Hanggang kailan ba maaaring magsampa ng kaso sa kanyang kompanya ang isang tinanggal na manggagawa? Maaari bang huwag muna siyang kumibo at pakuyakuyakoy muna sa tabi at kung kailan siya sisipagin ay saka na lamang magsampa ng kaso laban sa kompanya?
Marami na siguro ang nakapanood ng patalastas ng Nescafe Decaf na may titulong “Why Not?” Dalawang babae ang sinubaybayan mula paglalakad pauwi hanggang bago matulog, kung saan inisa-isa ng isa ang mga naengkwentrong “bawal” gawin sa gabi: magwalis, dumaan sa ilalim ng hagdan, manahi, maglabas ng pera, matulog nang basa ang buhok, hanggang sa, syempre pa, uminom ng kape dahil “baka hindi ka makatulog.”
Isang araw matapos ang Ramadan, ipinarada ng Philippine Army sa Cotabato City patungo sa kampo ng 6th ID ang bagong mga kagamitang pandigma na mula pa sa Australia. Nagtataka tuloy ang marami: Kung nais ng gobyernong Aquino ng kapayapaan sa Mindanao, bakit pa kailangan ng dagdag sa gamit na magpapalala sa digmaan?
Sep 19 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Hindi po tayo magkakilala at hindi ko alam ang iyong pinagdaraanan. Hindi tulad ng iba, wala po akong karapatang maghusga.
Sep 18 2010 | Posted in
(Kolum),
Konteksto |
Read More »
Kailangan ng agarang pagtugon ng mga gobyerno sa mga kaso ng karapatang pantao. Isa sa mga paraan ito para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, ayon sa internasyunal na mga abogado ng IADL.
Sep 18 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Dahil walang malapit na mga parke o palaruan, itong overpass na lang sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ang ginagamit ng mga bata na slide.
Sep 18 2010 | Posted in
Buhay Pinoy |
Read More »
Mga imahen ng pag-aayuno at paglaban ng mga kaanak ng Morong 43 para sa kalayaan ng mga mahal nila sa buhay at iba pang detinidong pulitikal.
Sep 17 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Sa isang porum ng mga taong-simbahan kamakailan, inilatag ni Luis Jalandoni na punong negosyador ng mga rebeldeng komunista ang mga paraan para magtuloy ang usapang pangkapayapaan. Kailangan na lang basagin ng administrasyong Aquino ang katahimikan nito – at manindigan para sa kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan.
Sep 17 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Nagsagawa ng lightning rally ang militanteng mga organisasyon sa pagbisita ni Pang. Noynoy Aquino sa Davao City. Iginiit nila kay Aquino ang pagbabasura sa kontra-insurhensiyang kampanyang Oplan Bantay Laya, na bumibiktima umano sa mga di-armadong aktibista. Hiniling din nila ang hustisya para sa mga pinaslang na aktibista. Di hinarap ng Pangulo ang mga militante, at puwersahang itinaboy ng mga pulis.
Sep 16 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Nagsagawa ng lightning rally ang mga kabataan sa ilalim ng National Union of Students of the Philippines o NUSP habang may deliberasyon ng badyet sa loob ng Kamara. Itinaboy din sila ng security ng Kamara. Nasa harap si Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, tila walang pakialam sa nagaganap na protesta. Ipinoprotesta ng mga estudyante ang pagkaltas ng 1.7% ng badyet sa state colleges and universities sa panukalang pambansang badyet, habang patuloy na mataas ang inilalaan sa badyet ng militar.
Sep 16 2010 | Posted in
Balita |
Read More »