Nasaan ang ‘daang matuwid’ sa pagsasapribado?
Ipinangako ni Noynoy ang pagwaksi sa korupsiyon sa burukrasya ng gobyerno. Pero bakit tila mga ordinaryong kawani ang tinatamaan?
Ipinangako ni Noynoy ang pagwaksi sa korupsiyon sa burukrasya ng gobyerno. Pero bakit tila mga ordinaryong kawani ang tinatamaan?
Ilalatag ko ang baraha ko: Ang totoo, mas malinaw at mas kagyat ang pagkagustong naramdaman ko matapos mapanood ang pelikulang Dukot kaysa matapos mapanood ang pelikulang Sigwa. Hindi maiiwasan ang maghambing, sa tingin ko, dahil pareho silang gawa ng tambalang Joel Lamangan sa direksyon at Bonifacio Ilagan sa panulat, progresibo ang paksa at tema, at nagsangkot ng mga artista sa pelikulang mainstream.
Kuwento ng pakikipamuhay ng mga guro ng Unibersidad ng Pilipinas sa piling ng mga magsasaka sa Hacienda Yulo, na pilit na pinaaalis sa lupang matagal na nilang nililinang.
Ebolusyon ang pagpailanglang, pagdaloy ng bagong dugo sa isang larangan at ang paglalaho o pagkatibag ng mga nakaraang moog. Ito ang batas ng kalikasan. Kahiman at ito ang proseso ng buhay, may inihahabilin at ipinamamanang mga ideya at kaisipan ang mga bantayog sa mga sariwa at lumilikha pa ng landas na tatahakin para patatagin ang [...]
Makailang ulit na akong napadaan sa Hacienda Luisita mula sa bagong superhighway. At totoo namang nakakasindak na ang hacienda ay kinabibilangan ng mall, golf course, special economic zone, mamahaling subdibisyon, at libo-libong hektarya ng tubuhan at asukarera.
Hindi na bago sa inyo ang kuwento ng isang kompanyang gusto nang tapusin ang panunungkulan ng kanyang mga empleyado. Marami na tayong tinalakay na kontrobersiya kaugnay nang pagtanggal ng kompanya ng mga manggagawa. Ngunit maaaring bago sa inyo ang kuwento ng isang manggagawa na gusto nang umalis sa kompanya ngunit ayaw pa ring bitawan ng kompanya. Ito ang nangyari sa nakaraang kontrobersiya kaugnay ng malawakang pagbitiw ng mga piloto ng Philippine Airlines (PAL).
Noong komisyoner ng CHR si Leila de Lima, nasaksihan niya ang mga testamento ng paglabag sa karapatan ng Morong 43. Ngayong sekretaryo na ng DOJ, inutusan niya ang isang tagausig na huwag nang tutulan ang mosyon sa korte na mapalaya sa isa sa detinidong health workers at kanyang bagong panganak na sanggol. Pero tutol ang tagausig.
May malaking bentahe sa pagtatrabaho sa gobyerno. Ayaw mong maniwala? Lumalabas sa datos ng Commisson on Audit (COA) na may ilang pinagpalang kumita nang milyon-milyon. Noong 2009, halimbawa, ang sahod raw si Armand Arreza, administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ay umabot ng P26.9 milyon. Kung totoo ang datos ng COA, lumalabas na siya ang may pinakamataas na suweldo sa pamahalaan noong 2009.