Mga Larawan: P-Noy, siningil sa pangakong ipamahagi ang Hacienda Luisita

May tinatayang 15 lider-magsasaka ang pinayagang makapagprotesta nang ilang minuto sa harap ng Korte Suprema. Kabilang dito ang 70-anyos na si Felix Nacpil, tagapangulo ng Ambala (Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita). Hiniling nila sa korte na katigan ang desisyon ng Presidential Agrarian Reform Council noong 2005 na ipawalang-bisa ang stock distribution option at ipamahagi ang lupa. (Macky Macaspac)

Yellow ribbon na may mga patak ng dugo: Iyan ang simbolong ipinalalaganap ng progresibong mga grupo para ipaalala sa publiko ang masaker sa Hacienda Luisita noong 2004 na kumitil sa buhay ng pitong magsasaka, na hindi pa napapanagutan ng pamilya Cojuangco-Aquino. (Darius Galang)

Ang anak ni Frederico Laza ang isa sa mga namatay sa masaker. Para ipakitang hindi sila titigil sa paghahanap ng hustisya, pinutol niya at ng iba pang magsasaka ang mga tubo na mula sa asyenda, na simbolo ng kanilang pang-aalipin. (Macky Macaspac)

Hinintay ng mga magsasaka at kanilang mga tagasuporta na matapos ang pagdinig, na tumagal hanggang pasado alas-siyete ng gabi. Muli silang babalik sa ikalawang pagdinig na itinakda ng korte sa Martes, Agosto 24, para muling iparating ang kanilang tindig sa repormang agraryo, isa sa pinakamainit na isyung kinakaharap ng administrasyong Aquino. (Macky Macaspac)
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8914














[...] This post was mentioned on Twitter by Pheng Mondragon, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Mga Larawan: P-Noy, siningil sa pangakong ipamahagi ang Hacienda Luisita http://bit.ly/8ZXmL5 [...]
bakit ganon sini sisi ng pilipino ang goberno eh tayo din naman gumagawa ng kahirapan dapat may balance tayo sa gastusin
eh ang gubyerno na dapat magsilbi sa magsasaka at mamamayan ay siya pang nagpapahirap sa kanila.
mahirap gawin ng mga manggagawang bukid ang mag-balance kung wala silang ibabalance bunga ng stock distribution option (sdo). dapat nating tandaan na kanila ang 6,453 ektaryang lupa ngunit sila ang naghihirap samantalang ang mga cojuangco-aquino ang nagpapasasa.