Pinoy Weekly

Nang isalang sa Korte Suprema ang deka-dekadang pagsasamantala

Mga abogadong kalahok sa oral arguments kaugnay ng Hacienda Luisita at stock distribution option, sa Korte Suprema noong Agosto 18.

Mga abogado ng HLI na kalahok sa oral arguments sa Korte Suprema kaugnay ng stock distribution option, noong Agosto 18. (Ilang-Ilang D. Quijano)

Gayunpaman, nang hanapan sila ng mga husgado ng mga dokumento na nagpapatunay na nabayaran ng HLI ng kabuuang P37.5 Milyong halaga ng shares of stock ang mga magsasaka mula 1989 hanggang 2004, walang kagyat na maipakita ang abogado. Isusumite na lamang umano nila ito sa korte sa susunod.

Ipinababasura ng HLI sa Korte Suprema ang kautusan ng PARC na ipawalang-bisa ang SDO dahil ayon sa kanila, wala itong kapangyarihan para maglabas ng ganoong kautusan. Simple lamang ang naging obserbasyon at tugon ng mga husgado: Naipatupad ang SDO dahil inaprubahan ito ng PARC, kaya’t may kapangyarihan din ang PARC na ipawalang-bisa ang SDO, lalo at kung hindi naipatupad nang tama ang nasabing iskema. Lumabas sa pagdinig na ni walang certificate of compliance na ibinigay ang PARC sa HLI. Ipinunto pa ni Associate Justice Diosdado Peralta na naging aktibo ang HLI sa mga pagdinig ng PARC at kinilala ang kapangyarihan nito hinggil sa mga usapin sa asyenda, bago ang desisyon noong 2005. “You participated actively in the hearings until there was this decision that you didn’t like,” ani Peralta.

Ang mag-asawang Atty. Christian Monsod (kaliwa) at Prop. Solita "Winnie" Monsod, na kapwa sumusuporta sa laban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita. (Ilang-Ilang D. Quijano)

Ang mag-asawang Atty. Christian Monsod (kaliwa) at Prop. Solita "Winnie" Monsod, na kapwa sumusuporta sa laban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita. (Ilang-Ilang D. Quijano)

Samantala, sa pagsalang ng abogado ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) na si Atty. Anacleto Diaz, lumitaw ang mga transaksiyong pinasok ng pamilya Cojuangco-Aquino para kontrolin ang lupa ng mga kompanyang pag-aari rin nito o di kaya’y ibenta ang lupa sa iba pang mga kompanya.

Napasakamay ng RCBC ang 300 ektarya ng asyenda bilang kabayaran sa utang ng Luisita Industrial Park Corp. (LIPCO), na nagtayo ng Luisita Industrial Park. Ayon kay Diaz, hindi maaaring bawiin ang lupa ng RCBC dahil hindi nito alam na kuwestiyunable ang karapatan sa lupa ng LIPCO, at na ang bangko ay isang purchaser in good faith o walang malisya nang tanggapin ang lupa bilang collateral. Pero ayon kay Associate Justice Lucas Bersamin, “The problem of HLI is public. Everyone knows that this land is beset with problems, and you allowed yourself credit to LIPCO. Is that in good faith?” Lalong hindi makapaniwala ang mga husgado na “inosente” o “biktima” ang RCBC, nang lumabas na may shares ang bangko sa LIPCO.

Naipunto rin sa pagdinig na may shares ang HLI sa LIPCO at sa Centenary Holdings Inc., na pinagbentahan ng HLI ng 500 ektarya ng asyenda matapos aprubahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) noong 1996 ang kumbersiyon nito, mula sa pagiging agrikultural tungo sa pagiging industriyal, komersiyal, at residensiyal. Kinuwestiyon ni Peralta ang paghahati-hati at pagbebenta sa mga lupain sa asyenda.

Sa huli, nangatuwiran ang abogado ng LIPCO na si Atty. Mario Luz Bautista. Sinabi niya na mismong ang gobyerno—ang DAR, Philippine Economic Zone Authority, Board of Investments, at mismong si dating pangulong Fidel Ramos—na nag-apruba sa kumbersiyon ng lupa ang nagbigay ng lakas-loob sa kanila na ariin at ibenta ang lupa.

Sinikap niyang ipakita na ang pangarap ng pamilya Cojuangco-Aquino para sa asyenda—na tayuan ito ng mga call center at iba pang negosyo para sa paglikha diumano ng mga trabaho—ay siya rin namang itinutulak ng gobyerno. “If farmers want value for their land, they should convert it,” aniya. Tanging ang SDO umano ang nagbibigay sa kanila ng ganitong pagkakataon. Hinikayat pa niya ang mga husgado na isaalang-alang ang magiging implikasyon ng kanilang desisyon sa Hacienda Luisita sa imahe ng lokal na negosyo sa pandaigdigang komunidad, sa makatuwid, na hindi makabubuti ang repormang agraryo para sa negosyo.

Sa susunod na pagdinig ng Korte Suprema, diringgin naman ang panig ng mga magsasaka. Inaasahan na kaiba sa HLI, hindi pang-ekonomikong modelo na maalwan para sa mga negosyo’t may-ari ng lupa ang magiging batayan ng kanilang pangangatuwiran. Sa halip, inaasahang ipaglalaban nila ang hustisya sosyal o ang pagbibigay ng karapatang mag-ari ng lupa sa mga nagbubungkal, na siyang pinakaubod ng repormang agraryo. Dahil malinaw naman na ipinagkait ng pamilya Cojuangco-Aquino ang hustisyang ito sa mga magsasaka, marahil ang pagdedesisyunan na lamang ng korte ay kung ipagtitibay ba nila o wawakasan ang deka-dekadang pagkakait na ito.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9012

Posted by on Aug 22 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes