Pinoy Weekly
Archive for: September, 2010

Video: Bisperas ng demolisyon

Kung bakit ipinagtatanggol ng mga maralita sa North Triangle ang kanilang karapatan sa paninirahan, laban sa pagtatayo ng umano’y maka-dayuhan at kontra-mamamayang Quezon City Central Business District.

Mga Larawan: Paghahanda ng maralita ng North Triangle laban sa demolisyon

Sa tantiya nila’y bisperas ng pagdedemolis sa kanilang mga tahanan sa North Triangle, ipinakita ng mga residente ng Sityo San Roque na handa silang ipakita ang pagtutol. Hindi nila basta-basta isusuko ang karapatan para sa sariling tahanan at kabuhayan.

Ibayong pagpapahirap sa detinidong pulitikal na buntis

May mga kaso ng mga dinudukot at ikinukulong ng mga ahente ng estado – noong batas militar at ngayon – ang nagdalantao. Ibayong hirap ang naranasan nila. At kapag tumagal sa pagkakulong, hindi na lang sila ang detinidong pulitikal. Pati ang kapapanganak na sanggol, nakakulong at nagdurusa.

Mga Larawan: Paggunita’t protesta sa ‘pananatili’ sa bansa ng multo ng batas militar

Nagmartsa ang aabot sa 1,000 katao sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan patungong Mendiola Bridge para gunitain ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Ayon sa Bayan, patuloy pa ring buhay ang mga multo ng batas militar, tulad ng mga paglabag ng estado sa karapatang pantao. Nariyan pa rin ang pundamental na mga problema ng lipunang Pilipino, tulad ng kawalan ng tunay na repormang agraryo at malaalipin na kalagayan ng manggagawang Pilipino.

Larawan: Unang taong anibersaryo ng Gabriela sa Hong Kong, ipinagdiwang

Pinangunahan ni Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela Philippines, ang pagdiriwang para sa unang taong anibersaryo ng Gabriela-Hong Kong kamakailan. Sinabi ni Linaban na kailangang pag-ibayuhin ang pag-oorganisa sa kababaihang Pinay sa Hong Kong para ipaglaban ang kanilang mga karapatan at interes ng buong sambayanang Pilipino.

Malaya nga ba ang Cinemalaya sa pagtanggi ni Robbie Tan sa lahok ni Mario O’Hara?

Nagdiwang ang mga alagad ng sining nang itatag ng Cultural Center of the Philippines at ng Cinemalaya Foundation ang Cinemalaya Independent Film Festival. Ang mga tagalikha ng pelikula, maikli man o pagtatampok na may naratibong bumubuo ng isang regular na pelikulang may haba ng mahigit sa isang oras, ay natuwa dahil may kakandili na sa [...]

Bumibisitang pamilya ng OFW, pinagbabayad ng gobyerno

Isang bagong rekisito para sa bumibisitang pamilya ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa United Arab Emirates (UAE) at Macau ang tinawag ng mga grupong migrante na panibagong porma ng “pangongotong” ng gobyernong Aquino sa mga OFW. Kamakailan, inihayag ng embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, Dubai, at Macau na kailangan munang kumuha ng isang notarized [...]

Para sa negosyo, itataboy silang maralita

Sa halip na mga bahay: mga mall, call centers, tanggapan ng dayuhang mga korporasyon, parke. Sa halip na disente at matinong kabuhayan: kontraktuwal na mga trabaho. Ito ang plano sa North Triangle sa Quezon City. Itataboy ang libu-libong maralita para sa isang panlabas na mga istruktura ng “kaunlaran.”

Manggagawang bukid ng Luisita tumanggi sa medyasyon

Pormal na ipinaalam ng mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita sa ilalim ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid ng Asyenda Luisita (Ambala) at United Luisita Workers Union (ULWU) sa mediation panel na nilikha ng Kore Suprema na hindi na sila lalahok sa mga pagdinig nito. Ang panel ay nilikha para umabot sa isang kasunduan ang [...]

Tag-ulan sa New Delhi

Hindi ko gaanong gusto ang pagsisimula ng pagmumuni-muni, “When I was in (banggitin ang dayuhang lugar na napuntahan)…” Parang exklusibo ang karanasan, at parang pulpol na pantas na ang nagsasalita (kung hindi ka pa nakapunta roon ay wala kang karapatang kumontra).

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes