Pinoy Weekly
Archive for: October, 2010

Magsasaka ng Negros, nagprotesta sa Maynila

Dumating na sa Maynila noong Oktubre 17 ang mga magsasaka mula sa Negros para magsagawa ng dalawang linggong protesta para ilantad ang umano’y piyudal na paghahari ng isang Cojuangco sa Visayas. Ayon sa National Federation of Sugar Workers at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Negros, sinasamantala ni Danding Cojuangco, kroni ni dating Pangulong Marcos at kamag-anak ni [...]

Tatlong PBA Stars isasali sa RP Smart-Gilas

Tutungo sina Asi Taulava, Sol Mercado at Kelly Williams sa Guangzhou, China upang tulungan ang RP Smart-Gilas sa kampanya nito sa Asian Games. Nakarating na sa pagsangayon ang mga kampo nina Williams at Taulava sa pagpapahiram nila sa kanilang mga manlalaro sa Team Pilipinas. Nagsimula ito ilang buwan ang nakalipas nang nagsaad ng kagustuhan si [...]

Hanggang sa kulungan, handang paglingkuran ni Kookoo Gonzales si Patrick de la Rosa

Nasusukat ang pag-ibig ni Kookoo Gonzales kay Patrick de la Rosa sa pamamagitan ng paglilingkod ng aktres sa aktor sa loob ng kulungan. Nabilanggo si Patrick sa alegasyon na siya ay nanggahasa ng isang dalawampung taong gulang na kolehiyala sa Regalia Condominium sa Cubao kamakailan. Si Kookoo ay ang mahalagang bahagi sa buhay ni de [...]

Mga Larawan: Unang araw ng Lakbayan sa Southern Tagalog para sa reporma sa lupa

Mga larawan ng unang araw ng Lakbayan para sa tunay na repormang agraryo sa Southern Tagalog.

Pangangalakal ng kababaihang OFW sa Jordan

Biktima sila ng human trafficking sa bansang Jordan: inalipin, pinahirapan, minolestiya, ginahasa. Pero matapos makatakas sa kanilang abusadong mga amo, kahit ang mga opisyal ng pamahalaa’y inaabuso din umano sila. Giit ng mga kaanak nila: Agarang pauwiin ang mga biktima. At bigyang hustisya ang nangyari sa kanila.

Hustisya kay Beng Hernandez patuloy na ipinagkakait

Panayam kay Evangeline Hernandez, ina ng isa sa pinakaunang biktima ng extrajudicial killings sa panahon ng administrasyon ni Gloria Arroyo.

Aktibismo sa panahon ng administrasyong Aquino

Aktibista ka ba? Kung ang maikli mong sagot ay oo, maikli rin ang kasunod kong tanong: Bakit?

Larawan: P-Noy hinusgahang ‘bagsak’ sa pangangalaga ng karapatan ng bata

Malungkot na “smiley” ang husga ng mga bata ng Salinlahi, alyansang nangangalaga sa karapatan ng bata, sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Pang. Benigno Aquino III. Hindi umano nagbago ang di-pagtugon ng nakaraang administrasyon sa mga batayang isyu ng mga mamamayan tulad ng pabahay, kabuhayan, edukasyon, seguridad mula sa kalamidad, at karapatang pantao. Ipinagdiriwang ngayong buwan ang “Children’s Month.” (Macky Macaspac)

Pagpabor ng Korte Suprema sa Human Security Act, kinondena

Mahigpit na tinututulan ng mga grupong pangkarapatang pantao ang pagpabor ng Korte Suprema sa kontrobersiyal na Human Security Act.

Mga Larawan: Barkong pandigma ng US na naglulan kina Lance Corp. Daniel Smith, bumalik sa Subic

Dumaong sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales ang USS Essex (kaliwa), ang barkong pandigma na sinakyan nina Lance Corp. Daniel Smith at kasamahang mga miyembro ng US Marines na inakusahang nanggahasa sa Pinay na si “Nicole” noong 2006. Kasabay ng USS Essex ang USS Halsey. Mahigit 3,000 sundalong Kano ang lunan ng mga barkong ito para sa ehersisyong militar sa pagitan ng armadong puwersa ng US at Pilipinas ngayong Oktubre.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes