumigil!

All-star cast tampok sa pelikulang Sigwa

Nagagalak ang mga artista na makibahagi sa isang importanteng pelikula hinggil sa First Quarter Storm.

Amerikano susubukan ng Smart-Gilas sa Jones Cup

Magsisimula bukas ang 32rd William R. Jones Cup sa Taiwan, at muling sasabak dito ang Smart-Gilas national team sa pag-asang makakapagpakita ng mahusay na laro. Para kay Smart-Gilas head coach Rajko Toroman mula sa Serbia, mahalaga ang torneo para sa all-amateur na koponan sa agasbak nila kontra sa pambansang koponan ng Iran, kasalukuyang kampeon ng [...]

Kaso sa minimum wage: Kailangan bang manggagawa ang magpapatunay?

Isang manggagawa ang hindi pinasahod ng ayon sa batas ng kanyang pinapasukang kompanya. Nagsampa siya ng kaso laban sa kompanya ngunit wala man lang siyang naipakitang ebidensiya tungkol sa kanyang sinasabi. Ngunit ganoon din naman ang kompanya. Wala rin itong naipakitang katunayan na tama ang kanyang pagpapasahod sa manggagawa. Tanong: sa sitwasyong ito, sino ang dapat panigan ng hukuman: ang manggagawa ba o ang kompanya?

Isyung pangkababaihan sa politikal na detensyon

May Facebook campaign na nagso-solicit ng donasyong pangsanggol para kina Judielyn Carina Oliveros na manganganak sa 27 Hulyo 2010, at Mercy Castro sa Oktubre. Ika ng post, “We are calling on everyone who would like to donate toiletries, vitamins, needs of the babies- baby clothes, breast pumps, diapers, blankets, pillows, and cash donations are also welcome.”

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes