Sa mata ng sigwa

Si Cita (Pauleen Luna, kaliwa), kumatawan sa mga aktibista ng FQS na ipinagpatuloy at iniangat pa ang antas ng diwa ng pakikibaka ng kanilang kabataan.
Sa huli, sisingilin ng kilusan ang pagtatraydor ni Oliver. Samantala, magkakaroon ng pagtatagpo ang pinaghiwalay ng sigwa – si Dolly at ang anak nito.
Marami ring iniiwang tanong ang pelikula. Halimbawa, ano ang magtutulak sa paniningil sa mga nagtraydor sa kilusan? Sa kaso ni Edie, naging convenient ang pagpapakamatay niya para ialis sa kamay ng kilusan ang burden ng pagbibigay ng parusang kamatayan. Sa ganito, inalis naman sa kilusan ang karapatan nitong magpataw ng revolutionary justice.
Sa kaso ni Oliver, siya ay nagtraydor sa mga kasama sa ilalim ng tortyur. Marami siyang naipahamak sa mga kasama. Si Azon, tinortyur at ni-rape, wala siyang sinabi hanggang sa iharap sa kanya ang anak at nagsalita na rin siya. Marami ring kasamang napahamak. Hindi naging malinaw ang pagpaparusa kay Oliver. Kung tutuusin, tinulungan pa niya si Dolly na makita si Azon. Sa burol, nakalimutan ang kultura ng pagrespeto sa patay ng mga Pilipino. Nang-heckle ang mga nakikiburol sa pag-alis ni Oliver. Nagmura naman ang daliri ni Oliver bilang ganti.
Si Dolly naman, pinangatawanan ang papel ng pagtatahi ng mga kuwento. Para maikuwento ang kuwento ng Sigwa, kailangan si Dolly. Pero nang matapos ikuwento ang dapat ikuwento, nakalimutan na yata ang motibasyon ni Dolly sa pag-uwi sa bansa at iyon ay ang paghahanap sa kanyang anak. Naging matigas ang kalooban ni Azon at nakita lamang ni Dolly ang kinaroroonan ng anak nang makita niya sa isang nowtbuk na walang ibang nakasulat kundi ang pangalan ng hinahanap na anak at ang address nito. Deus ex machina. Nang mahanap na niya, okey na. Bumalik na lang siya bigla sa Amerika matapos ang tatlumpu’t limang taon na hindi niya nakasama ang anak!
Marami pa sanang posibilidad ang Sigwa kung naging malinaw lang ang pagtatahi ng iba’t ibang aspeto lalo’t napalabas nito ang galing halimbawa sa pag-arte nina Lovi Poe at Pauleen Luna. Nag-iiwan din ng matinding pakiramdam ang huling pagtatagpo ni Cita at Oliver. Sabihin pa, mga babae ang namayani sa pelikula. Babae rin ang naiwang nagtitindig ng makabuluhang pagbabago.
(Panoorin ang video ng Pinoy Weekly sa reaksiyon ng mga artista at personahe sa pelikula.)
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8291














I wish to get a copy of the movie. Any idea where can I get a copy, please help.
thank you,
ernie torres
Toronto, Canada