Pinoy Weekly

Reaksiyon sa SONA ni Noynoy, mula sa kanyang mga ‘boss’

Pres. Noynoy Aquino, noong kanyang unang State of the Nation Address. (Boy Bagwis)

Pres. Noynoy Aquino, noong kanyang unang State of the Nation Address. (Boy Bagwis)

Kinalap ng Pinoy Weekly ang pahayag ng mga lider ng iba’t ibang sektoral na organisasyon, matapos ang mismong State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III. Lahat sila, inihayag ang matinding diskuntento kapwa sa mga sinabi ni Aquino at sa mga hindi niya sinabi.

Nandiyan ang pagpokus sa mga anomalya ng nakaraang administrasyon, ang mga pahayag na nasugpo na raw ang 50 porsiyento ng mga “ekstralegal” na pamamaslang, at siyempre, ang mga plano sa ekonomiya na tila wala namang pagbabago sa nakaraang mga rehimen. Kabilang naman sa mga napunang hindi pagbanggit ang mahahalagang isyu ng mga mamamayan, mula sa repormang agraryo, kalagayan ng mga overseas Filipino workers, hanggang sa usapin ng sahod, trabaho, at karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

Elmer Labog, tagapangulo, Kilusang Mayo Uno: “Sinabi ni Pang. Noynoy Aquino na maaaring mangarap na muli ang mga Pilipino. Pero paano mangangarap ang mga manggagawa sa (dagdag-sahod na) P15 at P21? Matagal nang nangangarap ang mga manggagawa ng sapat na pagkain. Kakarampot lamang ang mga halagang ito at walang pinagkaiba sa mga ibinigay ng rehimeng Arroyo noong nakaraang siyam na taon, isang indikasyon na walang bago sa polisiya ni Aquino sa sahod.”

Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas: “Ito ang pagbabagong sinasabi ni Aquino: pagtanggi sa reporma sa lupa bilang lehitimong isyu, pagtakas sa siglo-nang-problemang walan ng lupa (sa mga magsasaka), at pag-iwas-pusoy sa isyu ng Hacienda Luisita at iba pang mga asyendang kontrolado ng mayayaman at makapangyarihang mga panginoong maylupa… Umasa na kami na parang ganito (ang magiging SONA ni Aquino), lalo na nang manahimik siya hinggi sa isyu ng lupa sa kanyang inaugural speech. Bukod dito, alam nating lahat na bahagi siya ng makapangyarihang angkan ng mga panginoong maylupa na mga Cojuangco-Aquino.”

George San Mateo, pangkalahatang kalihim ng Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston): “Dismayado kami at nalulungkot, dahilan sa hindi namin narinig ang kahilingan namin ang dalawang punto na aming kahilingan. Una, na ang  pagbasura o pagrepaso sa oil deregulation at E-VAT (expanded value-added tax) sa langis.  Noong Hulyo 15, nakipag-usap kami sa Malakanyang, at  naihapag namin ang kahilingang ito. Pangalawa, ‘yung pagtaas ng toll fee sa SLEX (Southern Luzon Expressway) ng 25% maliban pa dito ang pagtaas ng E-VAT sa lahat ng toll fee magmula Agosto 16.  Nakakabahala din ang public-private partnership na sinabi niya, para sa amin nangangahulugan yan na iaasa niya ang pagmantine sa public utility (tulad ng mga kalsada, tubig, kuryente, atbp.). Ibig sabihin, tataas ang halaaga ng mga utilidad na ginagamit natin.”

Sa pamamagitan ng bidyo, nakuha rin namin ang reaksiyon ng mga lider ng Gabriela, Kabataan Party-list, Migrante International, at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).


Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International


Vencer Crisostomo, pangkalahatang kalihim ng Kabataan Party-list


Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela


Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8524

Posted by on Aug 2 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

2 Comments for “Reaksiyon sa SONA ni Noynoy, mula sa kanyang mga ‘boss’”

  1. L. Mabansag

    Hindi madaling baguhin ang ating presenteng katayuan ng pamahalaan. na sa loob lamang ng anim na taon masasabi natin wala ng mahihirap. Parang hindi yata tama na walang mahirap puro mayaman ang mga Pilipino, suntok sa buwan ang pina kakaasam ng ibang progressinbong organisasyon. Sabi nga ng tiyoriya ni Aristotle, ang aydiyal na bansa dapat kunti ang mahirap at kunti din ang mayaman.

    Sa aking pananaw, ang pag akyat ng ating ekonomiya, ang paglago nito, at pagbabago ng pangkalahatang kabuhayan, ang sa Presidente ay pag lagay sa ating ng daan tongo sa landas na ating inaasam. Ang kanyang kasalukuyan mga hakbang at programa kung tama ba? sa aking ay maganda naman basta lamang dapat mabawasan ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, kung puede lamang mawala at tuluyan ng mabago ang sistema na nagbibigay ng daan sa mga tao ng pamahalaan na magnakaw.

  2. pproletaryado

    ang pagbabagong ito ay mga ilusyo hanggat ang lipunan ay hindi nababago mula sa MALA-KOLONYAL AT MALA-PYUDAL tungo sa SOSYALISMONG may perspektiba, at kung tutuusin ang mga solusyon sa bawat sektor ang dapat marinig sa SONA ni P-NOY,lalo na sa sektor ng edukasyon na nananatiling KOLONYAL, KOMERSALISADO, PASISTA, AT ELITISTA ang porma nito, dahil nananatiling tayo ay kontrolado ng dayuhan, KAYA ANG PAGBABAGO AY WALA SA INDIBIDWAL KUNDI SA SAMA-SAMANG PAGKILOS AT PAGLABAN laban sa imperyalistang estados unidos, ISULONG ANG PAMBANSA,SIYENTIPIKO AT MAKAMASANG ORYENTASYON ng edukasyon, makibaka para sa pambansang demokrasya….

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes