Pinoy Weekly

May sumisira kay Gloria Diaz sa Cebu

Ayon sa kanya, tama naman ang sagot ni Maria Venus sa tanong sa kanya kanya ng Hollywood actor na si William Baldwin.

“She did right. To begin with, hindi naman nag-i-English si Venus sa Congress o sa Parliament. O hindi naman siya aplikante sa isang English speaking job like an English writer or an orator. Wala namang gano’n. This is a beauty contest na hindi na kailangang magaling na magaling kang mag-Ingles.

“And to tell you the truth, hindi sa kahusayan sa pag-i-Ingles nananalo ang isang contestant. Hindi rin sa ganda o sa husay lumakad. Kahit sa mga judges, iba-iba ang kanilang choce. I’ve been a judge of this contest. At kahit ‘yong mga katabi kong judges, iba-iba ang gusto. Iba-iba kami. Walang pare-pareho.

“Venus did well. At saka, nakapag-uwi naman siya ng 4th runner-up so what’s the fuss all about. Maligaya ‘yong bata. Maligaya siya kahit na anong sabihin ng mga tao.

“Sa opinyon lang naman ‘yan ng mga tao, e. ‘Yong kuwentuhan lang natin after the event. ‘Yong mga impression natin. Pero pag nando’n ka na sa gitna ng competition, ibang klase na ‘yon,” paliwanag ni Diaz nang walang kagatul-gatol.

***

Pero iklinaro ring lahat ni Ms. Diaz ang kanyang panig kaya naman nagpatawag siya ng presscon para maliwanagang lahat ang mga Filipino na wala siyang sinasabing masama sa TV.

“Why would I say bad things to Cebuanos? My boyfriend for fourteen years is a Visayan show why should I say bad things about his kababayan? That is logical.

“Kaya nga nagtataka rin ang boyfriend ko kung bakit gano’n ang nangyari. It is really unfair. Kaya nga kung hindi mag-a-apologize ang mga Cebuano sa akin, hindi pa ako babalik do’n.

“Yes, I go there. Pero sa nangyaring ito, hindi na muna. Unless, mag-sorry sa akin ang mga gumawa nito.

“Mas marami pang mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng mga leaders like the dengue epidemic, ‘yong sentiments ng Hong Kong sa hostage taking crisis, ang economy natin. Bakit ito pa? I am irrelevant her.

“Mas mahalaga nag nation-building natin. Kaya mag-sorry dapat sila for all these. Hindi ako ang dapat na sinisira nila. They are wrong. Mas marami pang bagay na dapat pagtuunan ng pansin,” paliwanag ng aktres.

***

Mike de Jesus ang pangalan ng kasintahang taga-Cebu ni Gloria at pamangkin ng mga Osmeña.

“We are together fighting for this,” sabi ni Ms. Diaz.

Ang mga anak niya, aniya ay talagang nadidismaya sa mga nangyari.

Sa katunayan, sila ang nagpasabi sa kanya na may mga mensahe sa Facebook na ang 1969 Miss Universe ay persona non grata at bawal sa Cebu.

Gumagawa din ng paraan ang mga anak nina Gloria at Sandy Daza para malinis ang pangalan ng kanilang ina na matagal na inalagaan at minahal ng sambayanang Filipino.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9244

Posted by on Sep 5 2010. Filed under Showbiz. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “May sumisira kay Gloria Diaz sa Cebu”

  1. grace

    maaaring hindi nga niya intensiyon na pagsabihan ng ganoon ang mga cebuano o sinasabi niyang misinterpreted lang, pero kahit ganoon ay iisa parin ang ibig sabihin ng kanyang sinabi. na lahat ng cebuano ay hindi marunong mag-english. it really hurts diba? para sa ating mga cebuano, sabihin na natin na hindi iyon ang kanyang ibig sabihin pero marami ang nasaktan ng dahil sa kanyang nasabi…

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes