Pinoy Weekly

Ruta ni Ka Roda*

Si Ka Roda, nagsalita sa parangal para sa matalik na kaibigan at kapwa lider-manggagawa na si Crispin Ka Bel Beltran, sa burol ng huli sa IFI Church sa Manila noong Mayo 2008. (KR Guda / PW File Photo)

Si Ka Roda, nagsalita sa parangal para sa matalik na kaibigan at kapwa lider-manggagawa na si Crispin "Ka Bel" Beltran, sa burol ng huli sa IFI Church sa Manila noong Mayo 2008. (KR Guda / PW File Photo)

Tuloy pa rin

Noong 2002, dumanas ng stroke si Ka Roda na pumaralisa sa kalahati ng kanyang katawan. Aniya, “stress” ang naging dahilan nito. Sa kabila ng pangyayari, mabilis nakarekober ang lider-tsuper at nagtuloy sa pagsisilbi sa sektor ng mga manggagawa sa transportasyon.

Aniya, kailangang mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng kanilang sektor. Panguhahin dito, ayon sa Piston, ay ang “walang habas na pagtaas ng presyo ng langis.” Gayundin, dahil sa kakarampot na kita, lubha umanong apektado ang mga tsuper sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin dahil sa mga polisiya gaya ng Expanded Value-Added Tax. Problema rin ang magmamantina ng mga sasakyan.

Sa kabila ng kasalukuyang sakit, tuloy pa rin si Ka Roda sa pagtulong sa Piston at sa mga manggagawa sa transportasyon upang masolusyunan ng mga ito ang kanilang mga problema bilang sektor. Wala pa rin siyang sawa sa pagpapaalala sa mga nanunungkulan sa pamahalaan hinggil sa mga nilalaman ng Saligang Batas na kanilang nilalabag.

Sa isa namang panayam sa Center for Trade Union and Human Rights, pinaalalahanan ni Ka Roda ang mga opisyal ng pamahalaan hinggil sa Artikulo 11, Seksiyon 1 ng Saligang Batas na nagsasabing “ang mga pampublikong opisyal at mga empleyado ay kailangan, sa lahat na panahon, maging matapat sa mga mamamayan.” Pinaalala rin niya na ang panunungkulan bilang opisyal ay hindi simpleng pangangako, ngunit pagsumpa na gagawin ang mga tungkuling nakaatang sa kanila.

Para naman sa kanyang kinabibilangang organisasyon, tinagubilinan niya ang kanyang mga kasamahan na “ipagpatuloy laban para sa ikabubuti ng sektor at ng buong sambayanan.”

*Pamagat ng bidyo-dokumentaryo hinggil sa buhay ni Ka Roda na ginawa ng Kodao Productions, sa panulat at direksiyon ni Teresa Lorena Jopson.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9310

Posted by on Sep 7 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes