Mga Larawan: Paggunita’t protesta sa ‘pananatili’ sa bansa ng multo ng batas militar

Nagmartsa ang aabot sa 1,000 katao sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan patungong Mendiola Bridge para gunitain ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Ayon sa Bayan, patuloy pa ring buhay ang mga multo ng batas militar, tulad ng mga paglabag ng estado sa karapatang pantao. Nariyan pa rin ang pundamental na mga problema ng lipunang Pilipino, tulad ng kawalan ng tunay na repormang agraryo at malaalipin na kalagayan ng manggagawang Pilipino.

Dumalo sa pagpapalabas ng pelikulang "Sigwa" sa Robinsons Manila ang mga beterano ng batas militar at "parlamento ng lansangan" sa sumunod na mga rehimen. Kasama sa pumunta sina Satur Ocampo, Liza Maza, mga miyembro ng First Quarter Storm Movement, at ang direktor ng "Sigwa" na si Joel Lamangan. (Macky Macaspac)

Kasama sa mga dumalo sa espesyal na pagpapalabas ng pelikulang "Sigwa" ang mga artista ng pelikula na sina Ayen Laurel at Marvin Agustin kasama sina dating Rep. Satur Ocampo at Liza Maza. (Macky Macaspac)

Ginunita rin ng libu-libong mga militante sa Davao City ang ika-38 taon ng anibersaryo ng batas militar. Pinuna ng mga militante ang pagpapatuloy ng mga pang-aabuso ng mga ahente ng estado sa ordinaryong mga mamamayan. (Karlos Manlupig)

Sa Negros Oriental, nagprotesta rin ang mga militante, sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan - Negros Oriental at Kaugmaon (Kahugpungan Alang sa Ugma sa mga Gagmay'ng Mag-uuma sa Oriental Negros) para gunitain ang malagim na batas militar ng diktadurang Marcos. Para sa mga militante ng Negros, patuloy pa rin ang panunupil sa mga mamamayan, 38 taon matapos ideklara ang batas militar. (Kontribusyon / Mordino M. Visitacion)