Tampok sa kilos-protesta sa Korte Suprema ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita na nakatanggap lamang ng piso kapalit ng compromise agreement, at nagsasabing sinungaling si Pangulong Aquino.
Hindi na mapapasubalian pa ang impluwensiya ni Lino Brocka sa ating kamalayan sa showbiz. Mula sa mga peryodistang pampelikula hanggang sa mga filmmaker ay talagang inspirasyon siya. Kabilang sina Icy Salem, kilala rin sa tawag na Lady Ann Salem, sa mga nagtatag ng isang samahan at proyekto na nagbibigay-pugay kay Lino at sa sining na [...]
Aug 19 2010 | Posted in
Showbiz |
Read More »
Barya-barya ang naging kapalit ng pagpirma ng mga dating manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita sa compromise agreement. Marami na ang nagsisisi, at napagtatantong niloko silang muli ng pamilya Cojuangco-Aquino.
Nasa 92 na ang bilang ng tinanggal na manggagawa ng ABS-CBN, pinakahuli ang mula sa News and Current Affairs Department. Pinakain muna sila ng manedsment sa mga mamahaling hotel bago ihatid ang masamang balita.
Aug 17 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Matapos ng halos isang buwan, saka ko lamang napanood ang Inception (2010), ang sci-fi na pelikula ni Christopher Nolan at pinagbidahan ni Leonardo Dicaprio. Boxoffice hit ang pelikula ng ilang linggo, at lahat ng kakilala ko ay pinupuri ang pelikula. Ito ang pressure sa panonood ng pelikula. Kailangang mapanood nang kabilang sa usap-usapan hinggil sa pelikula. Kundi, outsider ang turing, loser at di hip.
Aug 16 2010 | Posted in
(Kolum),
Pasintabi |
Read More »
Napanatili ni Donnie Nietes ang kanyang korona bilang kampeon ng World Boxing Organization minimum weight laban kay Mario Rodriguez. Matagumpay ang ikaapat na pagdedepensa ng tubong Murcia, Negros Occidental na boksingero. Ikatlong depensa ito ni Nietes na ginanap sa Mehiko – naunang mapagwagian ni Nietes ang kanyang laban kontra kina Erik Ramirez at Manuel Vargas. [...]
Aug 15 2010 | Posted in
Sports |
Read More »
Gamit ang 105mm Howitzer cannons at mga eroplanong paniktik at pambomba, naglunsad ang apat na dibisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng isang malawakang opensibang militar laban sa mga New People’s Army (NPA) sa limang rehiyon sa Mindanao kung saan may presensiya ang mga rebelde. Sa isang pahayag noong Agosto 13, sinabi ni [...]
Aug 15 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
May birong hindi nakakatawa sa maraming paaralan: Ang wikang Filipino raw ay pang-kubeta na lang.
Aug 15 2010 | Posted in
(Kolum),
Konteksto |
Read More »