Pinoy Weekly

Kapalpakan ng gobyernong Aquino, pinagbabayaran ng Pilipino

Pakikiisa ng mga Pilipino sa Hong Kong sa mga mamamayan ng naturang bansa: Si Eman Villanueva ng United Filipinos in Hong Kong o Unifil (kaliwa), kasama sa press conference si Elizabeth Tang ng Hong Kong Federation of Trade Unions. (Kontribusyon)

Pakikiisa ng mga Pilipino sa Hong Kong sa mga mamamayan ng naturang bansa: Si Eman Villanueva ng United Filipinos in Hong Kong o Unifil (kaliwa), kasama sa press conference si Elizabeth Tang ng Hong Kong Federation of Trade Unions. (Kontribusyon)

Payo ng lider-migrante sa mga OFW na kinokompronta ng kanilang mga among Intsik hinggil sa hostage taking, “maging cool” at laging alalahanin ang kanilang mga karapatan.

“Hindi obligado ang ating mga OFW na depensahan ang isang malinaw na kapalpakan ng gobyerno. Sa halip, dapat ipaliwanag nilang kasama sila sa mga mamamayan ng Hong Kong sa pagkondena at paghingi ng hustisya sa gobyernong Aquino,” aniya.

Sa misang inihandog ng mga OFW para sa mga biktima ng hostage taking kahapon, malinaw na ito ang mensaheng kanilang ipinaaabot. Positibo rin ang pagtanggap dito ng mga mamamayan ng Hong Kong.

Ngunit hindi maasahang tuluyang mapipigilan nito ang panghaharas at diskriminasyon. Sa karanasan ni Rose, hindi madaling paliwanagan ang mga among dati nang masama ang pagtrato sa kanila. Aniya, “Lalo pa silang nagagalit ang kapag sinusubukan mong sumagot o magpaliwanag.”

Sa ngayon, walang pagpipilian si Rose kundi muling itaya ang kanyang sariling kaligtasan sa Hong Kong, dahil sa kawalan ng trabaho sa Pilipinas.

“Sana lang ay bigyan kami ng gobyerno ng proteksiyon, sa mga kaapihang kakaharapin pa namin sa darating na panahon. Ang problema sa gobyerno, hindi ito nakakapagpatupad ng mga batas para proteksiyunan ang mga nasasaklawan nito, sa loob man o sa labas ng bansa,” aniya.

Para naman sa Migrante at Unifil-HK, isa lamang ang makakapagsiguro ng kaligtasan ng mga OFW sa Hong Kong: ang hustisya para sa mga biktima ng hostage taking, sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga may-sala, kabilang si Benigno Aquino III bilang pangulo at commander in chief ng pumalpak na pulisya.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9068

Posted by on Aug 27 2010. Filed under Istorya ng Linggo, Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

3 Comments for “Kapalpakan ng gobyernong Aquino, pinagbabayaran ng Pilipino”

  1. grabeh na talaga ang kahihiyan sa ating bansa,,,imbes na mag sisihan,harapin nlng ang problema!

  2. edgardo m. suerte

    Mga KABABAYAN ko mag hunos-dili muna tayo, kung ano man ang nangyari nitong Aug,23 hostage bloodbath, hindi yan ang pangkabuohang basihan para ikundina ang bagong administrasyon, alalahanin natin na kauumpisa pa lang nito,at kung ano man ang kapalpakan ng mga pulis na nag rescue sa hostage event hindi hindi pa ito hubog ng bagong administrasyon ito ay saklaw pa ng kalilipas na rehimen, kaya’t itong pangyayari ay sana maging daan lamang para sa panawagan ukol sa ikapagbabago ng hustisya nitong ating naghihingalong economiya ng ating bansa. hangga’t hindi nawawala ang crooks in government (esp. military personnel)(hindi ko nilalahat, alam ko maraming tapat at ulirang mga tao dito, as saying goes, “ONE ROTTEN TOMATO DESTROY THE WHOLE BASKET”) malamang wala rin tayong aasahang babangon tayo mula sa pagiging isang hinihamak na estado.
    Kaya ang panawagan ko sa ating mga KABABAYAN ngayon, ang sisihan ay iwasan na, ang pangyayari hindi sinasadya ng boung bansang pilipino, kung may dapat tayo ihingi ng tawad sa ibang lahi, iyan marahil ay bunga ng kasalanan ng ilan lamang.

  3. Lyn Belandres

    …sa mga pangyayaring naganap isa lang ang dapat nating gawin, kailangan nating magsaludo tanda ng pagdadalamhati para sa mga pamilyang bitikma ng trahidya o kahit tanda pa ng hahihiyan. WE have to accept the fact hand-in-hand…..pinoy pa rin tayo.

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes