Pagpapanagot kay Gloria, hangad sa unang SONA ni PNoy
Hustisya para sa mga mamamayang lalong nalugmok sa karalitaan at pagdurusa ang tema ng pagkilos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kaalinsabay ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Benigno “Simeon” Aquino III.
Di bababa sa 10,000 katao ang nagmartsa mula sa tapat ng Diliman Preparatory School sa Commonwealth Avenue patungong lampas ng Ever Gotesco Mall para ipresyur ang bagong pangulo na tupdin umano ang panawagan ng mga mamamayan. Kabilang dito ang pagpapanagot kay dating pangulong Gloria Arroyo, pagbasura sa programang kontra-insurhensiyang Oplan Bantay Laya, pagbasura sa Oil Deregulation Law, at iba pang panawagan.
Tunghayan ang mga larawan ng Pinoy Weekly sa unang SONA ni Aquino — sa loob at labas ng Batasan Pambansa.
Rampa’t protesta sa Batasan Pambansa
‘Perya Pinas’ na protesta sa unang SONA ni PNoy
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8393















matutupad kaya lahat ng mg pangako ni pangulong aquino
paano tau magkakaroon ng magandang simula kung lagi na lang marami ang rally at mga iba’t ibang protesta,hindi ba nila naisip na masyado taung down ngayon kya dapat isa isa munang pagtuunan ng pansin ng bagong pangulo ang mga problema na namana nya sa dating pres….unang sona may protesta,kakaluklok lang nya sa kanyang pwesto meron ng maraming sinasabi ang mga tao,kung lagi na lang pinapamukha sa kanya mga gagawin nya na para sa iba eh makikinabang agad sila paano na si pangulo?hndi na nya mg2wa ng tama dahil sa samut-saring protesta…wat f we give him a tym to think for a best solution to whatever problem we have…pasasaan ba’t matatapos din ang hirap nating mga pilipino basta bigyan natin xa ng chance..at sana kung yang pagproprotesta ng mga taong wlang ibang gnwa kundi aksayahin ang kanilang oras para sa mga rally,bakit hndi nyo na lang gawin ang tama???bakit imbes na andyan kau sana tulungan na lang natin ang pangulo?bakit hndi na lang natin gawin ang mabuti para sa ating lahat hindi para sa mga kanya-kanyang organisasyon na kibibilangan ninyo?isa lang aq sa mga taong may paniniwala at paninindigan sa aking binoto..at isa lang aq sa mga batang mulat ang aking isipan sa mga problemang hindi matapos tapos at nagagatungan pa…sana manalangin tau…para sa lahat ng ito…SIYA lang ang may alam..
dapat tlgng manakot c gloria s lht ng kslanan nya.. ang dming nghrp n mga tao dhl s pangu2rakot nya..
nakakalungkot kasisimula lang ng administrasyon may mga tao agad na nag protesta… hindi naman pwede mabago ang lahat ng isang pitik lang… pano tayo magkakaron ng pagbabago kung ganyan pa din ang pag uugali natin.. imbes na magsisigaw sa kalsada bakit hindi mag isip ng magagandang bagay na pwede makatulong sa bayan.. ang dapat ngayon eh magtulungan para umasenso…