Diborsiyong ala-Pinoy

Di tulad nina James Yap at Kris Aquino ang mayorya ng mga mag-asawa sa bansa, na kayang suungin ang malaking gastos ng annulment.
Dumaraming bilang ng naghihiwalay
Mula nang pumutok ang isyu ng panukalang batas, dumami ang bilang ng kababaihang nagtatanong sa kanila hinggil sa proseso ng pagdidiborsiyo, ayon sa Gabriela. Di pa kasama dito ang kababaihang humihingi ng tulong-legal sa mga kasong pang-aabusong pisikal at emosyonal, pag-aabandona at panggagahasa.
Sa tala ng Office of the Solicitor General (OSG) noong 2007, aabot sa 800 kaso ng annulment at legal separation kada buwan ang naisasampa sa korte.
Sa Metro Manila pa lamang, may 2,548 kaso na ang naisampa mula Enero hanggang Setyembre ng 2007. At mula 2001 hanggang 2007, nakatanggap ang OSG ng 43,617 kaso ng annulment at legal separation. Sa tala pa ng OSG, Katoliko ang isa o pareho sa mag-asawa sa 92% ng kaso. Umabot sa 8% lamang ang mula sa ibang relihiyon. Kababaihan ang nagsampa ng annulment sa 61% ng mga kaso.
Sa palagay ng Gabriela, dumami ang mga kaso ng annulment o legal separation na isininasampa dahil dumarami rin ang kaso ng pang-aabuso sa kababaihan. Noong 2009, aabot sa 19,000 kababaihan ang biktima ng karahasan sa loob ng pamilya (marital violence). Sa iba’t ibang porma ng karahasan sa kababaihan, pinakamataas ang pambubugbog ng asawa (wife battery) na may 6,783 o 72%, ayon sa Philippine National Police (PNP). Maging ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapagtala ng 1,993 ng kaparehong kaso. Sa mga nakaraang ulat ng PNP, aabot sa tatlo mula sa sampung salarin ng karahasan sa kababaihan ay mga asawa ng mga biktima.
Maaaring konserbatibo pa ang datos na ito, ayon sa Gabriela. Marami kasing kababaihan ang pinipiling manatiling tahimik at tiisin ang kalagayan upang panatilihing buo ang pamilya at makaiwas sa eskandalo, kahihiyan at pagkadungis (stigma).
Agam-agam at pag-asa
Makakatulong ang HB 1799 sa maraming kababaihang nagnanais na lumabas sa mapang-abusong relasyon. Ngunit kuwento ni Lisa (di-tunay na ngalan), isang organisador ng kababaihan sa maralitang komunidad, marami sa hanay ng mga maralita ay nagsasamang hindi kasal. Marami rin ang paiba-iba ang asawa.
Nag-aalala si Lisa na di maging abot-kaya ang diborsiyo sa mga maralita. Hindi rin saklaw nito ang nagsasama nang walang basbas ng gobyerno bilang mag-asawa, o live-in partners.
Iyon namang ilang may karanasan sa diborsiyo sa ibang bansa, may agam-agam na magkaroon ng diborsiyo sa Pilipinas. Isa na rito si Aleta Kuruzawa (di-tunay na pangalan), 50-anyos na nakapag-asawa ng isang Hapones.
Bagamat dumaan silang mag-asawa sa prosesong diborsiyo sa bansang Hapon, di niya tiyak kung puwede ang diborsyo sa Pilipinas. “Sa aking pananaw, hindi ako pabor sa divorce dahil parang napaka-one-sided nito. Sabihin lang na wala nang pagmamahal ’yung isa kaya gusto niyang idiborsiyo ang kanyang asawa. Pero ang totoo ay mayroon siyang ibang gustong pakasalan,” ani Aleta.
May agam-agam si Aleta dahil masalimuot ang pinagdaanan niya sa kanyang asawang Hapones.
Matapos nilang magpakasal sa Pilipinas, hindi ipinarehistro ng asawang Hapones ang kanilang kasal sa Japan. Kinailangan pang pumunta ni Aleta sa Japan bilang turista nang dalawang beses. “(Kalauna’y) magkaroon siya ng ibang babae (o mga babae) na pinag-aawayan namin dahil mas nabibigyan pa niya ng pinansiyal, materyal at panahon ang mga babae niya samantalang ako ay tinitipid nya sa lahat ng bagay,” pagsasalaysay ni Aleta.
Naparehistro ni Aleta ang kasal sa Japan noong 2003, pero mabilis din siyang diniborsiyo ng asawa.
“Na-divorce niya ako kahit walang hearing o pag-uusap na nangyari. Sumulat lang siya sa attorney na nag-handle ng aming kaso at hiniling nya na magbibigay soya ng alimony sa akin sa sandaling pirmahan ko ang divorce paper,” aniya.
Ngunit ayon nga sa mga tagapanguna ng divorce bill, istrikto at may mga mabibigat na kondisyon lamang ang pinapayagang magdiborsiyo. “(Sa panukalang divorce law,) hindi ibibigay ang diborsiyo sa sinumang magkapareha o indibiwal dahil lamang sa kapritso nila,” paliwanag ni Ilagan.
Sasaklawin ng diborsiyo sa HB 1799 ang sumusunod: (1) Ang mag-asawa ay legal na magkahiwalay sa loob ng dalawang taon; (2) Anumang batayan sa legal na paghihiwalay at nagdudulot ng di-maayos at pagkawasak ng relasyong mag-asawa;(3) Kung ang isa o kaya ay parehong mag-asawa ay psychologically incapacitated o di kaya ng sikolohikal na katayuan na gumampan ng obligasyon sa pag-aasawa; (4) Kung ang mag-asawa ay nagdudurusa mula sa di-pagkakaunawaan na nagreresulta sa pagkawasak ng relasyong mag-asawa.
Nakasaad din sa HB 1799 na magiging pantay ang paghahati sa ari-arian ng mag-asawa. At kung walang pagkakakitaan ang isa sa kanila, sa loob ng isang takdang panahon ay susuportahan at tutulungan siya ng may kakayanan sa kanila hanggang magkaroon siya ng hanapbuhay. Ang mga anak ay hindi magiging illegitimate, at maging ang desisyon para sa kustodiya ng mga menor-de-edad na mga anak ay itatakda sa prinsipyong “best interest of the child.”
Lubhang napakasalimuot at kontrobersiyal ng panukalang batas hinggil sa diborsiyo. Ngunit kung idadaan ito sa wasto at tamang diskusyon at palitan ng impormasyon, ang mga katulad ni Vienna, Arleen na matagal nang hiwalay sa kanilang mga asawa ay magkakaroon ng pagkakataong mabuhay nang tahimik at maka-pagpanibagong relasyon muli.
Maging si Aleta na mayroong reserbasyon sa usaping ito ay maaaring maliwanagan sa “Pinoy-style divorce.”
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9023














ir nais ko lang po itanong panu ang maganda kong gawin sa aking dating asawa ngjapan sya at ngasawa dun di kami sinuntentuhan s loob ng 7taon di ko maireklamo dahil sya ay tnt s japan may anak sya sa akin babae umalis sya 1 taon ang bata kasal kami nung una ngpapadala sya pero ng malapit n matapos n kontrata nya sbi nya di n sya mgpapadala dhil uuwi n sya nagulat n lng ako ng wala sya plano umuwi mgtnt n sya dahil wala daw sya ipon 1 lingo bago sya tumakbo dun ko nalaman ang plano yun ang nging dhilan para kmi mgkalayo mga magulang nya siniraan ako pr ang pera sa knila mapunta n brainwash 2003 po yun nawalan kmi kominakasyon gang sa nalaman ko ngsasama n sila ng girl nawalan n ako ng pagasa p mabuo pamilya nmin kaya ngaswa ako pr katuwang sa aking anak humihingi kami sustento s kany pr s anak nya pero ang sabi mgbibigay lang kung dun mgstay ang bata sa kanila side ayaw ng bata dahil pg andun sya kung anu anu sinsabi against sa akin at sinasaktan ng tita nya kaya kahit kapos di ko na dinadala dun pr di na masaktan at mguluhan anak ko ,ngkaanak ako s pangalawa kong asawa ngkaroon kmi ng dhilan para mgusap ng xhusband ko na yung bahay na binili nya na nung kami ayngsasama pa ay ipangalan na lng sa anak nya pr di kawawa pg dting ng panahon ang sabi nya wag ko sya turuan chineck ko s assesor kung nasa pangalan p nmin 2 pero wala n yun di ko alam panu nawala … at nalaman ko n lng uuwi sya dahil kinakasama nya s japan ay manganganak pinasundo nya anak ko pr makita pinayagan ko pero 9 na taon di sila ngkita ang binigay kanya ng ama nia 1000 pesos at 1 bag 2 sapatos at notebook pgkatapos umalis na umuw s lugar ng kinakasama nya dahil dun napatunayan ko wala sya amor sa anak ko kaya pumayag ako na magsama cla kahit ayw ng anak ko pr mapaganda ang kinabuksan pero iiwan nya lng s mga nany nya sya ay dun titira s kinakasama nya di puamayag anak ko n ganun mangyri umuwi sakin tinangap ko ng buong pusoang anak ko sabi ng ama nya pg umuwi sya sakin kahit kelan di na sya bibigyan p ng pera o khit anung tulong nung una ayw ko mniwala sa anak ko n kaya nya sbihin yun pero ngbirthday anak nya natiis nya kaya ngyon gusto po sana malaman may karapatan po ba ang anak ko sa pera ng kanyang ama panu po gagwin ko ngjapan sya may pera marami lupa pero di nkpangalan sa kanya dhil tatay nya ay mautak alam n mghahabol ako pg nkapangalan s dati ko asawa tulungan nyo po ako salamat
nais ko lang po magtaong at maliwanagan , hiwalay na po ako sa aking asawa mahigit 20 na taon na po walang communication at may kanya2x na po kaming kinakasama..bagamat kami legal na kasal hindi kami nakasal ng kasalukoyan kung kinakasama,ang tanong ko po may pag-asa pa po ba ako maisakasal muli na hindi na idadaan sa tinatawag ntin legal separation wala po akong malaking halaga para sa ganong proceso…kng may pag-asa pa po ano po ang mga kailangan saan ako pwedeng lalapit.