Pinoy Weekly

Kapalpakan ng gobyernong Aquino, pinagbabayaran ng Pilipino

Nakiisa ang Migrante International sa paghangad ng hustisya sa mga biktima ng hostage crisis sa Manila noong Agosto 23. Pinangangambahan din nila ang balik sa mga OFW sa HK ng palpak na pagresolba ng gobyernong Aquino sa krisis. (Kontribusyon)

Nakiisa ang Migrante International sa paghangad ng hustisya sa mga biktima ng hostage crisis sa Manila noong Agosto 23. Pinangangambahan din nila ang balik sa mga OFW sa HK ng palpak na pagresolba ng gobyernong Aquino sa krisis. (Kontribusyon)

Pinagbabayaran ngayon ng mga migranteng Pilipino ang kapalpakan ng gobyernong Aquino III sa hostage crisis kamakailan na ikinasawi ng walong Hong Kong nationals at umani ng pandaigdigang pagkondena.

Sa inisyal na mga ulat na natanggap ng United Filipinos in Hong Kong (Unifil-HK), alyansa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong, nagsisimula na ang panghaharas at diskriminasyon laban sa mga Pilipino bunga ng galit ng mga residente ng Hong Kong sa malagim na krimen.

Terminasyon ng kontrata, pang-aalimura

“Sa totoo lang, santambak ang mga dumadating sa amin na mga impormasyon. May termination ng contract, may sinigawan daw, may dinuraan daw sa tram at bus,” sabi ni Eman Villanueva, pangkalahatang kalihim ng Unifil-HK, sa isang e-mail sa Pinoy Weekly. Gayunpaman, kinukumpirma pa ng nasabing grupo ang mga impormasyong nagmula sa kanilang mga miyembro, karamihan ay mga domestic helper.

Sa isang press conference kahapon pagkatapos ng misa ng pakikiramay sa mga biktima at pagkondena sa gobyernong Aquino ng mga OFW, sinabi ni Villanueva na may isang kumpirmadong kaso ng pagsibak sa isang Pilipinong domestic helper na direktang maiuugnay sa hostage taking.

Tinatayang may 200,000 Pilipino na nagtatrabaho sa Hong Kong.

Nakatanggap naman ng ulat ang Asian Human Rights Commission (AHRC), grupong pangkarapatang pantao na nakabase sa Hong Kong, na may isang Tsinong taga-Hong Kong ang sumigaw sa publiko sa isang erya sa Kowloon Tong, “We employ them (Filipinos) in our homes and they murder us in their homes.”

Idiniin ng AHRC na hindi dapat magdulot ang trahedya ng awayan sa pagitan ng mga nasyunalidad.

Pero ayon kay Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International, isang malungkot na reyalidad na posibleng sinasalo ng mga OFW ang galit ng mga mamamayan ng Hong Kong sa nangyari noong Agosto 23.

“Ang lahat ng gawin ng gobyerno na may epekto sa ibang bansa gaya ng Hong Kong, may retaliation ‘yan sa mga Pinoy, dahil sila ‘yung nandoon,” aniya sa panayam ng Pinoy Weekly.

Kahapon, nakatanggap ang Migrante ng reklamo mula sa isang OFW sa Hong Kong na may among pulis. Habang pinapalabas umano sa telebisyon ang hostage taking, ipinatawag ang Pilipinong domestic helper ng kanyang amo at sinabihang “Manood ka nang makita mo kung gaano ka-estupido ang inyong mga pulis,” at saka nagbitiw ng iba pang pang-aalimura, kuwento ni Martinez.

Para naman kay Rose Ordoño, 31, at nagtatrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong simula noong 2006, bago pa man ang hostage taking, masama na ang pagtrato ng maraming among Tsino sa kanila. Nilayasan ni Rose ang kanyang unang tatlong amo dahil sa samu’t saring kaapihan, mula sa hindi pagpapasuweldo ng tama at pang-aalimura hanggang sa pisikal na pananakit at sexual harassment.

“Ang sabi ng dati kong amo sa akin, ang mga Pilipino patay-gutom daw,” aniya sa panayam ng Pinoy Weekly.

Kasalukuyang nagpapa-renew ng pasaporte si Rose sa Pilipinas, pero balak niya muling bumalik sa Hong Kong pagkakuha nito. Ngunit dahil sa madugong hostage taking, mas marami kaysa dati ang kanyang agam-agam.

“Baka ‘yung employer na mahanap ko, sa akin ibunton ang kanyang galit. Hindi kami ang dapat magsakripisyo para sa ginawa ng pulisya,” sabi ni Rose.

Hustisya at pagpapanagot kay Aquino

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na naapektuhan ang mga OFW sa isang tinataguriang maling hakbang ng gobyerno. Ayon kay Martinez, nakaranas din ng panghaharas at diskriminasyon ang mga Pilipino sa Middle East nang magdeklara ng suporta si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa giyerang agresyon ng Estados Unidos sa Iraq.

“May mga natanggap kami na reklamo noon kung saan kinokompronta o sinisisi ng mga Arabo ang mga Pilipino para doon sa ginawa ng gobyernong Arroyo,” kuwento ni Martinez.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9068

Posted by on Aug 27 2010. Filed under Istorya ng Linggo, Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

3 Comments for “Kapalpakan ng gobyernong Aquino, pinagbabayaran ng Pilipino”

  1. grabeh na talaga ang kahihiyan sa ating bansa,,,imbes na mag sisihan,harapin nlng ang problema!

  2. edgardo m. suerte

    Mga KABABAYAN ko mag hunos-dili muna tayo, kung ano man ang nangyari nitong Aug,23 hostage bloodbath, hindi yan ang pangkabuohang basihan para ikundina ang bagong administrasyon, alalahanin natin na kauumpisa pa lang nito,at kung ano man ang kapalpakan ng mga pulis na nag rescue sa hostage event hindi hindi pa ito hubog ng bagong administrasyon ito ay saklaw pa ng kalilipas na rehimen, kaya’t itong pangyayari ay sana maging daan lamang para sa panawagan ukol sa ikapagbabago ng hustisya nitong ating naghihingalong economiya ng ating bansa. hangga’t hindi nawawala ang crooks in government (esp. military personnel)(hindi ko nilalahat, alam ko maraming tapat at ulirang mga tao dito, as saying goes, “ONE ROTTEN TOMATO DESTROY THE WHOLE BASKET”) malamang wala rin tayong aasahang babangon tayo mula sa pagiging isang hinihamak na estado.
    Kaya ang panawagan ko sa ating mga KABABAYAN ngayon, ang sisihan ay iwasan na, ang pangyayari hindi sinasadya ng boung bansang pilipino, kung may dapat tayo ihingi ng tawad sa ibang lahi, iyan marahil ay bunga ng kasalanan ng ilan lamang.

  3. Lyn Belandres

    …sa mga pangyayaring naganap isa lang ang dapat nating gawin, kailangan nating magsaludo tanda ng pagdadalamhati para sa mga pamilyang bitikma ng trahidya o kahit tanda pa ng hahihiyan. WE have to accept the fact hand-in-hand…..pinoy pa rin tayo.

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes