Pinoy Weekly

Sa dapithapon ng kanyang pakikibaka

Fort Magsaysay, kampo ng Philippine Army sa Nueva Ecija. (mula sa army.mil.ph)

Fort Magsaysay, kampo ng Philippine Army sa Nueva Ecija. (mula sa army.mil.ph)

Inorganisa ng mga magsasaka ang Almana 3,100 para manatili sila sa kanilang lupain dahil sistematiko umano silang dinadahas ng militar para mapuwersa silang iwanan ang kanilang sakahan. Karamihan sa kanila ay kasapi ng Agrarian Reform Beneficiaries Associations,  na may mga hawak na Certificate of Land Ownership Award o CLOA sa ilalim ng CARP.

Noong 1991, isinama sa pamamahagi ang lupain ng Fort Magsaysay para sa mga magsasakang walang lupa gayundin sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Mt. Pinatubo nang taon ding iyon. At noong Nobyembre 15, 1991, isang Deed of Transfer ang pinirmahan ng DND at DAR na nagbibigay ng kapangyarihan sa DAR kaugnay ng nabanggit na lupain. Ito ang dahilan kaya may CLOA ang mga magsasaka kabilang na si Guevarra. Pero hindi kinilala ng militar ang Deed of Transfer na pinirmahan ng noo’y kalihim ng DND na si Renato De Villa.

Hamon sa asendero

Hinamon ng KMP si Pangulong Aquino na agad na aksiyunan ang naturang pamamaslang. Sa protesta ng mga magsasaka sa harap ng Camp Crame noong Hulyo 19, nanawagan sila kay Aquino gayundin kina Defense Secretary Voltaire Gazmin at  Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lt. Gen. Ricardo David na ibasura ang Oplan Bantay Laya, ang anila’y responsable sa pampulitikang pamamaslang noong panahon ni dating Pangulong Arroyo. Nais din nilang panagutin ni Aquino ang umano’y utak ng naturang polisiya partikular na sina dating defense secretary Norberto Gonzalez at dating heneral Jovito Palparan.

Si Guevarra ang ikalawa sa mga aktibistang napaslang sa ilalim ng panunungkulan ni Aquino. Nauna nang pinaslang si Fernando Baldomero, lider ng Bayan Muna sa Aklan. Sa kasalukuya’y umabot na sa tatlo ang kumpirmadong aktibistang napaslang simula noong Hunyo 30, 2010.

Bukod sa pamamaslang, nagpoprotesta rin ang mga magsasaka para sa tunay na reprma sa lupa. Sa katunayan, nasa ikasiyam na araw na sila sa kanilang 100 araw na protesta nang matanggap nila ang balita ng pagkamatay ni Guevarra.

Kabilang ang Fort Magsaysay sa mga lupaing ipinanawagan ng KMP na ipamahagi na sa mga magsasaka. Kasama rin dito ang Hacienda Yulo sa Laguna, Hacienda Looc sa Batangas at ang Hacienda Luisita sa Tarlac, na pag-aari ng pamilya ni Pangulong Aquino.

“Sa daan-daang biktima ng pamamaslang sa mga aktibista sa ilalim ni dating Pangulong Arroyo, 561 dito ay mga magsasakang aktibista at organayser, si Tatay Pascual ang una sa ilalim ng administrasyong Aquino. Kaya nananawagan kami kay Noynoy na agad na aksiyunan ang mga pamamaslang na ito. Gayundin, hinahamon namin siya na resolbahin ang mga usaping agraryo sa bansa kabilang na ang kanilang Hacienda Luisita,” ayon pa kay Ramos.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8284

Posted by on Jul 20 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes