Pinoy Weekly

Potograpiya at adbokasiya

Kuha ni Rick Rocamora sa Guinea, isa sa pinakamahirap na bansa sa South Africa

Kuha ni Rick Rocamora sa Guinea, isa sa pinakamahirap na bansa sa South Africa

Isang halimbawa si Rocamora ng bukod-tanging mga potograpo na aktibong lumalahok sa isyu at adbokasiya ng kanilang mga dinodokumento. Halimbawa, tumulong si Rocamora na itulak sa Kongreso ng US ang pagsasabatas ng Equity Bill para bigyan ng karampatang pagkilala at benepisyo ang mga Pilipinong beterano ng giyera.

Pinatotohanan ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International at isa sa mga dumalo sa talakayan, na maraming mga istorya at isyu ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na mahalagang maidokumento at maging adbokasiya ng mga potograpo.

Kabilang sa mga ipinakita ni Rocamora ang mga litrato sa Bethune House, isang refugee center para sa inabusong mga OFW na itinayo ng mga grupong migrante sa Hong Kong.

Bilang pangwakas, pinasalamatan si Rocamora ni Ilang-Ilang Quijano, executive director ng PinoyMedia Center. Hinikayat niya ang iba pang mga documentary photographer na gamitin ang kanilang kasanayan para maglingkod sa mga sektor na hindi gaanong binibigyang-pansin ng mainstream media, gaya ng mga manggagawa, magsasaka, OFW, maralitang lungsod, kababaihan, katutubo, at iba pa.

Ang PinoyMedia Center ay isang non-government organization na itinayo ng mga mamamahayag ng Pinoy Weekly. Layon nitong paunlarin ang grassroots-based media at tumulong sa iba’t ibang organisasyon na epektibong maipaabot sa mas malawak na publiko ang kanilang mga isyu at adbokasiya.

Bisitahin ang With Passion and Purpose: Documentary Photography by Rick Rocamora

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9121

Posted by on Aug 30 2010. Filed under Kultura. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

2 Comments for “Potograpiya at adbokasiya”

  1. Lindley Agustin

    Hi! I’m a second year journalism student from UP College of Mass Communication. This is for our requirement in one of our major subjects.

    I would like to know what time the forum was held. Please reply to this comment, or email the response to me. Thank you.

  2. wow! astig! sana marami pa pong aktibidad na ganyan sa UP (although hindi ako naka-attend dahil ‘di ko alam)….

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes