Pinoy Weekly

Patuloy na tanggalan sa ABS-CBN: Masamang balita sa tagapaghatid ng balita

Regalo kay Gabby Lopez

Samantala, kasabay ng pagsibak sa mga empleyado ang pagdiriwang ng karaawan ni Eugenio “Gabby” Lopez III, chairman at CEO ng ABS-CBN, noong araw na iyon. “Marahil ikinatutuwa nang malaki ni Ginoong Lopez ang pagwasak sa kabuhayan ng 37 empleyado, sapagkat ito ay hakbang pasulong sa matagal nang planong union-busting at iskemang kontraktuwalisasyon ng manedsment,” pahayag ni Allain Cadag,  bise-presidente ng ABS-CBN-IJM Workers’ Union.

Nagsimula ang tanggalan matapos igiit ng ABS-CBN IJM Workers’ Union na kilalanin sila ng manedsment bilang isang unyon. Mahigpit na tinututulan ng nasabing unyon ang sapilitang pagpapapirma ng manedsment ng short term at per-program na mga kontrata sa mga matagal nang naninilbihan sa estasyon.

Eugenio "Gabby" Lopez III: Malapit ang pamilya kay Pang. Benigno Aquino III

Eugenio "Gabby" Lopez III: Malapit ang pamilya kay Pang. Benigno Aquino III

Nagpahayag naman ng pagkaalarma ang Kilusang Mayo Uno (KMU), lalo at kilala umanong malapit sa bagong administrasyong Aquino ang mga Lopez. “May lakas ng loob ang mga Lopez na ipagdiwang ang kaarawan ni Gabby kasabay ng pagsibak sa kanilang mga Kapamilya. Ganito magsaya ang mga paborito ng bagong presidente,” sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Babala ng grupo, hindi dapat samantalahin ng mga Lopez ang pagiging malapit nito kay Pang. Benigno Aquino III para gipitin ang mga manggagawa. Ipinaalala rin ng KMU sa mga Lopez na hindi mararating ng ABS-CBN ang kinalalagyan nito ngayon bilang pinakamalaking media firm ng bansa kung hindi dahil sa mga manggagawa nito.

“Kaya nararapat lamang na kilalanin ang kanilang karapatan na mairegularisa sa trabaho at magbuo ng unyon,” ani Labog.

Nitong nakaraang buwan lamang, ianunsyo ng ABS-CBN ang pagtaas ng kita ng kompanya ng 179 porsiyento—kumita ito ng P2.256 Bilyon sa unang kalahati ng taon, at posibleng kumita nang lampas sa target nitong P3-B sa buong taon.

Naalarma rin si Anakpawis Rep. Rafael Mariano sa lumalaganap mga kaso ng tanggalan dulot ng kontraktuwalisasyon at outsourcing ng malalaking kompanya ng bansa. “Ito ay paglabag sa karapatan ng mga manggagawa sa kanilang kaseguruhan sa trabaho, dahil ayon sa batas, kapag ikaw ay nagtatrabaho ng mahigit anim na buwan sa isang kompanya, dapat igawad na sa’yo ang regular na istatus,” pahayag ng mambabatas.

Inihain ni Mariano kamakailan ang House Resolution 112 para imbestigahan ang tanggalan sa Kapamilya network.

Samantala, isinumite naman sa National Labor Relations Commision nitong Martes, Agosto 17, and kasong unfair labor practice na illegal dismissal ng mga manggagawa ng ABS-CBN. Sa darating na Biyernes, eksaktong isang linggo makalipas silang tanggalin sa trabaho, babalik din sina Saloritos at Gotel at mga kasamahan nila sa ABS-CBN compound para magprotesta at manghikayat ng suporta.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8874

Posted by on Aug 17 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Patuloy na tanggalan sa ABS-CBN: Masamang balita sa tagapaghatid ng balita”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by John Mckay, Mark Aldridge, Joseph Hawkins, Robert Michaels, Gloria Langer and others. Gloria Langer said: Patuloy na tanggalan sa ABS-CBN: Masamang balita sa tagapaghatid ng balita http://tinyurl.com/2eylrpw [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes