Pinoy Weekly

Panibagong panlilinlang sa loob ng asyenda

TUNAY NA MAGSASAKA AT LIDER. Inabutan ng Pinoy Weekly si Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union, habang nagbubungkal ng lupa, gamit ang hand traktor na bigay  ng  mga grupong sumusuporta sa kanilang laban. (Macky Macaspac)

TUNAY NA MAGSASAKA AT LIDER. Inabutan ng Pinoy Weekly si Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union, habang nagbubungkal ng lupa, gamit ang hand traktor na bigay ng mga grupong sumusuporta sa kanilang laban. (Macky Macaspac)

Samantala, aminado ang ibang magsasaka na pumirma sila dahil wala silang kabuhayan. Kabilang dito si Evelyn (di tunay na pangalan) ng Brgy. Cutcut, na pumirma dahil wala umano silang pambili ng bigas. Ni hindi niya maipaliwanag kung ano ang pinirmahan niya, basta’t pumirma siya kapalit ng mahigit P1,000 lamang.

Ayon naman kay Leonarda Halili, manggagawang-bukid na kasapi ng ULWU, marami sa kanyang kapitbahay ang nagsisisi sa pagpirma dahil sa pawang ipinagpalit na rin nila ang kanilang karapatan sa lupa sa kaunting halaga. Ang mga ito ay kasamang pupunta ni Halili sa Maynila sa pagdinig ng Korte Suprema sa Agosto 18 para ipakita ang kanilang protesta.

Matigas naman ang loob ni Halili na hindi siya pipirma sa kasunduan kahit gaanong kalaking halaga, dahil mas mahalaga sa kanya ang pagkakaroon ng lupa. Kabilang siya sa mga nabiyayaan ng “bungkalan,” o okupasyon ng halos 1,000 ektarya ng asyenda na inorganisa ng mga magsasaka matapos ang masaker.

‘Nasaan ang matuwid na daan?’

Masama rin ang loob ni Halili kay Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III, na kabilang sa angkan na nagmamay-ari ng Hacienda Luisita, dahil “nagbibingi-bingihan” at “naghuhugas-kamay” umano ito sa usapin ng asyenda.

Binatikos na ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pananahimik ni Pangulong Aquino sa naturang usapin. Ayon kay Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng KMP, hindi katanggap-tanggap ang pananahimik ni Aquino dahil pundamental na isyu sa bansa ang repormang agraryo.

Isang dating manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita na hindi pabor na bumalik sa kanilang kalagayan bago ang welga at masaker noong 2004. (Macky Macaspac)

Isang dating manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita na hindi pabor na bumalik sa kanilang kalagayan bago ang welga at masaker noong 2004. (Macky Macaspac)

“Anong klaseng pangulo siya kung hindi niya maaksiyunan ang mahahalagang isyu tulad ng sa Hacienda Luisita? Kabilang siya sa Cojuangco-Aquino, at ang kanyang angkan ay patuloy na nanlilinlang sa mga manggagawang-bukid, tulad na lamang ng kanilang ginawa noong 1989, tapos ay tahimik lamang siya? Kailangan namin ng repormang agraryo at kailangan namin siya para makipaglaban para dito, hindi para itikom ang kanyang bibig at manood lamang na parang walang nangyayari,” wika pa ni Ramos.

Hinahanap naman ni Halili an ‘matuwid na daan’ na ipinangako ni Pangulong Aquino noong panahon ng kampanya. “Ano’ng matuwid sa pagkakait sa amin ng lupa? Ano ang matuwid sa panlilinlang ng kanyang angkan sa aming manggagawang-bukid?,” tanong niya. Biro niya pa, ang SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway) lamang ang ‘matuwid na daan’ na makikita sa asyenda. Ang SCTEX ang expressway na itinayo gobyerno sa humiwa sa mga tubuhan. Ani Halili, hindi rin sila nabahaginan sa kinita ng asyenda nang bayaran ito ng gobyerno para maipagawa ang naturang highway.

Sa kabila ang ganitong iskema, kalakhan pa rin ng mga manggagawang-bukid sa asyenda ang nagnanais na mapasakanila ang lupang talaga namang kanila. Sa Brgy.Asturias, ang barangay na pinaninirahan ni Ka Lito sa loob ng mahabang panahon, mas mainam na – gaano man kahirap dahil sa kawalang suporta ng gobyerno at patuloy na presyur mula sa pamilya Cojuangco-Aquino – ang pagsasaka sa bungkalan, kaysa bumalik sa kanilang kalagayan sa ilalim ng SDO.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8896

Posted by on Aug 18 2010. Filed under Istorya ng Linggo, Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes